Chapter 6

10 3 0
                                    

A/N: Hi everyone! To those who read my story thankyou so much for supporting me and my works. I'm sorry if I need to hold this story a month ago, but I miss you guys na eh so here...Chapter 6 is Updated! I hope you continue reading this until end. Good Day!

---

CHAPTER 6

Raiza's POV

"Rain rain go away come again another dayyy!" Bigla akong napayakap kay Jimuel.

Dalawang pares nalang kasi yung natira sa laro, at isa na kami don.

Yung tungkol naman sa kanta kung bakit nursery rhyme kasi naman yung mga bata yun daw ang gusto nilang gawing tugtog sa laro. Kaya wala kaming nagawa.

Sobrang liit nalang nung inaapakan namin na diyaryo, isang paa nalang ni Jimuel ang kasya don kaya yumakap na ako sa kanya at saka niya ako binuhat at itinaas ang kanang paa.

Shett! Kinakabahan ako... Kanina pa kasi kami nag lalaro eh!

Magaling din yung kalaban namin, medyo may kaliitan kasi yung babae tapos payat kaya siguro madaling buhatin. Tapos yung partner niya naman malaki yung katawan kaya walang hirap niyang binubuhat yung babae.

Pero dahil sa malaki nga yung katawan ni kuya (yung kalaban namin) hindi nag kasya yung isa niyang paa, obvious naman diba kasi nga malaki siya.

Kaya ayun talo sila at siyempre panalo kami!!!! Yeyyyyy!

"Good Game! The winner is --" siya siguro yung MC dito, isa sa mga sakristan.

"Jimuel and Raiza po" sagot ko, tinatanong kasi yung name namin.

"Okay the winner is Jimuel and Raiza! Congratulation to the both of you and Thankyou for joining! and oh here's your price.." bati niya sabay abot ng isang maliit na box sa amin.

Bracelet. simple lang pero maganda. Color brown yung kulay ng bracelet at may nakalawit na cross, kulay brown din. Parehas kami binigyan nung MC.

Nagpasalamat kami bago namin yun kinuha. Pinag mamasdan ko pa din ito habang nag lalakad na kami pabalik sa sasakyan ni Jimuel, sa pinsan niya na daw kami didiretso.

Pag tingin ko sa kaliwang kamay ni Jimuel, naka suot na yung bracelet. Kaya sinuot ko na din yung akin.

Di ko mapigilan na mapangiti, bagay sa kanya yung bracelet.

---

Isang linggo...

Isang linggo na yung nakalipas simula nung fiesta and guess what?

Tapos na ako sa pagiging SLAVE ni Jimuel!! Grabe di na ako masyadong mahihirapan.. Kung mag utos kasi kala mo kung sino eh! Hahaha..

Pero sobrang saya ko naman kasi Close na din kaming dalawa.

Sa ilang araw kong pagiging SLAVE kuno ni MASTER Jimuel naging masaya naman kahit nahihirapan nga ako kasi naman One time bigla nalang akong nahimatay sa mall kasi naman ang dami kong dalang paper bag dahil nag grocery kami. Tapos siya naman isang plastic bag lang yung dala! Asan hustisya don?!

Ang daming nangyari sa loob ng isang linggo.. Lagi niya din akong hinahatid sundo sa bahay kaya nag tataka na parents ko pero sabi ko naman kaibigan ko lang kaya hindi ako pinagalitan.

Diko nga alam kung anong meron kay Jim eh.. Naging mabait sakin though medyo lang naman kasi may time na sobrang sungit niya o di kaya'y lagi akong inaasar.

At sa isang linggo na yon...

I fall hard for him even more

Yung mga kilos niya nga minsan maiisip ko na lang, bakit siya ganito sa akin? 

I Fell In Love With The Person Who Can't Love Me Back [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon