"Ulan Nicks tara at nandun daw si Jamie sa labas." Sabi niya pa. Nagulat naman ako. Akala ko ba bukas pa ang uwi ng babaeng yun?!

"Ah, Miss Athena pasensiya na pero ayaw niya daw, eh hehe." Nakita ko naman na lumungkot ang mukha ni Miss Athena sa narinig.

Agad naman akong tumayo sa upoan at sabay na kaming naglakad papunta sa labas. Napansin ko naman si Miss Athena na kinakausap nang friends niya at pilit chini-cheer up sa narinig.

Hays sana makapag-usap na sila soon. Ako yung nalulungkot para sa kanila eh.

-

"Nerdy, I miss you!"

Nabigla naman ako nang mahigpit akong niyakap ng mangkukulam na'to. Nandito kasi kami ngayon sa tagong garden kung saan ko inamin sa kanila na ano may gusto ako sa bababeng nakayakap sa akin ngayon.

At oo sinadya ko talaga dito pumunta at sinama siya para makaamin na ako sa manya tsaka isa pa kung sakaling ma reject man ako ayos lang, at least walang audience diba at hindi ako mapapahiya kung sakali.

Sila Jamie, kasi at Athena ay hindi pa rin nagkausap until now. Siguro iniiwasan na talaga siya ni Jamie.

Hays sana lang magkaayos na sila.

"Grabe ka naman makayakap madam, sobrang miss mo na ba ako niyan?" Pang-aasar ko sa kanya dahilan mapabitaw siya sa akin at sinamaan ako ng tingin. Napalunok naman ako sa klase ng tingin niya na parang nanunusok. Cactus ka girl?

"Tss, shut up, nerdy!" Napatakip naman ako sa bibig ko para pigilan ang tawa sa klase ng tingin niya. Halatang asar talo pfft.

"Why are you laughing?!?" She hissed na nagpatigil sa akin, and for the second time, I know she's serious, kaya bago paman ako maging abo dito ay nagsalita na ako.

"Gusto kitang makausap kasi may a-ano ahm s-sasabihin ako." Naramdaman ko naman na namawis ang kamay ko. Wew grabe naman to kanina wala to ah tapos ngayon biglang naginig. Napansin ko naman na kumunot ang noo niya at matamang pinagmamasdan ako.

"What is it? Ano ang sasabihin mo?" Lumunok naman ako ng ilang beses at huminga nang malalim bago naglakas loob na tinignan siya ditretso sa mata. Kaya mo yan Raine.

I cheer myself, bago nagsalita.

"A-ah, I know na masyado pang maaga para dito, and a-ahm ano kasi nung una isinawalang bahala ko lang to kasi nga sa paningin ko parang mali tsaka hindi ko lang pinansin kasi baka nga infatuation lang o phase to-p-pero kasi ano habang patagal ng patagal mas lumalala kasi siya.." Tumigil naman muna ako sa pagsasalita habang siya ay nakatingin lang sa akin ng seryoso. Napalunok naman ako dahil dun at di maiwasang kabahan.

"And?" Tanong niya pa habang ako ay parang maiihi na sa kaba. Kumamot naman ako sa aking batok bago nagsalita muli.

"I know mali to sa paningin ng iba at dapat isinawalang bahala ko lang tong nararamdaman ko p-pero kasi ano a-ahm sa tuwing pipigilan ko ay para siyang palala ng palala." So this is Raine.

One last word, and you have been rejected. I can see it in her eyes: na parang mayroon na siyang idea sa anomang sasabihin ko. I sigh to calm myself. Bahala na.

"I-I think a-ahh ano uhmm.. I like you."

Diretso kong sabi na ikinagulat niya at napanganga pa ng bahagya. Lumapit naman ako kahit na nanginginig parin at naglakas loob na hinawakan ang mukha niya gamit ang nanginginig kong palad.

"Hindi ko alam kung paano at kailan, but one day I woke up and realized that gusto na kita. Gusto kitang laging nakikita, gusto kitang laging nakakasama, gusto kitang yakapin at--" I stopped on my sentence ng pinigilan niya ang bibig ko gamit ang palad niya.

Nabitawan ko naman ang mukha niya dahil dun at bahagyang napaatras na ikinabigla niya. Tinignan ko naman siya at naghintay kung kailan siya magsasalita, pero ilang minuto na ang nakalipas ay wala parin.

So, am I really rejected? Tanong ko sa aking sarili bago siya tinignan gamit ang piki kong ngiti.

"Ahm, sorry if I react in that way, so ano wala ka bang sasabihin? A-ah."Lakas loob ko pang sabi sa kanya. Pero sino nga ba ang niloko ko diba? Sa aming dalawa naman, kasi ay ako kang tong tanga na nagka gusto sa isang straight at bitch na katulad niya.

Tumikhim naman ako bago dahan-dahang umatras habang nakaharap sa kanya. Nalilito niya naman akong tinignan na parang may sasabihin.

So, that's it? I am really busted. Ito yung hindi ko yata inaasahan.

Gamit ang malamlam kong mata na anytime ay tutulo na ang luha ko ay nagsalita na ako bago tumalikod.

"Y-you don't have to say anything po, but thank you for listening to my confession. At least alam mo na. Sige mauuna na po ako." Hindi ko na siya hinintay pa na sumagot at agad na tumakbo papalayo sa kanya. Napansin ko naman na tumulo ang luha ko at napahawak sa aking dibdib dahil nakaramdam ako ng sakit dito.

Nang makakita ako ng upoan sa may ilalim na puno ay tumigil naman ako sa pagtakbo at nagdesisyon na umopo dun. Tinanggal ko naman ang salamin ko at napahawak sa aking dibdib ng maramdaman ko na di na halos ako makahinga kakaiyak.

Tumulo naman ang aking luha na sunod-sunod at napahagulhol nalang sa palad ko habang sapo ang aking mukha.

Ang sakit palang mareject. Bakit naman ganito?! Huhuhu, pero at least diba umamin ako? Saad ko sa aking sarili, habang nakatingin sa madilim na kalangitan. Napangiti naman ako ng mapakla.

Parang may makikisabay sa akin mag drama, ahh. Huminga naman ako ng malalim bago inayos ang sarili ko at tatayo na sana nang may biglang nagsalita sa likod ko.

"You're really stupid!"

Nanigas naman ako mula sa pagkakatayo at lumingon sa taong magulo ang buhok maduming damit na parang may putik at mukha na kahit puno nang pawis ay maganda parin. Ehh? Huwag niya sabihing hinabol niya ako?! Tanong ko sa isip ko at tinignan siya na ang sama ng tingin sa akin.

Ehh!? Galit na naman? Teka ano na naman ba ang ginawa ko?

Astrid Monteverde (Bitch Series #1) ✔️Where stories live. Discover now