Chapter 10

935 44 0
                                    

CHAPTER 10

“GOOD MORNING CLASS!!” Masiglang bati niya sa mga estudyante niya. As usual, maingay ang classroom. Ngunit ang pinag kaiba nga lang ay hindi na tulad nung mga nag daang araw.  Matapos ang nangyare isang linggo na ang nakalipas ay sa tingi niyang naging maayos na ang pakikitungo sa kaniya ng mga estudyante niya. Nakakausap narin niya nang matino ang mga ito maliban sa nag iisang hari ng kasungitan.

“GOOD MORNING!” Mas malakas pang bati niya habang nakangiti.

“Yo..”

“Morning…”

“Magandang umaga…”

“Good Morning ma’am!!” natawa siya sa lakas ng pag bati nila Bruno. Hindi tulad nang dati na sila pa ang nangunguna sa pantitrip sa akin.

Tiningnan niya ang pwesto  nila Ren at nakita niyang nandon ang dalawang estudyante niyang nabugbog.

“Good morning!” bati niya sa mga ito. Imbis na bumati pabalik ay kinawayan na lamang siya nina Justin, Niccolo at Ren. tumango naman sina Josh at Roigie samantalang ang supladong si Jun ay nakatungo at natutulog.

‘Abnoy talaga…’

Nag simula na ang klase at gulat siya nang makitang nakikinig ang lahat. First time in the history mong makikitag nakikinig ang section 13 sa discussion niya kaya naman mas ginanahan siyang mag discuss.

“Nga pala, mayroong magaganap na career orientation bukas, kaya naman, kailangan niyong isama ang guardians niy---- “

“No way!” nagulat siya sa nag salita.

“Eh?”

“Hindi mo ba alam Stella?” nagtataka siyang tiningnan si Roigie.

“Hindi alam ang alin?”

“Hindi uso samin iyang career career orientation na iyan. Ni wala nga kaming alam sa ganiyan.”

“Kaya nga!”

“Tama!”

“Ano bang pauso iyan?” at sabay-abay na nag tawanan ang buong klase na ikinakunot ng noo ng dalaga.

“Seriously? Hindi niyo alam ang career orientation?” tanong niya ulit sa mga ito. Umiling naman sila palatandaan na hindi nga nila alam ang bagay na iyon. Nakaramdam siya ng inis sa administration ng school.

“Oh siya! I fill up niyo ang form na ito. Sinasabi dyan kung ano ang gusto niyong kunin sa college kapag ka graduate niyo..” ipinasa niya sa harapan ang career orientation form.

“Siguraduhin niyong lahat kayo makakapag pasa niyan.” Kailangan niyang puntahan ang kuya niya pati narin ang head teacher tungkol dito.

………………..

Nag patawag ng meeting ang head teacher tungkol sa career orientation na gaganapin sa susunod na araw. Habang nasa meeting ay hindi maalis sa isipan ng dalaga ang sinabi ng Section 13.

“Ahh Sir. May I ask, bakit hindi kasali ang section 13 sa mga listahan?” Tanong niya nang mapansing wala sa listahan ng mga kasama sa career orientation.

“Hindi mo ba alam Ms. Nivera? Hindi talaga kasama ang section 13 sa orientation dahil iniiwasan namin ang gulong gagawin nila. Nakakahiya sa mga magulang kung makikita nila kung gaano kagulo ang section na iyon..” tila ba nag pantig ang teinga ni Alex sa narinig mula sa co-teachers. Palihim niyang naikuyom ang kamao sa ilalim ng mesa atsaka diretsong tiningnan sa mata ang head teacher na ikinagulat nito.

“At isa pa, ang career orientation ay para lamang sa mga estudyanteng desididong mag aral sa college pagkatapos grumaduate.  Sa tingin mo ba may balak pang mag aral ang section 13 pag ka graduate nila dito? Imposibleng mangyari iyon dahil sa ipinakikita nila, walang uniberidad ang kukuha sa kanila..” parang tinutusok ang dibdib ni Alex sa mga naririnig mula sa mga teachers. Hindi niya akalaing ganito kasama ang paaralang pinatatakbo ng kaniiyang kapatid. Ngayon lamang siya nakakita ng ganito kasasama at ka iresponsableng mga guro.

Ang Teacher ng Section 13Where stories live. Discover now