Chapter 47: Headache

8 1 0
                                    

Honestly, I don't feel good today. I think I'm sick. Sabi ni kuya ay ʼwag na raw ako pumasok but I insist. Sayang e.

As usual, maaga kami pumasok. Ang kinaibahan lang, bumili na siya ng pagkain bago pumunta sa school at sa office nalang niya kami kumain. My appetite didn't change at all, kaunti lang naman sadya akong kumain.

Tumayo ako at inihanda ang gamit ko. Papunta na akong classroom at doon magpahinga habang nag-iintay magsimula ang klase. Kahit na lagi rin naman akong natutulog sa klase.

"I'll go with you." mahinahong sabi ni kuya bago Tumayo at inalalayan ako.

"I can handle myself. Sumasakit lang ʼyong ulo ko, hindi katawan ko." I replied.

He sigh. "You almost collapse yesterday."

"Almost." madiin na sabi ko. "Kuya? Can you please shut up?! Me estas cabreando."

He looked so shock on what I've said. Worry look covered his face and hug me tight.

"Baby? What did kuya do? Did I did something bad? Wrong? What's wrong baby? I can't see you like this." he said softly while caressing my hair.

What did I just said again?

"S-sorry kuya. I didn't mean what I said." My forehead creased while thinking the words I said earlier. "I didn't even know nor remember what I've said." I murmured.

Bumitaw siya sakin at mas lalong binalot ng pag-aalala ang mukha niya. Magkasalubong ang kilay niya at iniintindi ang sinabi ko.

"You don't remember?" he asked.

"Kakasabi ko lang."

He just nod and send me to my classroom. Wala akong nagawa. Yeah, I almost collapse 'raw' kahapon. Sinundo ako ni kuya sa park kahapon, no'ng makarating kami sa bahay, hindi pa man nakakapasok ay natumba ako. I don't know, I just lost my balance.

Inihatid ako ni kuya sa room and biglang nawala ang mga naririnig kong ingay. Kuya's presence can change the mood.

"Good morning po." bati ng mga kaklase ko.

Tumango lang si kuya at inilapag ang bag ko sa upuan ko. Note, kuya didn't smile at all, he just nod and don't greet them back. Pakiramdam ko ay kinder ako dahil sa ginagawa ni kuya. He kissed me on my head bago lumabas. Hindi ako nahihiya or what, ang dapat ginagawa ni kuya ngayon ay ʼyong duty niya.

"Akala ko may atraso section natin." sambit ni Nico.

"Ikaw lang Nico, damay mo pa kami!" Cyalle shouted.

Nakita ko pang sa kabilang direksyon ang punta ni kuya. Sisilipin na naman no'n si Thanya tapos 'nag-oobserve' daw. Whew.

As usual, late dumating si Samuel. Hindi ko kita pero alam ko dahil gumalaw na ang upuan sa gilid ko kung saan siya dapat nakaupo. Amoy ko na rin ang pabango niya. Nakaunan lang ako sa aking mga braso habang nakapatong ito sa desk ko. Nahihilo na naman ako, kumikirot pa ulo ko.

He didn't greet me. Hindi rin siya nangulit. Ilang minuto pa ay wala pa rin, hinihintay ko talaga. Wala.

Umayos ako ng upo at bahagyang tumingin sa kanya. Nakikinig lang siya sa teacher. Lumipas pa ang ilang oras at uwian na. Hindi niya ko kinausap.

"Sam, may problema ka ba?" tanong ko sa kanya habang nag-aayos siya ng gamit.

"Ah, babe. Nandiyan ka pa pala."

"Oo? Baka kasi ako ʼyong magsasara ng room?" patanong kong sagot.

"Yeah, una na ko ha." he said bago umunang lumakad sakin.

My forehead creased. "H-hindi mo ba ako ihahatid?"

"Sorry, Zoella. I have to do something."

He call me on my name. First time ng tainga ko na hindi magustuhan ang pangalan ko. I'm worried.

"Iniiwasan mo ba ko?" my voice softened.

He sigh. "May gagawin ako. Zoella please, ʼwag kang makulit." he said before leaving me.

Ako? Makulit? Hindi ko alam na masama na palang magtanong ngayon.

Naglakad ako papuntang office pagkatapos maisara ang classroom. This is what I hate, maghahabol sa isang tao.

"Hindi ka niya ihahatid?" bungad ni kuya pagkapasok ko.

I shook my head. "Sabi ko sayo ako sasabay." I lied.

"Buti pumayag?"

"Tabi, diyan ako uupo." I change the topic.

Umupo ako sa swivel chair ni kuya at siya ang umupo sa upuan sa tapat. He's busy on his laptop and I'm just busy-sitting here. Kumirot na naman ang ulo ko kaya napahawak ako dito. Naalarma naman si kuya kaya agad niya akong nilapitan. Pati tuloy ʼyong ibang tao dito sa loob ay naistorbo.

"What happens?" kuya asked.

Masakit paa ko, kaya nga ako nakahawak sa ulo ko.

"My head hurts." I answered.

"We're going home, Gael you're in charge." turo niya kay Gael habang inaayos ang gamit. "Baby, we're going home. Okay?" Nanginginig ang kamay niya habang hinaplos ang pisngi ko.

Natataranta siya dahil sakin. Wala lang naman siguro ʼto, sakit lang ng ulo.

Inalalayan niya ako palabas, hanggang sa nakarating ng sasakyan. Mabilis niyang pinaharurot ang sasakyan ay kahit medyo may kalayuan ang bahay namin ay nagawa naming makarating ng mabilis pa sa alas kwatro.

"Dewei, what happened?" mom asked.

"Her head hurts," he faced me. "Baby, can you rate how much it hurts from 1-10?"

"Eleven."

Hindi ako nagbibiro. Hindi sapat ang 10 lang dahil habang tumatagal ay pasakit na ng pasakit. Maiiyak na ako.

"I texted dad earlier, na-contact na ba niya ʼyong doctor?" kuya asked mom.

"Yes, I guess."

Parang minamartilyo ang ulo ko. Hindi ko alam kung paano naging ganito kasakit e wala naman akong ginagawa.

They assist me. Pinaupo nila ako sa couch habang ako ay nakahawak pa rin sa ulo ko. Mom is acting chill but deep inside, I know she's panicking. I wish I also know how she controls her emotions.

"Bren! My god, what did just happen?" papa questioned kuya.

"Biglang sumakit ulo niya."

Lumapit sakin si papa at hinaplos ang noo ko. Kinuha niya ang panyo sa bulsa niya at pinunasan ang noo ko.

"Pinagpapawisan ka ng malamig," he muttered. "The doctor will arrived at 30 minutes."

"Wala ng ibibilis ʼyon?" kuya replied.

"He has a duty right now. Let's just bring her to the hospital."

I sigh. "Pa, sa kwarto nalang ako. Ayoko sa hospital. A-ayos na ko."

"You sure?" papa asked and I reply with a nod.

I stand up. Hindi pa man nakakalayo sa kanila ay nanlalambot na ako. Later on, ang alam ko nalang ay bumagsak ako sa sahig and everything went black.

I passed out.


I am Bullying the Bully ✅Where stories live. Discover now