Prologue

8.1K 185 54
                                    

NANDITO ako ngayon sa harap ng condo unit ng boyfriend ko. It's our first day anniversary kaya ko siya pinuntahan dahil may date kami.
Pasado alas-sais pa naman ng gabi.
Chus! Mag-iisang taon na kami pero hindi man lang ako nahalikan ng boyfriend ko sa labi. Hmp! Laging sa pisngi at noo niya ako hinahalikan. Ewan ko ba kung bakit. Hayst!
Nakangiting naglakad na lang ako papasok sa building at dumeretso sa unit ng boyfriend ko.

Nang nasa tapat na ako ay hindi na ako nag doorbell. Alam ko naman ang code, eh kaya ini-in-code ko na lang at bulaga! Bumukas na. Nakangiting tumingin ako sa loob at––

Nanlaki ang mga mata ko dahil sa dalawang pigura na nakita ko sa sofa habang nag chupchupan––este naghahalikan.

Nabitawan ko pa ang dala kong red ribbon cake dahil sa gulat ng aking nakita. Hindi man lang nila ako napansin at patuloy sila sa pag chupchupan. P*tangina sila.

Napatakip ako sa bibig ko dahil... dahil sa pagmura ko.

Bad kaya magmura baka parusahan pa ako ni Papa Lord naku! Katapusan ko na. Baka kunin pa ni Lord ang buhay ko sa isang iglap at magiging kaluluwa na ako.

👻rowr

Tapos... Tapos mumultuhin ko ang dalawang walang hiyang naghahalikan sa harapan ko!

Parang gusto ko silang sugurin at pag-umpugin ang kanilang mga ulo. Parang tinusok ng karayom ang dibdib ko dahil sa aking nakita.
Daig ko pang nanood ng isang love story. Kulang na lang popcorn o kaya––

Napatingin ako sa sahig kung saan bumagsak ang dala kong cake.
Mabilis na kinuha ko ang cake at naglakad papunta sa sala kung saan naghahalikan ang dalawa.

Hindi pa rin nila ako napansin at patuloy sa pagchuchupan na animo'y mga aso't pusa na gusto ng kainin ang isa't-isa.

Binuksan ko ang cake at kinamay ko ito habang nakatingin sa walang hiyang boyfriend ko––wala sa oras na naipasok ko lahat ng cake sa bibig ko na nasa aking kamay dahil sa gulat ng makita ko ang kahalikan nito.

Muntik pa akong masuka dahil sa nakita ko. At doon na unti-unting bumuhos ang luha ko.

"B-bakit?" umiiyak na tanong ko pa habang nakatingin sa kanilang dalawa.

Doon sila napahinto nang marinig ang boses kong humihikbi. Gulat na napatingin ang boyfriend ko sa akin.

"A-Alessia!" gulat na bulalas pa ni Owen sa pangalan ko.

Hilam sa luha ang mga mata kong nagpabalik-balik ang mata sa kanilang dalawa.

B-bakla? Bakla ang kahalikan niya?

Parang nainsulto ang pagkatao ko dahil sa baklang nakangisi lang habang nakahawak sa dibdib ni Owen. Wala sa oras na kinamay ko uli ang cake bago ipasok lahat sa bibig ko habang patuloy sa pag-agos ang aking mga luha.

Napayuko pa ako dahil... dahil naaanghangan ang mata ko sa baklang katabi ng boyfriend ko. Kain lang ako nang kain habang panay pa rin sa pag-iyak.

"A-alessia, this is not like what you think––"

What the pakk! Ano raw ang sabi niya? Anong akala niya sa akin tanga? Nanlisisik ang mga matang tiningnan ko sila.

"Tumahimik ka! 'Di pa ako... 'di pa ako tapos kumain!" sigaw ko sa kaniya sabay bato ng cake sa pagmumukha nito.

*Plaaakkkk

"Oh my gosh!"

Gulat na napatakip ng bibig pa ang baklitang katabi nito. Dapat pati na rin ito. Sandali lang... kumuha ako ng cake at...

My Boss Is My Husband (Complete)Where stories live. Discover now