CHAPTER 1

7 0 0
                                    

"NYIEN'S POV"

"Nyien!!!!!

Napabalikwas ako ng bangon sa tawag ni tita Jela.

Po???

"Bumangon ka na diyan,madami pang imisin.Ikaw talagang bata ka,natulog ka na naman ng kung anong oras ka gabi kaya---rattatatatat boom! Sheeeeeeeeeassss bruuuuuu piung piung beng beng beng bogsh bogsh wasssh tsaaaaa.

Di ko na pinakinggan ang sermon ni tita at dumeretso nalang ako sa banyo para mag hilamos.Tinanghali tuloy ako ng gising dahil dun sa pinapanood kong mga music videos.

Pagkatapos kong mag almusal ay hinanap ko na si tita.Nadatnan ko sya sa salas na inaayos ang mga leche plan na pa order sa kanya dun sa resort na katapat lang ng bahay namin.

"Nyien tulungan mo ako sa pagbitbit nitong mga leche flan."Sabi sakin ni tita sabay abot ng mga lagayan sakin.

"Tita si papa nga po pala nasaan?."Tanong ko,pagkagising ko kasi ay di ko na sya naabutan dito sa bahay.

"Maaga umalis,may trabaho daw sya ngayon."Aniya habang inaayos parin ang mga lagayan.

Si papa ang nagtataguyod sakin.ang mga kasama ko lang dito sa bahay ay si tita Jela,kapatid ni papa at si inay ang lola ko .Wala na kasi si mama 8 taon ako ng mawala sya.Hindi naman kami mayaman *sigh* Tama na nga ang drama.

Di ko namalayan na nasa tapat na pala kami ng resort.Pagpasok namin doon ay makikita mo ang ganda ng lugar.

"Ma'am ito na po lahat ng order nyo."Sabi ni tita at binigay na yung mga leche plan.

Habang nakikipag-usap si tita kay ma'am Fia.Naglibot libot muna ako dito sa resort.Malapit ito sa lake kaya kitang-kita ang magandang tanawin.Masarap din ang simoy ng hangin,nakakarelax.

Napatigil ako sa isang malawak na daan.Madaming bulaklak sa paligid.Aabutin ko na sana ang bulaklak ng...
.
.
.
.
.
.
.
.

.

.
.

.
.

Bogsssshh!!!!

"Aray naman!."Daing ko ng mapasalampak ako sa lupa.

"Tss stupid."Sabi naman nung lalaking nakabangga sakin.pagtingin ko sa kanya nakatalikod na sya.

"Hoy Mr.Sungit anong stupid pinagsasabi mo dyan ha!!!!."Sigaw ko sa kanya pero di nya ako pinansin.Kinuha ko ang tsinelas ko at binato ko sa kanya,Matibay pa naman yun Spartan ang tatak eh.

"Kala mo ha!...sapul ka sakin"

*1*

*2*

*3*

"PALKKK!!!

"What the hell is your problem." Shemayy ang lamig ng boses nya.Tapos ano daw problema ko??bulag ba sya alam nya namang nabangga nya ako kaya ako natumba tapos sasabihan pa nya ako ng stupid anong akala nya sakin di marunong makaintindi ng English??.

"Ikaw!!!Ikaw ang problema ko.Hoy lalaki bulag ka ba o sadyang bobo ka lang.Ang laki laki ng space dito tapos sa gitna ka pa talaga dumaan.Ikaw ang nakabangga sakin di ka pa marunong mag sorry tapos tatawagin mo pa akong stupid!."sigaw ko sa kanya Nakakahingal yun ah ang dami kong sinabi.Nakatingin Lang sya sakin habang nakakunot ang noo.

The  Beat  Of My  Heart Opowieści tętniące życiem. Odkryj je teraz