Chapter 8

960 46 0
                                    

CHAPTER 8

“Pansin niyo ba yung ginawa ni Stella kanina?” wala sa sariling tanong ni Justin habang nakatambay sila sa rooftop ng building. Tambayan nilang anim ang rooftop at walang ibang mga estudyante ang nag lalakas loob na pumunta rito. Ugali nilang tumambay mna rito kapag uwian.  Nakita nila ang homeroom teacher nila kasama ang isa pang teacher na tulad ng itsura nito na nag lalakad palabas ng campus. 

“Alam niyo, kakaiba yung babaeng yun..” sabat naman ni Niccolo. Napatingin naman sa kaniya ang mga kaibigan maliban kay Jun.

“Pansin ko rin. Yung titig niya kanina sa classroom palang, nung ibinato niya ang laptop. Grabe durog talaga..”

“Nakakatakot siya pag nagalit pre..” dagdag ni Ren na nakapag patahimik sa kanila.

“Kakaiba siya sa lahat ng teacher na pumasok at nag turo sa atin.” Ani Roigie habang pinag mamasdan ang guro na nag lalakad parin.

“Tama.. Ang lakas niya para sa isang normal na babae. Ang astig niya!!” parang manghang-mangha na sabi ni Justin.

“Jun, bakit mo ginawa iyon?” napalingon naman lahat sa binata matapos tanungin iyon ni Ren. hinintay nila ang sagot ni Jun na abalang nag babasa ng libro.

“Kaya nga, akala namin tatamaan talaga siya kanina.” Dagdag pa ni Josh. Hindi inalis ni Jun ang tingin sa librong binabasa.

“Alam mo bang maiiwasan niya yung tira mo kaya mo ginawa iyon?” tanong ni Roigie dahilan para mawala ang atensyon niya sa binabasa.

“Definitely…” sagot niya at tumingin sa lima.

“So, tinatanggap mo na ring hindi mo talaga siya mapapaalis sa school na ito?” Singit naman ni Ren. Tumayo si Jun mula sa pag kakasalampak sa sahig atsaka muling hinarap ang limang kaibigan.

“Whether she stays or not, she will still a f#@$g teacher that I hate the most.” Atsaka walang patutsadang umalis. Naiwan namang naguguluhan ang lima sa sinabi ng binata.

“Tsk.. loko talaga ang hapong iyun.”

“Kunwari pa siya, mukha ngang enjoy pag nakikita si Stella..” natatawang sabi ni Niccolo na agad tiningnan ng maama ni Ren.

“Gago, marinig ka non, banatan ka yare ka..”

“Welcome home mga bata!” pag bati ni Manang Celia sa dalawang kauuwing dalaga.

“Hello Nanny..” matamlay namang bati ni Alex.

“Oh, mukhang pagod na pagod kayong dalawa ah. Masyado bang makukulit ang mga estdyante niyo?” agad na naupo ang dalawa sa malaking sofa.

“Ay nako manang sinabi mo pa. Etong si Alex may ginawang kalokohan kasama yung mga estudyante niya.” Natatawa pang sumbong ni Sab sa matanda. Agad namang sumimangot si Alex atsaka pabatong hinagis ang bag sa kabilang sofa.

“Nako, mabuti at walang nangyare sa iyo hija, baka ma stress nanaman ang kuya mo kapag nalaman yang ginagawa mo sa mg estudyante mo.”

“Nanny! Wala akong ginagawang masama sa mga estudyante ko. Sila po ang sakit sa ulo! Huhu bakit ko ba kasi tinaggap ang ganong klaseng section?! Mga walang respeto at mga siraulo pa!” parang batang pag susumbong ni Alex sa matanda. Natawa naman ang dalawa sa inasal ng dalaga.

“Ganiyan talaga ang mga estudyante hija, bilang mga guro nila, kailangan niyong habaan ang pasensya niyo. Kayo lang ang makakaintindi sa kanila naiintindihan niyo ba?” iniabot ng matanda ang mainit na kape sa dalawa.

“Pero ang hindi ko maintindihan Alex, bakit galit na galit sa iyo ang mga estudyante mo? May ginawa ka bang hindi maganda sa kanila?” tanong naman ni Sab.

Ang Teacher ng Section 13Where stories live. Discover now