"Tapusin mo na 'yang ilusiyon mo dahil hinding-hindi kami maghihiwalay ng asawa ko." sabi ko at tinalikuran na siya.

Nakakailang hakbang pa lamang ako ng haklitin niya ang braso ko at iharap sakanya. Hindi ko inasahan ang sampal na iginawad niya kaya halos mawalan ako ng balanse. Narinig ko ang singhapan ng mga empleyado ng kompanya. Damn! Mabigat pala talaga ang kamay ng babaeng 'to.

I glared at her.

"Tigilan mo na kami ni Tage dahil sa oras na manghimasok ka ulit sa buhay niya ay sisiguraduhin kong hindi lang si Tage ang mawawala sa'yo." she threatened.

"Where do you think you're going?" hablot ko sa braso niya. She was about to go but I stopped her by grabbing her arm. Halos durugin ko na ang braso niya sa higpit ng hawak ko. Kita sa mukha niyang nasasaktan siya. And that's the most satisfying feeling right now. "Wala kapang nakukuha sa akin, Ardelle. Not my husband. Ikaw ang tigilan na ang panghihimasok sa buhay naming dalawa dahil hinding-hindi ako magdadalawang-isip na hilahin ka pababa." mariing sabi ko. Pabalang kong binitiwan ang braso niya. Sapo niya ang kaniyang braso nang ibalik ko ang sampal sakanya.

"Mukhang nababaitan ka sa akin kaya masyado kang namimihasa." sabi ko at marahang hinawakan ang pisngi niyang sinampal ko. Hindi pa siya nakakabawi sa ginawa kong pagsampal sakanya nang sapuin ko ang panga niya at mariing ipinirmi ang mukha niya.

"Tandaan mo ito... Hindi nanunugod ang kabet! Kaming mga legal na asawa ang dapat na gumagawa non." I said in gritted teeth. Gusto kong pumasok sa isip niya lahat ng sinabi ko.

"Makakaalis kana." mahinahon ng sabi ko. Pinakawalan ko siya at inayos ang buhok niyang nagulo ko dahil sa pagsampal sakanya.

"Mukhang mamamaga ang puhunan mo." sabi ko at pinasadahan ng tingin ang mukha niyang namumula na ngayon.

"Ingatan mo. 'Yan nalang ang maganda sayo." sabi ko at naglakad na palayo sakanya pero tumigil ako sa harapan ng elevator at nilingon siya.

She's deathly glaring at me. Nilampasan ko siya ng tingin at sinenyasan ang Guwardiyang kunin na ang babae at palabasin na.

"Ano ba! I can go out!" rinig kong reklamo niya. Muli kaming nagkatinginan nang lumingon siya ulit sa banda ko. Nasa loob na ako ng elevator at hindi ko siya nilubayan ng tingin hanggang sa magsara ang elevator.


It's already nine in the evening but I'm still in the company, signing all the documents needed for tomorrow. Nirereview ko din ang dokumento ng bagong alak na ilalabas namin sa Market sa katapusan. Hinilot ko ang sentido ko at mariing ipinikit ang mga mata ko.

Nasa malalim akong pag-iisip nang tumunog ang cellphone ko dahil sa isang tawag.

Helius' number appeared in my screen. Nakakunot ang noong sinagot ko ang tawag. Maingay na tugtog ang una kong narinig.

"Helius?" I called him. Wala akong narinig kundi ang ingay ng kinaruruonan niya.

"Helius?" I called again.

"Ynessa." hindi ko alam kung dala ba ito ng ingay ng kinaruruonan niya o nang pagkamiss ko kay Tage at naririnig ko na siya kay Helius?

"Helius?" tawag ko ulit. Isang malalim na paghinga ang narinig ko bago naputol ang tawag.

Naguguluhang tumingin ako sa cellphone ko nang bigla ulit itong tumunog ng dahil sa panibagong tawag. This time it's Joaquin. What's wrong with these people? Naglalaro ba sila ng truth or dare at ako ang pinagtitripan nila ngayon?

