"She doesn't like it when I am being touched. Unless mga kamay niya ang humahawak sa akin." tumawa pa siya kaya napangiti na ako ng tuluyan.

"Wala naman ang asawa mo." I said and tried to touch him again. Ganito ba siya sa mga nagtatangkang lapitan at hawakan siya?

"Wala o nandito ayokong hinahawakan ako." mariing sabi niya at nilayo ang sarili sa akin. Hindi ko na napigilang matawa. Kahit ang Bartender ay natigil sa paghahalo ng alak dahil pinagmamasdan na kami ni Tage.

"Hindi naman niya malalaman na hinawakan kita. Hawak lang naman." pilit kong pinaseryoso ang boses ko kahit tawang-tawa na talaga ako.

"I don't know you! I only need my wife right now." he said and leaned on the counter. Agad kong sinalo ang ulo niya ng kamay ko para hindi siya mauntog sa marmol na counter ng bar. Nakapikit na ang mga mata niya pero alam kong hindi pa siya natutulog.

"It's me Ynessa, Tage. Halika na. Iuuwi na kita." mahinang bulong ko sakanya. He slowly opened his eyes at dahil nakayuko ako sakanya ay nagkatinginan kaming dalawa. Here come his set of dark eyes. Para akong nahihipnotismo sa mga titig niya at hindi magawang umiwas.

"You're so beautiful." he whispered. Para namang nakikita niya ako ng maayos. He can barely open his eyes!

"Lasing ka nga." naiiling na sabi ko at umayos na ng tayo.

"Can you still walk? Tatawagin ko sina Helius para maalalayan ka palabas ng Bar." sabi ko.

"I'm sober up, Ynessa." umirap ako at napailing. Sober up! Halos pumikit na nga ang mga mata sa sobrang kalasingan.

"I'll give you time to sober up." I said and sit on the high chair besides him.
Nagulat ako nung bigla niyang kunin ang kanang kamay ko at haplusin ang palapulsuhan ko. He traces the letters of my tattoos.

"I don't really like woman with tats. But since it's my name, I'll make an exemption." he again traces his name on my wrist. I had this tats nung nag-isang taon na kaming kasal. Alam niyang magpapatattoo ako pero hindi niya alam na pangalan niya. It says TAGE LASTEN and a ring at the end of his name. Gusto ko kasi may nakamarkang pangalan niya sa pagkatao ko. It was like a reminder that I am married to Tage Lasten, to him.
Matagal ko nang gustong magpatattoo kaya lang wala pa akong malalim na dahilan kung bakit ako magpapalagay ng ink sa katawan ko. I also have one under my boobs that says Del Prado.

"Tage!" gulat na tawag ko sakanya nang maramdaman ko ang mga kamay niya sa ilalim ng blusa ko.

"I just want to check your other tats, Ynessa." he lazily said. Hinayaan ko siya pero iba ang hatid na kilabot ng bawat haplos ng mga kamay niya sa tiyan ko.

"Are you planning to have another tattoo?" tanong niya sa akin habang hinahaplos ang tattoo ko sa ibaba ng dibdib. Pinipigilan ko ang sarili kong mapaungol kapag sumasayad ang mga daliri niya sa dibdib ko.

"Y-Yah... but I'm still thinking about it. Hindi ko pa alam kung k-kailan." mariin akong napapikit dahil sa pagkakautal.

"Where are you going to put it?" napahinga ako nang maluwag nang alisin niya na ang kamay niya sa loob ng blusa ko.

"On my shoulder." sagot ko na ikinatango niya.

"That would be your last tats if ever?"

"No! I want one on the lower part of my collarbone. Maybe that will be the last but I don't know yet. Baka matagal pa bago ako magpalagay."

"How about piercing?" kuryusong tanong niya. I don't know why we are talking about this right now but this conversation seems normal.

"A navel piercing would be great!" tumango-tango siya.

"Want to get one tomorrow?" nagulat ako sa paanyaya niya. Hindi ko inaasahan na aayain niya akong magpapiercing!

"You're drunk. Baka makalimutan mo rin bukas." sabi ko, hindi seneryoso ang mga sinabi niya.

"Trust me, Ynessa." tumango nalang ako kahit alam kong malaki ang posibilidad makakalimutan niya rin naman itong paanyaya niya bukas.

"Have you eaten your dinner?" umiling ako. Dito na ako dumiretso at hindi pa naman ako nakakaramdam ng gutom. Siguro pag-uwi nalang sa bahay. Dadaan ako sa isang 24/7 na fast food at magtatake out nalang para sa dinner ko.

"Dito na ako dumiretso e." kumunot ang noo niya at sinamaan ako ng tingin.

"It's past ten." mariing sabi niya. Bumaling siya sa isang waiter at umorder ng pwede naming kainin. May nilapag na natchos, sisig at kung ano-ano pa ang waiter.

"We'll eat rice later." he assured me. Tumango ako at nagsimula nang kumuha ng mga chips at kumain. Nakatingin lang siya sa akin habang kumakain ako.

"Stop staring and help me finish these food." sabi ko habang kumakain.

"I'm full." he answered. Naninimbang na tinitigan ko siya.

"Sa alak?" kumuha ako ng nachos chip at inabot sakanya. He looked at it before lazily eating it and sucking my fingers.

"Tage!" gulat na sabi ko.

"I just licked the mayo." he shrugged. Napailing nalang ako at pinagpatuloy ang pagkain at pagsubo sakanya.

"Anong oras tayo uuwi?" tanong ko nang umiinom na lamang ako ng juice na inorder niya.

"Laters, baby."

Bumalik siya sa couch na ino-occuppy nila kanina kasama ako. Nandun na sina Helius na agad naghiyawan nang makita ako. Tipid akong ngumiti sakanila habang masamang tingin naman ang ibinibigay sakanila ni Tage.

"Kanina kapa dumating, Ynessa?" Helius asked. Tumango ako. He playfully looked at Tage na halos patayin na siya sa tingin.

"Saan kayo galing?" tanong naman ni Joaquin.

"Sa may b-" Hindi ko na natapos ang sasabihin ko dahil inunahan na ako ni Tage.

"That's already none of your business, Delgado!" asik ni Tage. Tumawa naman si Joaquin at tinaas ang dalawang mga kamay na amino'y sumusuko.

"Mukhang nawala na ata ang alak sa sistema mo, ah?" puna ni Helius na ikinatiim ng bagang ni Tage. Judging his expression right now, konting puna at tanong pa ng mga kaibigan niya ay sasabog na siya sa galit.

Still a short tempered type of guy, Del Prado.

Love Me TomorrowWhere stories live. Discover now