Chapter XXVIII: The End Is Just The Beginning

6 1 0
                                    




**************************


Aika Villavicencio



It's one o'clock in the morning pero hindi pa rin ako dinadalaw ng antok, I have no idea kung ano na ang nang yayari kay Paco sa mga oras na ito dahil hindi na kami muling nag-usap pati parang tumahimik na ata siya. He and Prynce talked about me earlier, that's for sure.





Iyon din ang sinabi ni Prynce sa'kin kanina, after they had that conversation? Pintuntahan niya ako dahil iyon daw ang gusto ni Paco. Kani-kanina lang ako iniwan ni Prynce, inaantok na raw kase siya. He wasn't planning to come home but since I called him, he had no choice but to go back in here.





Masama na raw ang kutob niya at tama nga raw siya dahil totoo na mayroong nang yari habang wala siya sa mansyon. Though, he wasn't expecting na biglang malalaman ni Paco ang sekreto na pilit kong itinatago mula pa noon. I'm still terrified, I wished that Paco wouldn't hate me. Hinihiling ko na sana ay huwag niya akong pandirian o itaboy dahil hindi ko kayang makita siya na ganon.





Bakit ba kase ako isinumpa? Ano bang kasalanan ko?? Kung may ginawa si Mom at Dad noon, bakit kailangan kong madamay sa parusa na ipinataw sa kanila?





Once upon a time, I was just an unborn child inside my mother's womb and I have no idea what's happening outside the real world but all my life, I've been enduring the punishment for their mistakes. I was the one who's suffering and not them, I was the one who had to hide away from the people and live my life like I was kept inside a tower like Rapunzel.





This lifetime is too unfair to me. But then again, if I expect the world to be fair with me because I am a fair person then I'm obviously fooling myself. That's like expecting the lion not to eat me because I didn't eat him.





Oftentimes bad things happen for no reason at all and though we wish there was an explanation, there just isn't one.





Everytime I think "I'm strong", a random shit will suddenly happen then it will ruin something in my life again so I have to go back to zero where I think that I will never be strong enough for myself and for the people I love.





Kung anuman ang ginawa ng mga magulang ko noon, bakit parang pati ako ay mayroong kasalanan?




Isinumpa ako ng isang makapangyarihang mangkukulam dahil sa mga magulang ko, sinabi na ni Lola Andreanna sa'kin ang lahat-lahat noong tumungtong ako ng sixteen years old pero kahit alam kong walang sasagot sa tanong ko ay paulit-ulit ko pa rin na tinatanong kung bakit pati ako ay kailangang mag-dusa at maparusahan kahit inosente ako.





For seventeen years, I've never experienced kung ano ang pakiramdam na matulog sa ibang bahay o makasama sa tinatawag na "sleepover" dahil kapag nag-tungo ako sa ibang bahay tapos biglang nag-alas dose ng madaling araw ay magiging palaka na ako.





Hindi rin ako pwedeng sumama sa mga overnight trip o kahit na ano'ng school activities na gaganapin sa labas ng mismong school tapos kailangang manatili doon ng isang buong araw, iyon ang isa sa dahilan kung bakit mula pa noong bata ako ay naka-homeschool na ako.




Ano'ng connect? Siyempre, iisipin ng mga ibang bata o ng mga kaklase ko na ang weird ko naman dahil ako lang ang hindi pwedeng sumama kahit maayos naman ang kalusugan. Hindi maiiwasan na mag-tatanong sila, pwede naman akong mag-palusot pero hindi ko naman pwedeng gawin ang bagay na iyon habang buhay.





Babysitting The Frog PrincessWhere stories live. Discover now