KABANATA 41 (The Hidden Pain)

3K 113 0
                                    

Chapter 41 (TCSPIE Season 2)

Zachary Maurine Windswell Scott's POV

Kunot noo Kong tinatahak Ang daan patungong Rooftop habang suot Ang aking pantulog. Yes, I was about to go in sleep when I remember what Hasna told me kanina sa Pageant.

"Hyss! Bakit nya Naman Kaya ako pinapapuntang Rooftop?!". Bulong ko sa sarili. Sobrang late na at sobrang dilim na papuntang Rooftop Kaya Naman binilisan ko na Ang paglalakad. Marahan Kong binuksan Ang Pinto ng Rooftop at Tuluyang Pumasok Doon subalit Hindi ko pa naihahakbang Ang aking Paa ay awtomatiko nang napahakbang Ito pabalik.

Bumungad saakin Ang naghahalikang si Press Sin at-- at si Zamora. Nasa Gitna sila ng Rooftop habang pinalilibutan ng Papusong kandila at petals Ang kanilang paligid.

Marahan ko muling isinara Ang pinto sa takot na Makita nila ako. Marahan Kong ibinaba Ang paningin sa aking Mga Paa na Noo'y maling pares pala ng tyenelas Ang suot kamamadali. Mahina akong natawa ng makaramdam ng sakit sa aking Puso.

"Stupid!". Mahinang Bulong ko bago pinunasan Ang Luha ko sa pisnge. "Bakit ba Kasi ako pumunta dito!".

Mabilis akong lumalakad pabalik ng Dorm namin subalit isang magkakadunod na patak ng Ulan Ang Sumalubong saakin. Mabuti na lang at nasa may bubong na bahagi na ako Kaya Naman Tuluyan na akong Bumalik sa Dorm. Tulog na si Hasna, Rosei at si Hope Kaya Naman marahan akong naupo sa Kama ko.

Palihim akong bumaling Kay Hasna ng muling maalala Ang Nangyare kanina.

"Kaya mo ba ako pinapunta sa Rooftop para ipamukha saking Hindi na pwede tong nararamdaman ko!?. Na may Zamora na si Xadbrix sa buhay nya?". Mahinang bigkas ko na Ang paningin ay nakay Hasna na ngayo'y mahimbing na natutulog.

Isang malawak na buntong hininga Ang Pinakawalan ko bago nahiga sa Kama at Pilit na pumikit.

Magkahalong saya at Lungkot Ang nararamdaman ko ngayon. Ang pagka panalo ko sa Pageant at Ang Nakita ko kanina sa Rooftop.

Pikit Mata Kong inalala Ang aksidenteng pagdampi ng aming Mga labi ni Press Sin kanina sa Front stage bago inis na nagtakip ng unan sa mukha.

"Maling Mali iyon, Maurine! Maling Mali!". Asik ko sa sarili.

Kinabukasan ay Maaga akong gumising. Nakakabinging katahimikan Ang bumungad sakin. Wala Doon si Hasna, Rosie at si Hope.

"Asan sila?". Tanong ko sa sarili bago tinignan Ang Oras sa aking relo. "Maaga pa Naman ah!".

Buntong hininga akong pumunta sa Cr para maligo ng muli nanamang maalala Ang nakita kagabi.

'Bakit nga ba ako nasasaktan? May relasyon sila Kaya normal Lang na maghalikan sila kahit Kelan nila gustuhin!'.

"Hyss!".

That Cold SSG President is MY EXTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon