Chapter XXII: Hidden

5 1 0
                                    



* 6 months later


**************************


Aika Villavicencio


Ever since he proved himself worthy of my trust, Paco and I got along so well. Hindi ko na siya sinusungitan o inaaway habang siya naman ay hindi na rin sobrang tahimik kaya nakakapag usap na kami ng maayos, mag-kasundo na kaming dalawa lalo na sa mga ibang bagay at higit sa lahat ay masaya kaming mag-kasama sa loob ng mansyon.





It's been six months since Lola Andreanna left but up until now, she hasn't returned from her business trip in Italy. Mukha nga talagang marami siyang trabaho doon kaya hanggang ngayon ay hindi pa rin siya bumabalik, nalulungkot ako dahil nami-miss ko na siya pero wala rin naman akong magagawa kung hindi ang mag-hintay sa kaniya.





Luckily, Paco is always around to keep me company. He never leaves me alone unless kailangan niya talaga, Paco and his friends were like my personal clowns but all of them are undeniably handsome mula ulo hanggang paa. Sa tuwing kasama ko si Paco pati na ang mga kaibigan niya ay nagiging sentro ako ng atensyon and of course, hindi mawawala ang mga bullies.





Palagi silang nandiyan sa tabi-tabi habang nag-hihintay lang ng tamang pag-kakataon na maka-ganti sa'kin pero hindi naman sila nag-tatagumpay dahil agad silang nahuhuli ni Paco pero sinisigurado ko naman na hindi si Paco ang hahatol sa kanila dahil babysitter ko siya at hindi Judge ng bayan.





Pero dahil nga palagi kong kasama si Paco pati na rin ang mga kaibigan niya, agad na nalaman ng mga kaibigan ko ang tungkol sa sitwasyon namin at nangako naman silang lahat na wala silang ibang pag-sasabihan na kahit na sino. They can't share that secret to anyone, maraming dahilan kung bakit bawal pero isa lang ang sasabihin ko.





If they found out that Paco is my babysitter, someone might bully him too. Oo, marunong siyang lumaban at kayang-kaya niyang protektahan ang sarili niya laban sa mga bullies pero ayoko pa rin na mayroong masamang mang yari sa kaniya. He's mine, I mean he's my babysitter after all!




And speaking of Paco's friends, kasama rin si Prynce doon. So in other words, he finally got what he really wanted. He came back four months ago, pinayagan na talaga siyang manatili dito sa mansyon namin at sa University of Las Espadas na rin siya mag-aaral katulad ni Paco.





Paco and Prynce are both lunatics who has a lot of rules and regulations that are all unnecessary like I should be at the main gate of the school after my classes, they told me that I can't go home alone even though I can actually do that.





Sobrang lapit lang ng school mula sa mansyon dahil mayroon namang short cut pero ayaw nila akong umuwi mag-isa, hindi ko inaasahan na ikukwento ni Paco kay Prynce ang tungkol sa nang yari sa'kin noon kung saan hinabol ako ng mga hampas lupang panget na hindi naman pala talaga mga Senior High School. If what I heard was correct, someone hired them intentionally para lang maka-ganti sa'kin.





That was the first day of school, wala akong maalala na mayroon akong atraso sa kahit kanino. Sino naman kayang mag-tatanggka sa buhay ko? I mean, why? Hindi ko kase maintindihan kung ano ang dahilan nila. There must be a reason behind what they plotted, I just can't think kung ano ang mga possible na dahilan.





Ngayon, nandito ako sa classroom dahil may klase kami. It's Tuesday and the time is eight o'clock in the morning, may isang subject na lang ang natitira tapos break time na namin. Gutom na ako at gusto ko na talagang kumain pero tinitiis ko dahil hindi naman ako pwedeng lumabas ngayon para kumain.





Babysitting The Frog PrincessWhere stories live. Discover now