CHAPTER 2 Stalker

174 142 40
                                    


Autumn POV

"Bakit hinde ka pumapasok sa school?" Walang emosyon niyang tanong, ginalaw ko ang panga ko at kinuha ang dalawang maleta ko.

"Papasok na'ko bukas pa, isa pa aalis mona ako dito para hinde kayo madamay sa gulo ko." Walang gana kong sabi habang ngumunguya ng bubblegum, nag igting ang panga niya.

"Mas mabuti, tagalan mo huh?" Hinde ako nakasagot, hanggang sa umalis siya ay sa lapag lang ako nakatingin. Natawa nalang ako sa isip ko.

See? ganyan ang tunay na ugali niya, noon paman wala na siyang pakialam sakin, galit na siya sakin at hinde ko alam ang dahilan, kahit isang beses ay hinde ko siya tinanong kung bakit ganon ang pakikitungo niya sakin, hinayaan ko nalang.

Bumuntong hininga ako at inilagay ang maleta sa sasakyan ko, saka ako sumakay at pinaandar ang kotse ko.

Papunta ako ngayun sa bahay ni zeb, sa ayaw at sa gusto niya doon muna 'ko titira pansamantala hanggat hinde ako sigurado kung babalikan ba ako ni Mr. fuentes.
Sigurado naman akong si zeb lang mag isa sa bahay nila dahil nasa ibang bansa ang parents niya, kaya lang minsan ayaw niya akong pumupunta sa bahay nila, baka daw mag hagis ng bomba ang mga kaaway ko kapag na laman nilang doon ako pumupunta.

Agad kong ipinarada ang sasakyan ko at lumabas dito, agad akong nag doorbell at ano pabang aasahan ko? matagal akong nag hintay bago niya ako pinagbuksan.

Naka sando at short lang siya, kahit wala namang pasok ngayun ay naka make up pasi gag*.
Tila nagulat pa siya ng makita ako.

"Anong nangyari sayo? puro pasa ata ang mukha mo?! na'ko nakipag ayaw kana naman?! jusko puro sapak ang almusal mo huh?" Nakataas ang isang kilay niya habang sinusuri ako ng tingin.

"Basta, baka ikaw pa ang masabunutan ko d'yan."

Nag pout siya.

"Bakit ka pala nandito b1tchpren? at waittt... may dala kang gamit? whyyyy??" Nakapamewang niyang tanong, tamad akong sumagot.

"Dito muna ako titira, pansamantala."

Nanlaki ang dalawa niyang mata, natigilan siya saglit.

(0__0) <--- ZEB

Hinde na ata gumalaw ang gaga, pinitik ko ang kamay ko sa tapat ng mata niya pero naka tanga parin siya.

"Zeb! pagod ako, papasukin mona 'ko mamaya kana mag emote d'yan." Masungit na sabi ko, agad namang nanliit ang mata niya at ngumisi.

"At bakit? pinalayas kaba ng father dear mo? lintek iyang tatay mo! napaka sama ng ugali! alam mo kung ako ang anak niya abey hinde pwude sakin ang ganyan! bugbog 'yan sakin!" Ginalaw ko ang panga ko para ngumuya ng bubblegum.

Siya naman ay padabog na kinuha ang dala kong maleta, ngumisi nalang ako.

Narinig ko ang pagbagsak ng maleta ko dahil sa pagdadabog ni zeb.

"Alam mo minsan nakakapagod maging kaibigan mo! grabe ako pa talaga ang nag dala ng gamit mo!" Singhal niya.

"Bakit sinabi kobang dalhin mo?" Tanong ko.

Sumimangot siya at muling ibinalik ang tingin niya sa maleta ko. Ako naman ay ngumunguya lang at dahil napagod ako ay umupo muna ako sa sala nila.
Malaki din itong bahay ni zeb, hanggang second floor ito at malawak ang paligid, marami ring mga appliances.

Narinig ko ang pag lapag ng baso sa maliit na lamesa dito sa sala, may dala siyang juice. Agad ko itong ininom.

"Bakit ba kasi hinde kana lang mag hotel?" Nakasimangot niyang tanong, sumimangot din ako sa itsura ni zeb. tsk tutulong nalang nga ay kaylangan pang may halong simangot.

His Angel Bitch (KHS#2) [COMPLETED] Tempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang