CHAPTER 32:THE BATTLE

Start from the beginning
                                    

"Daisy nanalo tayo!"sigaw sa amin ni Gerald at agad ng bumaba sa lupa dahil na wala na ang tubig na may kuryente sa lupa.

Dahil sinipsip na ng lupa ang tubig na may kuryente. At agad din sumunod na bumaba si Ace. Tumakbo silang papunta sa amin ni Philip.

Kaya agad akong napangiti dahil sa wakas na iligtas ko na si Gerald. Kaya agad na rin akong bumaba pero pagkababa ko.

May nakita palaso na may asul na apoy parang bumagal ang lahat habang dahan dahan kung nakita ang pagdaan ng palaso sa harapan ko.

Sinubukan kong pigilan pero naging mabagal din ang naging kilos ko parang nagslow mo ang lahat ng nasa paligid ko.

Kaya agad akong tumakbo para habulin ang palaso na nakatutok kay Ace.

"Ace umalis ka dyan!" sigaw ko sa kanya habang sinusubukan na agad na makalapit sa pwesto nya.

Pero nahuli na ako dahil tumama na sa dibdib ni Ace ang palaso. Agad kong sinalo ang katawan nya na pabagsak na sa lupa.

"Ace wag kang pipikit" sabi ko sa kanya habang patuloy na tinatapik ang mukha nya para hindi sya pumikit.

"At-ate Daisy ma-saya a-ako na mag kasama t-tayo sa huling pagkakataon k-ko. Wag k-ka ng u-umiyak m-mas malulungkot ako p-pagnakikita kitang g-ganyan"

Pinipilit nyang ideretso ang pagsasalita nya pero patuloy pa rin ang paglabas ng dugo sa bibig nya.

"Cough ma k-kakasama ko n-na rin si I-inay" pinipigilan kong umiyak dahil malulungkot sya kaya tumingin ako sa itaas para pigilan ang pag agos ng luha ko.

Nakalapit na rin sa amin sila Philip at Gerald. Malungkot silang nakatingin kay Ace at halatang nagpipigil din umiyak si Philip.

Tinignan ko kung saan galing ang palaso at nakita kong na nandoon pa rin ang kalaban namin. Hindi ko napigilan ang sarili ko at dahan dahan kong binaba ang ulo ni Ace.

"Philip bantayan mo si Ace" sabi ko kay Philip at agad syang tumango sa akin.

Tumakbo ako ng mabilis palapit sa kalaban namin na pumatay kay Ace. Iniisip ko pa lang iyon pakiramdam ko nasasabog na ako sa galit.

Kumulog ng malakas ang kalangitan kasabay ng pagbunot ko ng espada. Palapit ako ng palapit sa kanya at agad nyang sa akin tinutok ang palaso.

Pag pakawala nya ng palaso papunta sa akin ay nakaramdam ako ng matinding lakas. Palapit ng palapit sa akin ng palaso ay agad ko itong hinati sa gitna.

At nagpatuloy sa paglapit sa kanya ng malapit na ako ng dalawang metro sa kanya ay sinubukan nyang padamihin ang sarili nya. Pero nanatili lang ang mata ko sa kanya kahit napapalibutan na ako ng clone nya.

"Para ito kay Ace!" sigaw ko at pagkatapos pinatama ko ang espada ko sa ulo nya.

Ibinuhos ko sa atakeng iyon ang lahat ng galit ko. Napatras ako ng tumama ang espada ko sa ulo nya ay bigla itong sumabog.

Tumilapon ako kasabay ng pagsabog ng katawan ng kalaban namin. Naradaman ko ang malakas na pagtama ng likod ko sa puno.

Nakangiti ako habang umiiyak dahil natalo ko na sa wakas ang kalaban namin. Umiiyak ako dahil may malaking posibilidad na mamatay si Ace bago pa kami makarating sa academia.

Balot na balot ng usok ang buong paligid at may nakita akong umilaw sa di kalayuan. Kaya agad akong napaika ikang naglakad palapit sa bagay na iyon.

Nang makalapit na iyon ay agad kong pinulot ang bagay na iyon. At nakita ko ang bracelet na dati hindi ko matangal tangal.

Nagtaka naman ako dahil umiilaw ang isang beads nito. Napaisip ako ng mga oras na malapit na akong mamatay ay umilaw rin ito.

Di kaya ay may pag asang na magamot nito si Ace. Kaya kahit na may kaunting posibilidad na tama ako ay nagmadali pa rin akong pumunta kay Ace.

Kahit paika ika at nadadapa ako habang nagmamadali ay hindi ko iyon ininda. Nagmadali pa rin ako paglalakad hanggang palapit kay Ace.

"Daisy!" tawag sa akin ni Philip at nagmadali syang papunta sa akin.

"Daisy kailangan ka na malunasan agad dadalhin ka na namin papuntang academia" pagkatapos sabihin iyon ni Philip ay binuhat nya agad ako.

"Wag Philip! Mamaya mo na ako dalhin sa academia. Ilapit mo ako kay Ace" pabulong na sabi ko sa kanya dahil nanghihina na ang katawan ko sa dami ng mga pinsalang natanggap ko mula sa pagsabog.

Nakita ko na hindi nya alam ang gagawin dahil sa mga pinsala na mayroon ako. Pero nakita ko sa mata nya naawa sya sa akin kaya pumayag sya sa gusto ko.

Habang naglalakad kami hinawakan ko ng mahigpit ang bracelet dahil ito na lang tyansa ko nailigtas si Ace.

Nang makalapit kami ay agad nya na akong tinabi kay Ace. Agad kong kinuha ang isang beads na umiilaw nagtaka naman sila sa ginawa ko.

Inipon ko ang natitira kong lakas para durugin ang beads. At agad na nilapit ang nanginginig na kamay ko sa bibig nya.

Dahan dahan kong binuhos sa bibig nya ang dinurog na beads sa bibig nya. Pagkatapos ko iyon gawin ay pakiramdam kong nawawalan na ako ng lakas.

"Sana maging maayos na si Ace"bulong ko habang paunti into akong nawalan ng malay.

•••

A/N
Hope you enjoy reading.Please vote and support my story.ヽ(*≧ω≦)ノ

Reincarnated As One Of The Triplets VillainWhere stories live. Discover now