CHAPTER 10 Kung gusto mo, kunin mo

79 86 4
                                    

Autumn POV

"Ano kamo?!" Hinde ako makapaniwala sa sinasabi ni lina.

Ghad!

"Yes, mag kaibigan sina xander at avie mo, may isang grupo sila actually sikat na sikat nga 'yon e, pangalawa si xander sa grupo."

Oo alam kong may grupo si avie ko pero hinde ko alam na kasama si xander dito! pano nalang kapag nalaman niyang mahal kosi avie?! ghad! gagamitin niya 'yon para kontrolin na naman ako.

"Ang gwa-gwapo kaya lahat ng nasa KING HEIRESS! Grabe daig pa ang mga artista!" Tili ni lina.

Napangiwi nalang ako.

Pano na 'yan?

Maging mabait naba talaga ako kay pnc? ayaw kasi ni avie na masama ang ugali e, alam ko namang 'di ako pasok sa ideal niya pero ako parin ang mahal niya diba? diba!?

Or... assuming lang ako? pero NO!

Ramdam kong may gusto siya sakin, yung mga ginagawa niya sakin diba sign yon nang love? Yung pag damay niya sakin, Yung pag aalala niya sakin, Yung pagpapangiti niya sakin, Yung nandyan siya para sakin.

"Oh, bakit mukha kang lugi d'yan?"

Umiling ako.

"Sige, kita nalang tayo sa school." Sabi ko at umalis sa harap niya.

Hinde ko alam kung saan ako pupunta ngayun, basta pumasok ako sa kotse at nagdrive kung saan.

Anong gagawin ko? Sabi kasi ni avie na ipapakilala niya ako sa mga kaibigan niya balang araw, kapag dumating ang oras na 'yon, pano na? Siguro naman tapos na ang mission sakin ni pnc, kaylangan kolang talagang magpakabait sakaniya para matapos na'to.

Lumabas ako sa sasakyan, nandito kasi ako sa park, medyo maraming tao pero ayos lang.

Huminto ako sa sa isang duyan at umupo roon.

Ang lakas ng hangin dito, ang sarap matulog, humiga ako sa duyan kahit tama ang araw sa direksyon ko, pinikit ko ang aking mata.

Pumasok sa isip ko kung pano ako patulugin ng nanay ko, dati non may duyan rin kami sa garden at lagi akong nandon kasi malamig ang simoy ng hangin. Lagi niya akong kinakantahan habang kandong sa kaniyang mga hita, tinatapik rin niya ang hita ko para agad akong makatulog. Wala pang isang minuto tulog na agad ako, ayon ang hinde ko malilimutang eksena sa buhay ko.

Kasi doon masaya pa kami, buo pa kami, nag mamahalan pa kami.

Ibang iba na ngayon, hinde na mabubuo pang muli.

Alam kong may pumatak na luha mula saking mata, agad ko itong pinunasan. Hinde dapat ako umiyak, galit na galit ako sakaniya, hinde siya worth it sa luha ko.

Hinde kona maramdaman ang sinag araw sa mukha ko, tila ba tinatakpan ito.

Minulat ko ang aking mata, agad tumama ang tingin ko sa isang kamay na nakaharang sa sikat ng araw, hinde ko makita ang mukha niya kasi tinatakpan ng malaking kamay niya pero alam ko ang presensya niya, kaya kilalang kilala ko ito.

"Iitim kaniyan, sighe ka." Wika niya.

Napako ang tingin ko sakaniyang mukha na ngayun ay maliwanag ko nang nakikita.

Ang ganda pala ng itsura niya kapag tinatamaan ng liwanag, para siyang diamond na kumikinang, bakit ganito ang itsura niya?

Ngumiti siya kaya maslalo kong pinuri ang itsura niya, parang nalulusaw ang puso ko! ghad!

His Angel Bitch (KHS#2) [COMPLETED] Dove le storie prendono vita. Scoprilo ora