KABANATA 61

2K 75 9
                                    

KABANATA 61

Maurine's POV

Nauna nang Pumasok sa School dorm si Hope dahil sinundo sya ni Warren. Yeah! Warren knows about our staying in Grayson's house.

"Isuot mo Yung seatbelt mo". Rinig kong Sabi ni Grayson saakin subalit Ang paningin nya ay nasa manebela.

"O-Oo". Naiilang Kong Sabi.

Rinig ko Ang marahang pag buntong hininga nya Bago inistart Yung Kotye. Papunta sa Kami sa Te Amo University.

Hanggang ngayon ay Hindi parin ako pinapansin ni Grayson. Sa tuwing kakausapin ko sya ay Hindi sya nagsasalita. Hindi ako sanay na ganyan sya sakin.

"G-grayson? May nagawa ba akong kasalanan sayo?". Nagaalangang tanong ko.

'Hindi ko na Kayang tiisin pa to! Nasasaktan ako sa Mga ikinilos ni Grayson sa harap ko. Gusto Kong malaman Ang sagot para Naman magawan ko nang paraan.

He remain silent Kaya Naman Hindi ko na napigilan Ang sarili ko.

"Grayson, Ano bang problema mo? Bakit ba ayaw mo akong kausapin!? Nahihirapan na akong intindihin Kung ano bang Nangyayare sayo!?!". Inis Kong Sabi subalit Wala parin syang naging sagot. Para akong nakikipag usap sa hangin.

"Look, If you're mad at me at least tell me you're Mad! Hindi Yung Hindi mo ako papansinin at pupunta ka sa bar at magpapaka lango sa alak--".

"We're here!". Anas nya.

Inis akong tumingin sa labas. Hindi ko man lang napansing nasa Te Amo University na pala kami.

Nakagat ko Ang labi ko sa inis at sama ng Loob. Naiiyak ako at naiinis Kay Grayson. Ayoko to! Ayoko Kung Pano nya ako tratuhin ngayon! Hindi ako sanay na ganto sya.

Pinag masdan ko kung Pano sya Lumabas ng Kotye nya. Ni Hindi nya ako pinag buksan ng pinto at derederetyong lumakad papunta sa Male's dorm.

Pagkababa ko ng Kotye iniisip ko parin si Grayson. Marahan Ang naging paglakad ko.

"Zachary?". Mula sa likod ay may tumawag saakin dahilan para lingonin ko ito. "Wait lang, sabay na tayong Pumasok sa dorm". Anas ni Zamora.

Magkasama sila ni Sec Rosei papalapit sa gawi ko.

"Hey!". Ngiting bati ni Sec Rosei na agad ko ring ginantihan ng ngite.

"How are you, Zachary? I heard about what Aubrey did to you! Napaka Bruha talaga ng babaeng yun! Ang kapal nyang Gawin Yun sa bagong Queen ng Te Amo!". Inis na Sabi ni Zamora Bago ipinulipot Ang kamay nya sa braso ko. "Nadamay pa si Sin sa kabaliwan nya! Hindi ko sya mapapatawad!".

Agad akong napatingin sa seryosong Mukha ni Zamora. Naalala ko tuloy Ang Mga Nangyare Nung Araw na yun. Pati narin Ang paguusap namin ni Xadbrix at ang halik na iyon na Hindi na nawala pa sa isipan ko.

'I'm sorry Zamora!'.

Ni Hindi ako makatingin sa kanya ng deretyo.

"Oo nga pala, How's President Sin?". Agap na tanong ni Rosei Kay Zamora.

"Nasa Hospital parin sya". Matamlay na Sabi ni Zamora. Agad ko syang nilingon ng may pagaalala.

"N-Nasa Hospital parin sya hanggang ngayon?". Malakas na tanong ko dahilan para sabay nila akong lingunin. Bigla tuloy ay Hindi ko alam Kong anong gagawin ng titigan nila ako pareho.

"Y-yeah! But don't worry Kasi Okay nanaman sya kagabi. Inalagaan ko sya mag damag eh hihi!". Kinikillig na Sabi ni Zamora. "Ayaw pa syang palabasin ni tita Raffiya.

'Andito na si Tita Raffiya??? Akala ko ay nasa US sya Kasama si Tito Sinnio'.

"Guys, una na ako sainyo". Nakangiting Sabi ni Zamora. Nasa may Pinto na Kasi sya ng Dorm nya at sa Dulo pa kami ni Sec Rosei.

"Sigee... See you later!". Anas naman ni Sec Rosei Bago Kami muling nag lakad. "Zachary, Mamaya ay pumunta ka sa Office ni Vice president Wendell. Sasabihin nya sayo Ang lahat ng dapat mong malaman bilang Queen of Te Amo".

"H-huh? Sigee!". Mahinang tugon ko.

"Sya nga pala! Tungkol sa Nangyare Nung Isang Araw.. Si Grayson--".

"Huh? Anong Tungkol Kay Grayson?". Agap Kong tanong.

Mariing napatitig sakin si Sec Rosei Bago ngumite.

"Sobrang nagalala sya para sayo. Alam mo bang binugbog nya si Jarrett para lang malaman Kung nasan ka? He almost killed him ng malaman nya Ang ginawa nito sayo".

Nakagat ko Ang labi ko.

'Grayson'.

"Ang laki Rin ng sugat nya sa kamay ng dahil dun! Tchh! That war freak".  Anas ni Sec Rosei.

"Salamat dahil sinabi mo sakin, Sec Rosei". Tanging naging tugon ko.

"Satingin ko.. Si Grayson ay may Pagtingi-----". I cut her.

"Mauna kana sa Dorm sec Rosei, may pupuntahan lang ako". Sabi ko Bago mabilis na tumakbo papunta sa Male's dorm.

'Ngayon alam ko na! Sobrang nagalala sakin si Grayson at marahil ay sinisisi nya Ang sarili nya sa Mga Nangyare sakin! Nagkasugat Rin sya sa Kamay at Hindi ko manlang napansin yun'

"Bakit ba ngayon ko lang naisip Yun!".

Rosei Pov

"Satingin ko---- Si Grayson ay may Pagtingin Sayo Zachary!". Hindi nya na narinig Ang Huli Kong sinabi.

Marahan akong ngumite ng tuluyang tumakbo si Zachary. Alam Kong pupuntahan nya si Grayson.

Muli nanamang sumagi sa isipan ko Ang tanong saakin ni Grayson noong nakapag usap kami sa Studiom.

{"Do you ever been In love to someone you know in the first place will never be yours?". Grayson.}

iyon tuloy ay muli ko nanamang naalala Ang lalaking iyon sa Bar.

I remember Nung magbakasyon ako sa Spain. That man who took my virginity! Kilala ko sya noon pa at noon parin ay may lihim na akong Pagtingin sa kanya subalit masyado syang perpekto para sakin. The only thing I know about him is his name.

'Zacharious'.

"It's just a one night stand! Nothing more nothing less!'.". I wispered.





Don't forget to vote and follow!♥️

That Cold SSG President is MY EXWhere stories live. Discover now