Chapter 30

805 40 1
                                    

CHAPTER 30

"OH MY GOD! Ms. Nivera! Mabuti naman at nagising kana!" eksaheradang sabi ni Ms. Santos ang Makita ang bagong dating na si Alex sa faculty office. Matapos ang ilang araw na pahinga a pumasok na rin si Alex. Magaling na ang sugat nia sa likod maging ang mga pasa nia sa braso ay unti-unti nang nawawala.


"Maayos na ba ang pakiramdam mo Ms. Nivera?" tanong ni Mr. Quizon sa dalaga. Nahihia namang tumango ang dalaga sa kanila


"Ano ba kayo, ayos na po ako. atsaka miss ko na ang mga estudante ko.."


"EHHH?!" taka namang tiningnan naman ni Alex ang mga teacher sa loob ng faculty office na pare-parehas ng reaksyon.

"Sure ka bang ayos kana Ms. Nivera? Mahinang tanong sa kaniya ni Ms. Chan sa kaniya. Tmango naman ang dalaga habang inaayos ang mga gamit na dadalhin nya sa classroom. Wala ngayon si Sab dahil may inasikaso sila ni Allen kaya naman si Mr. Quizon ang acting principal ng school.


"Huwag kayong mag alala sa akin Ms. Chan. Kaya ko na hehehehe" naiilang na nginitian niya ang ilang teacher na naroon nang tumunog na ang bell. Senyales na simula na ng klase niya sa umaga.


Hindi maiwasan ni Alex na ngumiti habang nag lalakad papuntang classroom. Nang makarating ay napahinto siya sa pag pihit ng pinto nang marinig ang sigaw ni Ren.


"Roigie! Ano bang nangyayari sa'yo?! Bakit ka mag da drop?!" sumilip ang dalaga sa classroom at doon nakita nilang nakatayo ang binata nang hindi naka uniform. Nag tatakang pumasok si Alex dahilan para makuha niya ang atensyon ng lahat.


"A-anong mag d-drop? Anong meron?" natahimik ang lahat sa tanong ng dalaga. Wala ni isang nag sasalita.


"Sabihin mo, anong nangyari at mag d-drop ka?" diretsong tinitigan niya si Roigie na nananahimik at nakasilip sa labas.


"Kinakausap kita Mr. San Pedro! Anong nangyari?!" Hinawakan niya sa braso ang binata at laking gulat ni Alex nang makita ang pasa sa mukha nito. May sugat sa gilid ng labi niya na namamaga maga pa.

"A-anong nangyari sa mukha mo?! Saan galing iyan?! Sinong may gawa niyan?!" Malakas na binawi ni Roigie ang braso mula sa dalaga dahilan para bahagya itong mapaatras.

"Huwag mo na akong paki alaman Stella, Hindi ako mag d-drop. Dahil---" hindi natapos ang sasabihin ni Roigie nang bumukas ang classroom at bumungad si Mr. Quizon kasama ang dalawang pulis.


"Mr. San Pedro." Agad na nag tinginan sa bagong dating ang section 13 at Alex

"Anong problema Mr. Quizon? Anong kailangan niyo sa estudyante ko?" nag tatakang tanong ni Alex. Seryosong nakatingin lamang ang head teacher sa dalaga.

"Kailangan mong sumama sa presinto Mr. San Pedro. Sangkot ka sa isang drug transaction kagabi!" mabilis ang naging ingay sa classroom ng section 13. Malakas na ng rereklamo ang mga kaklase ng binata na ngayon ay nakakuyom ang kamao.


"D-drug transaction?" gulat at hindi makapaniwalang sambit ni Alex.


"Nag kakamali kyo! Mag kakasama kami kagabi nina Roigie! Imposibleng siya ang nakita niyo!" sigaw ni Justin.


"Hindi kayo pwedeng basta-basta nalang mambintang nang walang ebidensya!" Agad na pinigilan ni Alex ang dalawang pulis sa pag lalagay ng posas sa kamay ng binata.


"S-sandali ho! Huwag niyo siyang posasan! Hindi naman ho tama na posasan niyo agad siya nang wala man lang kayong ebidensya!" pag aalma ng dalaga ngunit pinabulaanan ito ng head teacher.

"Ms. Nivera, may nakuhang matibay na ebidensya ang mga pulis laban sa kaniya." Matigas na sabi ng head teacher. Tila walang magawa ang dalaga nang tuluyan nang posasan ng pulis ang binata. At dalhin ito palabas ng classroom.

"Hindi totoo ang ibinibintang nila kay Roigie! Mag kakasama kami kagabi!" malakas na sabi ni Josh. Hindi naman mapakali ang dalaga maging ang mga estudyante nito. Hindi lubos maisip ng dalaga na ganito ang dadatnan niya matapos siyang maospital. At lalong hindi siya makapaniwalang sangkot ang estudyante niya sa ganoong klaseng gawain.


"Anong gagawin natin? Kailangan nating patunayan sa kanila na walang kinalaman si Roigie sa droga. Dahil kung hindi ..." tiningnan ni Alex si Justin. Alam niyang sasabihin nito na maaring ma expel ang binata kapag napatunayang may kinalaman ito sa droga.


"Ako na ang bahala. Huwag kayong mag alala. Aayusin natin ito. Hindi makukulong si Roigie. At hindi siya ma e expel."

Agad na kinuha ni Alex ang mga gamit at dali-daling lumabas ng classroom para sundan ang binata. Samantalang natira naman sa classroom ang section 13, katulad ng guro ay hindi rin mapakali ang mga ito lalong lalo na sina Ren, Justin Niccolo at Josh. Tiningnan ni Josh ang bakanteng upuan nina Jun at Roigie.

"Teka, ilang araw nang absent si Jun mula nung nakaraang linggo ah? Alam na niya kaya ang nangyari kay Roigie?" tanong pa nito.


"Alam na niya. Tinawagan ko siya kanina. At hindi siya makakapasok dahil susunduin niya ang mga magulang niya." Sagot ni Niccolo. Mula sa kinauupuan ay tumyo si Justin at humarap sa mga kaibigan.


"Masama ang kutob ko, may kinalaman sila Kevin dito! Hindi niyo ba natandaan yung banggaan nila nung sports fest? At iyong sinabi ni Roigie satin noon tungkol dito?" sa sinabing iyon ni Justin ay nag karoon ng matinding pag hihinala ang mag kakaibigan. Dali-daling tumayo si Ren diretsong lumabas ng classroom. Nag mamadali ring sumunod ang tatlo sa binata at tinungo ang classroom ng SECTION A.

Samantala....

"Ilang beses ko bang sasabihin sa inyong wala akong kinalaman sa drogang 'yan?!" inis na singhal ni Roigie. Nasa prisinto siya kasama sina Mr. Quizon at Alex. Kasalukuyang tinatanong ni inspector Dantes ang binata. Hindi mapakali ang dalaga sa nangyayari dahil lahat sagot ng binata ay pabalang at puno ng pag tanggi.

"Nakuhanan ka sa cctv na hawak ito. Paano mo ipapaliwanag iyon Mr. San Pedro?" tiningnan ni inspector ang binata nang matalim, sa pag aakalang masisindak ito. Ngunit ngumisi lang ang binata rito at sinuklian din nang matatalim na tingin ang inspector.

"Hindi naman nakuha sa cctv na inabot sa akin hindi ba?! Bulag ba kayo?" sarkastikong sabi nito sa inspector.


"Mr. San Pedro! Umayos ka sa pananalita! Matuto kang irespeto ang nakatatandasayo! Kahit iyon man lang ang magawa mo!" padabog na tumayo ang binata at hinarap ang head teacher.

"Ano bang alam niyo sa salitang iyon?" galit na tanong ni Roigie habang daklot sa kwelyo ang head teacher. Agad naman itong inawat ni Alex at tiningnan nang matigas si Roigie.


"Please Roigie, kumalma ka." Bulong nito sa binata. Tiningnan siya nito at pabalyang binitawan ang head teacher atsaka muling umupo sa silya.

"Ayos lang ho ba kayo Mr. Quizon?" taning niya sa matanda. Tumango lamang ito atsaka tiningnan nang matalim ang binata.

"Tatanungin ulit kita Mr. San Pedro. Sino ang nag bigay sa'yo nito?" muling tanong ni inspector Dantes sa binata.


"Walang nag bigay sakin niyan. Ni hindi ko nga alam kung paanong napunta sakin ang drogang iyan eh! Kahit ipa drug test niyo ako ngayon din siguradong negative iyon!" Napatingin naman ang dalaga sa binata. Kita ni Alex ang sinseridad sa mga mata nito na nag sasabing wala siyang kinalaman sa drogang natagpuan sa kaniya.


"Ano kamo?" tanong ng dalaga at tumingin pa sa binata ngunit hindi siya nito pinansin. Isang bagay ang nabuo sa isipan ng dalaga. Maaring nag sasabi ng totoo ang estudyante niya patungkol rito. Natuon ang atensyon niya sa nakakuyom na kamao ng binata at kita rin ang panginginig ng mga ito.


"Siya, kung itatanggi mo pa rin ang totoo, mananatili ka rito. Kakausapin ko ang mga magulang mo at pag uusapan ang possible expulsion mo kapag napatunayang gumagamit at nag tutulak ka ng droga." Gulat na tiningna ni Alex ang head teacher.