"Joaquin?" pagsagot ko. Walang maingay sa paligid, hindi kagaya nang kay Helius.

"Don't you recognize me?" his husky voice filled my ear.

"T-Tage?" naguguluhang tawag ko?

"What are you doing, hmm?" what's happening? He sounds tired and drunk?

"Nasa opisina pa ako." kinakabahang sagot ko. Katahimikan ang sunod kong narinig.

"Tage!" narinig ko ang boses ni Joaquin.

"Nakita mo ba ang cell-... Wait! Why are you using-" hindi ko na narinig ang sinasabi ni Joaquin dahil naputol na ang tawag.

Parang tumalon ang puso ko nang rumehistro ang numero ni Helius sa cellphone ko. Sa pagbabasakaling si Tage 'yon ay pangalan niya ang natawag ko.

"The fucker used my phone. Drunk call?" Helius laughed. "Btw, Ynessa. Lasing na ang asawa mo. Kanina pang umaga umiinom. Sunduin mo na kaya? Mukhang kulang sa atensiyon ng asawa." kaya ba hindi siya mahagilap ni Ardelle ay dahil kasama niya ang mga kaibigan at nagpapakalasing?

"Kasama niyo rin ba si Evander?" kuryusong tanong ko. Ngayon ko lang ulit nabalitaang magkakasama silang tatlo kaya baka kasama rin nila si Evander kahit na malabo dahil sa alitan nila ni Tage.

"Hey, Fucker! Your wife is looking for our dear Evander." I heard Helius said. Sunod kong narinig ang malakas na mura ni Tage at ang malakas na tawa ni Helius.

"Kung hindi ka naman kasi kalahating gago e!" I heard Joaquin said.

"Sunduin mo na 'to dito, Ynessa. Mukhang balak atang sunugin ang baga sa alak at sigarilyo." Helius said.

"Alright. Thank you." sinabi niya kung saang Bar sila ngayon bago binaba ang tawag. Natulala pa ako bago napagpasyahang ayusin ang mga gamit ko.

Kahit hindi ko pa natatapos ang binabasang dokumento ay iniwan ko nalang sa mesa ko. He's way more important than these documents. I need to see him.

Sumakay ako ng kotse at agad itong pinatakbo papuntang BGC. Laking pasasalamat ko na walang traffic dahil baka hindi ko na sila maabutan 'pag nagkataon.

Masakit pa ang ulo ko kaya mabagal ang ginawa kong paglakad pagkapasok ko sa loob ng Bar. Ang gulo na ng mga tao sa loob at halos wala na akong madaanan. Nagsumiksik ako sa mga nagsasayaw para makarating sa may mga couch dahil nandun daw sina Tage.

"Excuse me." siksik ko. Nakahinga ako ng maluwang nang makaalis na ako sa mga nagsasayawang mga tao. I scanned the couch area to look for them. Tumingala din ako dahil baka umalis na sila sa couch at tumaas.

"Let go! I'm married!" supladong sabi ni Tage sa babaeng nagtangkang umupo sa tabi niya. Naghiyawan sina Helius at tinapik pa ang magkabilang balikat ni Tage.

"You're making us proud!" tukso  ni Joaquin sakanya.

"Darating ang asawa mo para sunduin ka kaya umayos kang gago ka!" may pagbabanta sa tono ni Helius.

"Ynessa?" kunot-noong tanong ni Tage.

"May iba kapa bang asawa bukod kay Ynessa?" pagbara naman sakanya ni Helius.

"You called her?" mariing tanong ni Tage.

"At least I am using my own phone. Unlike someone who'll use someone's just to hear his beloved wife." tukso ni Helius dito.

"He used yours too?" gulat na tanong ni Joaquin. Nagkatinginan ang dalawa bago umiling-iling.

"Gago!" sabay nilang sabi kay Tage bago umiling-iling.

Love Me TomorrowWhere stories live. Discover now