Napalingon ako kay Ara na busy kaka-type sa kanyang phone habang nakaupo sa driver's seat. Muli akong bumaling kay Marco at umiling. “No. Gigimik kami mamayang gabi.”

“Ahh, ganoon ba?” he murmured and scratched the back of his neck. “Are you busy this coming Sunday?”

Mataman ko itong tinignan at kita ko ang pamumula ng kanyang leeg at tenga. Umiwas naman ito ng tingin na ikinatawa ko nang bahagya. “Why?”

“I... uhm... ” Muli nitong kinamot ang kanyang batok. “Aayain sana kitang lumabas? Kung ayos lang sa 'yo? Kung hindi, may next time pa naman?”

I bit my lip to supress a smile. Damn, he looks cute! Tumikhim ako at dahan-dahang tumango. “Sure. No prob.”

I saw how relief flashed through his honey colored eyes. Nginitian ako nito nang malawak. “Great! I'll be fetching you this sunday in your house, is that okay with you?”

Tumango ako dito. Marco Umali is my grade school friend. Niligawan ako nito ngunit hindi ko pinayagan dahil ayoko siyang masaktan. I only think of him as a friend. Nothing more, nothing less.

“No problem, Marco. Aantayin na lang kita.” I smiled. “For now, I have to go. See you on Sunday!”

“See you.” Tumango ito at ngumiti.

Nginitian ko siya sa huling pagkakataon bago pumasok sa loob ng sasakyan. Kiara throw her phone towards the dashbord before starting the engine of the car.

“Anong pinag-usapan niyo?” she asked.

I took off my bag and placed it on my lap. Sinabit ko ang aking seatbelt bago siya sinagot, “He asked me out this Sunday.”

Tumili ito at otomatiko namang tumakip ang mga palad ko sa aking tenga. “Oh gosh! Inaya ka niyang makipag-date?”

Napailing ako dito. “Silly. Just a friendly date.”

“Kahit na!” She stomp on the accelerator and maneuvered the car out of the parking lot. “Date pa rin 'yun.”

Inirapan ko ito at tumingin sa labas ng bintana. “Malisyosa ka lang talaga, Ara.”

“Bakit ba kasi hindi mo siya magustuhan? Marco is the campus's face! Varsity player at Magazine Model. Running as suma cum-laude pa at tagapagmana ng Umali Resorts. Saan ka pa? Kay Marco Umali ka na!”

Bahagya akong natawa sa mga pinagsasabi nito. She really loves shipping me to Marco which I really can't get to understand. Wala akong feelings para sa tao tapos pinagduduldulan pa niya ako roon.

“Manahimik ka na lang at mag-drive. Hindi 'yung kung ano-anong lumalabas diyan sa bibig mo,” I said.

“Awit sa 'yo, Keith Gil.”

Nginitian ko lang ito ng peke bago sumandal sa headreast ng upuan at pumikit.

Damn, I want to rest!

--

“Hi, Bitches!” masayang bati ni Kiara sa mga babaeng kasalukuyang umuukupa ng mesa.

We're in a not-so-classy kind of bar. Simple lang ang lugar na ito at laking pasalamat ko na walang dance strippers. Tanging mga banda lang ang nagpapatugtog sa entablado upang aliwin ang mga kostumer.

“Hey, Ara!” the lady in a blue off-shoulder greeted Kiara.

“Hey, Nicole,” balik bati ni Kiara at inaya akong umupo. “Anyways, girls, this is my friend, Keith Gil.”

“Hi, Keith!” greeted by the girl in white string tops. “I'm Jonalyn West. Jona for short.”

“Nicole here!” Nginitian ako ng babaeng bumati kay Ara kanina. “Call me Niks or Nicole or beautiful.”

Forbidden DesireWhere stories live. Discover now