“Or stupid,” sabat ni Jona.

“Hi.” Pilit akong ngumiti. “I'm Keith.”

“You're pretty,” Nicole said. “Do you have a boyfriend?”

Mahina akong natawa sa tanong niya. “None,” I replied.

“But...” Kiara flicked her fingers. “Marco Umali is courting her.”

Sinamaan ko kaagad ng tingin si Kiara na hindi man lang niya pinansin. She called for a waiter and not minding my deadly stares.

“Marco Umali? As in the Varsity Player of UP?” Jona gasped. “That one is a big catch!”

“Crush siya ni Jona,” nakangising saad naman ni Nicole.

Napangiti ako nang hinampas ni Jona ang braso ni Nicole. “Hoy, hindi na. May bago na naman akong crush.”

“Sino?” pang-uusisa naman ni Kiara matapos maka-order. “Lagi ka na lang nagpapalit ng crush.”

“That handsome billionaire on her father's birthday.” Nicole shrugged. “As if naman papatol 'yun sa kanya. Masyadong mayaman at gwapo ang isang 'yun. Dagdag pang may dugong banyaga kaya manahimik ka na lang, Jonalyn.”

“Putangina mo talaga, Nicole.” Iritang bumaling si Jona dito. “Manahimik ka, pwede? Panira ka lagi sa mala-fairytale life ko.”

“Neknek mo,” saad ni Nicole para inisin lalo si Jona.

Napailing na lang ako sa kanila. They look so fine for a lady, ngunit kung magbangayan daig pa ang mga batang naglalaro ng chinese garter. Walang gusto magpatalo. Which I find amusing.

Dumating ang order ni Kiara at agad akong uminom. Hindi na bago sa 'kin ang pagguhit ng pait sa 'king lalamunan dahil sanay na ako sa ganito magmula nang mawala si daddy.

It's been a couple of months since he died, and a couple of months of sulking at the corner of my room. Walang ni-isang dumamay sa 'kin dahil si mommy wala namang pakialam sa 'kin. She hated Dad, actually. Hindi ko alam kung bakit ngunit galit siya kay Daddy.

Dad became my mother and father at the same time even if I still have a mom. He braids my hair, sings me song to sleep, reads poems for me, and he's the one who teaches me a lot of things, especially my favorite hobby. Horseback riding.

Kaya ngayon ay lunod na lunod ako sa pagkawala niya. Halos hindi ko na makilala ang sarili ko nitong mga nagdaang buwan. Iyak, kain, inom ng alak, at tulog lang ang inaatupag ko. I forgot about my studies. I forgot to take care of myself. Siguro kung hindi ako pinuntahan ng abogado ni dayddy para sabihin na sa akin ipinamana ni Daddy lahat at ako ang mamumuno ng mga ari-arian niya, siguro nasa kwarto pa rin ako hanggang ngayon. Kinukulong ang sarili at umiiyak.

“Ang lalim naman ng iniisip mo.” Kiara flicked her fingers in front of my face.

Napaiwas ako ng tingin sa kanya at muling lumaklak ng alak. “Naalala ko lang si Dad.”

Her face flashed sadness. Tinapik nito ang balikat ko at pilit na ngumiti. “Hindi ko alam paano ka aluhin, ngunit sana maging matapang ka.”

Hindi na ako nagsalita pa at patuloy na lang sa pag-inom ng alak. Uuwi na naman ako sa bahay, ibig sabihin at makikita ko na naman si mommy. At ang isipin pa lang na makikita ko na naman siya ay nagpapabigat sa pakiramdam ko.

Mom and I aren't in good terms. We seldomly have conversation that always end up into an argument. Lalo na nang malaman niyang nasa pangalan ko lahat ng iniwan ni Daddy. Including the mansion we're both residing is now under my name.

“Hoy, seryoso ka?” Kinalabit ako ni Nicole. “Tatlong bote na ng alak ang naubos mo mag-isa, hindi ka pa ba nahihilo?”

I looked at her and blinked several times. Dalawa na mukha ni Nicole, ibig sabihin tinamaan na ako ng alak. Napahawak naman ako sa aking sintido at ngumiti pilit sa kanya. 