"Mr. Quizon---"

"Bilang head teacher ng Mondragon ay gagawin ko ang nararapat. At bilang adviser nila Ms. Nivera, wala kang magagawa roon." Mabilis na ikinuyom ni Alex ang kaniyang kamao. Nakaramdam siya ng galit at tiningnan ang head teacher na nag lalakad palaba ng prisinto. Muli niyang naalala ang kasunduang pinag usapan nilang dalawa ng kaniyang kapatid.


"Kung gusto mong mag patuloy sa pag tuturo Alex, kailangang hindi mo gagamitin ang apelyido natin. Mananatili kang si Ms. Nivera at ingatan mo ang mga esrudyante mo. This is your last chance."

Hanggang sa makalabas ng prisinto ay hindi maalis sa isipan ni Alex ang nangyari. Ang bumungad sa kaniya ngayong umaga ay hindi kapani-paniwala. Sigurado siyang walang kasalanan ang kaniyang estudyante laban sa ibinibintang ng pulis. At iyon ang kailangan niyang mapatunayan sa lahat. Hindi siya papayag na mauwi sa wala ang pinag hirapan niya para masamahan ang mga ito sa graduation.


Nag lalakad mag isa ang dalaga nang may masalubong siyang isang bulto ng lalaki.





"Eh??" nakapamulsa ito at nakaharap mismo sa kaniya. Iyon ay walang iba kung hindi si Jun. Ang estudyante niyang hindi pumasok simula nang maospital siya.





"Anong ginagawa mo rito? Oras ng klase ah?"  nag tatakang tanong ng dalaga. Ngunit blangkon itsura lamang ang natanggap nito mula sa binata.





"Pumasok kana. Papunta na ako sa Mondragon." Diretsong mag lalakad na sana ang dalaga nang higitin siya nito sa braso.





"Are you okay... now?" bagamat mahina ay dinig ni Alex ang tanong ng binata. Bahagya siyang nagulat at kasabay noonang pag iinit ng mag kabilang pisngi at mabilis na pag tibok ng puso niya.  Nag mamadali siyang hinigit pabalik ang braso atsaka natatarantang inayos ang sarili.





"Tss. Baka..." inismiran niya ang binata at inayos muli ang sarili.





"Roigie told me everything yesterday night." Napatingin ang dalaga sa binata matapos nitong sabihin ang bagay na iyon.



"Eh?"



"Roigie told me that he is working as a food delivery boy everyday after schooling." Dagdag pa nito na ikinatigil ng dalaga





"D-delivery boy?" hindi makapaniwalang sambit ni Alex. Tumingin siya sa binata at gulat siyang makita na nakatingin din pala ito sa kaniya.





"And last night, he encountered some rude dicks. Fight them as usual, that explains his bruises. But what he didn't know is those bastards put drugs on his delivery boxes and delivered those to police officers."





"Ano?!!" napaharap bigla ang dalaga sa binata at nanlalaking matang tiningnan ito nang diretso.





"Yeah, and how did he know that he will be put into this kind of situation? Because he has drugs into him. They also put some into his coat." Lalong hindi nakapag salita ang dalaga matapos marinig ang mga sinabi ni Jun. Mabilis na ikinuyon niya ang kaniyang mag kabilang kamao sa tindi ng galit at pag tataka na nararamdaman niya. Isa lang ang bagay na inissip at gusto niyang mangyari ngayon. Ang mahuli kung sino ang may gawa non sa estudyante niya.





"Mapapatay ko ang may gawa nito... humanda siya...." Nanggigigil sambit ng dalaga.



"Remember what your brother told you before doing something. Tito will not hesitate to fire you if something bad happen again.." muling napatingin si Alex sa binata sa huling sinabi nito.



"Haaah?!" gulat niyang tiningnan ang binata. Hindi niya mawari kung tama bang tinawag nitong tito ang kaniyang ama o baka nalimutan niyang mag tutuli kaninang bago umalis.



"Tanghali na, we need to go to school. We need to find who's behind this bullcrap." Tumayo na ang binata at nag simula nang mag lakad palayo. Agad naman siyang sinundan ng dalaga.



"Hoy! Hintayin moko hapon!"


Mondragon Academy High School


"Nasaan si Kevin?!" Maangas na sabi ni Ren nang marating nila ang classroom ng section A na nasa kabilang building. Ang magulong building na iyon ay naging tahimik nang tumapak ang section 13. Ang ilan sa mga estudyante ay nag sibalikan sa kani-kanilang mga classroom. Ang kaninang mga nakaharang ay ay biglang nag lihisan nang makita ang grupo nina Ren.


"Anong kailangan niyo kay Kevin?!" Maangas na tanong ni Lucas, kaibigan ni Kevin na siyang bumugbog kina Niccolo noong practice nila ng sportsfest.


Mabilis na kinuwelyuhan ni Ren si Lucas atsaka matalim na tiningnan nang diretso sa mata.


"Ilabas mo si Kevin!" Matalim na sabi ni Ren sa kaaway. Agad namang naalerto sina Justin, Niccolo at Josh nang makita sina Jay, Jake at Carl.


"Ang lakas ng apog niyong mag hanap ng gulo rito? Baka nakakalimutan niyo kung kaninong teritoryo ang tinatapakan niyo?" Nakangising sabi ni Lucas dahilan para mag init ang ulo ni Ren. Akmang susuntukin na niya ito nang biglang bumungad sa pinto si Kevin


"Anong nangyayari dit---- oh! Narito pala kayo. Hahahaha!  Anong hangin ang nagtulak sa inyo para bisitahin ang mumunting classroom namin?" Nakangiting bungad nii sa section 13.



"Sabihin mo, may kinalaman ba kayo sa nangyari kay Roigie?" Kalmadong tanong ni Niccolo na siyang ikinangiti ni Kevin dahilan para mas lalong mamuo ang tensyon sa pagitan nila.


Bakit? Anong bang nangyari kay Roigie? Ah! Oo nga pala, nakuhanan pala siya ng shabu sa mga gamit niya?    Nakakalungkot naman, anong mangyayari? Ma eexpel na ba siya? Sayang naman malapit lapit n ang graduation, pati ang interhigh! Paano yon? Makakapag laro pa ba siya? Ah, baka hindi na..." Kunwaring nalulungkot na saad ni Kevin na ikinatawa ng buong section A. Nanggigigil na kinuwelyuhan si Kevin.


"Sabihin mo, anong alam mo?! May kinalaman kaba sa nangyari kay Roigie?!" Galit na tanong ni Ren. Ngumisi naman si Kevin at tila inaasar pa ang kaharap.


"Ano namang kinalaman ko sa kagag*han niya? Tanggapin niyo nalang, na adik yang kaibigan niy---" hindi na natapos ang pag sasalita ni Kevin nang suntukin siya nang malakas ni Ren. Agad ding kumilos sina Josh nang lapitan sila nina Jay.


"Aba t*r*nt*do ka ah!" Galit na sinugod ni Kevin si Ren at inindahan ng suntok. Mabilis silang nag palitan ng suntok. Nag kakagulo na sa classroom ng section A at mabilis na pinalibutan ng mga estudyante ang classroom.


"Ano?! Ang lakas ng apog niyong mag hanap ng gulo dito?! Huh! Ano akala niyo sa sarili niyo? Ang tatapang niyo?! Mga bobo!!!" Sigaw ni Kevin at akmang hahampasin na ng silya si Ren nang may mga kamay na pumigil rito.


"Anong ginagawa niyo?" Matalim na tanong ni Alex habang pigil pigil ang silyang nakaamba kay Ren. Mabilis namang inalalayan ni Jun ang kaibigan patayo. Biglang nanahimik ang kahat ng estudyanteng nakapalibot sa kanila. Tumingin si Alex sa lahat ng mga estudyanteng naroon.


"Ano oang hinihintay niyo? Mag sibalik na kayo sa classroom niyo ngayun din!" Malakas na utos niya kung kaya't dali-daling nag alisan ang mga estudyanteng nakikiusyoso sa kanila.


"Bitawan mo." Seryosong ani Alex sa binata. Ngumisi naman ito sa kaniya..


"Ang angas mo ma'am ah..." Nakangising tugon ni Kevin sa guro. Ngumisi naman ang dalaga dahilan oara mag atrasan ang mga estudyante maliban kay Kevin. Lumapit ito sa binata atsaka bumulong.



"Siguraduhin mong wala kang kinalaman at ang gang na pinagtataguan mo sa nangyari sa estudyante ko dahil oras na malaman may kinalaman ka...." Hinawakan nang mahigpit ni Alex ang bakal na paa. Ng silya na hawak ni Kevin.



"Iisa-isahin ko kayo.. naintindihan mo?" Kasabay non ang malakas na tunog ng pagkakabali ng bakal na paa ng silya. Kasabay non ang pagtunog ng bell, senyales na may klase na.



"Mag sibalik na kayo sa classroom niyo. At kayo" sabay turo sa klase nil Kevin na gulat parin sa nakita.



"Huwag niyong kalilimutan ang sinabi ko. Hindi ako nag bibiro." Nag lakad na palabas ng classroom ang dalaga kasabay ang kaniyang mga estudyante. Naiwang tulala ang section A samantalang nanggigigil namang pinag masdan ni Kevin ang dalaga paalis.


"May araw rin kayo sakin..."



END OF CHAPTER 30






Ang Teacher ng Section 13Where stories live. Discover now