CHAPTER 9 - It's Official

Start from the beginning
                                    


"Nandito silang dalawa?" 


"Yes, pinatawag sila ng head management. Kinakausap silang dalawa ngayon about doon sa issue at kung may relasyon ba talaga 'yung dalawa. Walang nagsasalita sa kanila kaya mainit ang ulo ng CEO." Lalabas na sana ako ng dressing room pero napigilan ako ni Tita B.


"Where do you think you're going?" 


"I have to do something Tita B!" 


"Huh? May alam ka ba sa nangyayari sa kanilang dalawa?" I was stunned. I shouldn't say that I know something. Kung hindi nga nagsalita 'yung dalawa about sa relasyon nila, ano namang karapatan ko 'di ba?


"No..." I trailed. "But I should do something." Tuluyan ko nang binuksan ang pinto.


"Leina! Leina madadamay ka lang!" Tawag sa 'kin ni Tita B pero hindi ko na siya nilingon pa. Tinahak ko ang daan patungong head office. Nakahinga ako ng maluwag nang makitang walang reporters na nakakalat sa harap nito.


Unti-unti akong lumapit. Malayo pa lang ay dinig ko na kaagad ang malakas na boses ni Sir Javier- ang CEO ng Starlance Entertainment. 


"Wala ba talagang magsasalita sa inyo? Ano, magtititigan na lang tayong tatlo rito?!" Halata ang galit sa boses nito kaya maging ako ay nakaramdam din ng takot at pagdadalawang-isip sa binabalak kong gawin.


"Creed, what is the real deal between you and your manager, huh?" Tanong niya ulit. Naghihintay ako ng sagot pero wala akong naririnig kahit bulong. Napaigtad ako nang makarinig ako ng tunog ng pagkabasag ng kung ano sa loob. Shit.


"Gusto mo bang mawalan ng trabaho Pressa Valdez? How about you Valerio? Do you want me to terminate your contract?!" Agad akong natauhan sa narinig ko at basta na lang itinulak 'yung glass door ng head office. 


Napatingin sa akin ang ibang importanteng personalidad na nakaupo sa long table maging ang CEO pati na rin ang dalawa. Kita ko ang galit sa mukha ni Sir Javier, ang luhaang mukha ni Pressa, at ang kawalang emosyon ni Creed. Ang hirap basahin kung ano ang nasa isip niya ngayon pero alam kong hindi siya natutuwa sa lahat ng nangyayari. 


"Leina," Pagtawag ni Sir Javier sa pangalan ko. "We're in the middle of something. What do you need?" Seryosong tanong nito. 


Tumikhim ako bago lumapit sa kanila. 


"Walang relasyon sina Creed at Manager Pressa." Matapang kong sinabi. I can feel Creed's piercing stares. 


"What?" Tanong nito muli. 


"I said what I said, Sir Javier. Whatever news is spreading about these two is insubstantial. Those are just false allegations based on merely what they saw that night." I firmly said. 


"And how do you know better?" Sumandal siya sa swivel chair niya at mataman akong tiningnan. Nilingon ko ang dalawa at nakakunot na ang noo ni Pressa pero nananatiling walang reaksiyon si Creed. To think that I'm about to save this emotionless jerk's ass. Huh!

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Jul 11, 2021 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

I FELL IN LOVE WITH MY CO-ACTORWhere stories live. Discover now