“Kiara, aalis na ako,” paalam ko dito.

She looks at me, her eyes were sleepy. “Gushto mo ihatid kishta?”

Natawa ako nang bahagya rito at umiling. “I can handle myself just fine, Kiara. I'll go ahead.”

Napaalam na din ako kila Nicole at Jona bago tumayo at lumabas ng bar. Nang makalabas naman ako ay sinalubong ako ng malamig na hangin. I'm wearing backless body-con red dress that is hugging my curves. Mabuti na lang at nasa kotse ni Kiara ang bag ko kaya dinaanan ko muna ito sa parking lot bago pumara ng taxi.

I told the driver our exact address the moment I entered the car. Nahihilo na ako. Masakit ang ulo ko at gustong-gusto ko na magpahinga.

“Eight-hundred pesos po, Ma'am,” said the driver.

Nagkuha ako sa aking wallet ng isang libo at inabot ito sa kanya. “Keep the change, Manong.”

I took off my heels before going out of the car. Bitbit ang backpack sa kanang kamay habang heels namang sa kaliwa ay naglakad ako papasok ng kabahayan namin. Binati pa ako ng guwardiya namin na hindi ko pinansin. Nahihilo na ako at pakiramdam ko talaga ay pasuray-suray ang paglalakad ko.

Natigilan ako nang may mapansin akong isang McKlaren na nakapark malapit sa fountain. Did Mom buy another car?

I shrugged to myself before walking inside the house. Nang makapasok ako ay bumungad sa pandinig ko ang masayang boses ni Mommy na parang may kausap.

“Of course she'll like you. Antayin na lang nating— oh there she is!” Mom squaled.

Binitiwan ko ang heels at hinilot ang aking sintido. Naglakad ako dire-diretso patungong hagdanan at hindi na binigyang pansin ang bisita niyang nakaupo sa mahabang sofa ng sala.

“Keith, halt on your spot,” I heard her said.

Napairap ako sa hangin at sumagot na hindi lumilingon. “I want to rest, Mom.”

“I need to tell you something,” saad nito sa malumanay na tinig.

I scratched the back of my neck and gently massaged it before I walked upstairs. “Just tell me tomorrow.”

Tuloy-tuloy lang ako sa paglalakad at nang nakatatlong baitang na ako sa hagdanan, nagsalita ito.

“Kinasal ako ngayong araw, Keith.”

Natigilan ako sa sinabi nito. Nabitiwan ko ang bag at napahawak sa handrail ng hagdanan. I moved myself to face them. Nakatayo si Mommy habang ang kasama niyang lalaki ay hindi ko masyadong naaninag dahil sa dala-dalawa na paningin ko.

“A-ano?” I chuckled humorlessly. “Kinasal ka ulit? Kaya pala atat kang magpa-annulled kay Daddy?” 

“Keith—”

“What?” Naglakad ako pababa ng hagdan at tumayo sa harap niya. Isang metrong distansiya. “Can you hear yourself? Can you fucking hear yourself?! Mommy, kamamatay lang ni Daddy! Hindi mo man lang ba ipapaabot ng isang taon bago ka kumirengkeng sa iba?!”

“Keith, ayusin mo ang pananalita mo! Nasa harap tayo ng asawa ko,” mariing saad nito na ikinangisi ko.

“Wala akong pakialam,” I said and licked my lower lip.

Nilingon ko ang lalaking tumayo at nagtungo sa harap ko. His hand wrapped around my mother's waist, pulling her more closer to her. Mataman ko naman siyang tinignan.

Wala sa sarili akong napaatras nang dumapo ang malamig nitong titig sa mga mata ko. Pinasadahan ko siya ng tingin kahit nahihilo.

He's six-seven tall, I think? Napaawang nang kaunti ang labi ko nang mapagtanto ko kung gaano kagwapo ang estrangherong kaharap ko.

“I'm Lace Scott, your step-father.” He took a step forward and held my hand for a handshake. “It's nice to meet you, Keith Gil.”

Fuck, I think my panties are soaking wet by now. Damn it!

Forbidden DesireWhere stories live. Discover now