Saad ng isang bahagi ng isip ko. Boyfriend?May boyfriend siya? Sa naisip ko ay parang may pumiga naman sa puso ko at di maiwasang masaktan sa naisip.

"Ate bakit nagmamadali si Ate Ganda umuwi?"Hindi ko man lang namalayan na nandito na pala sa harapan ko si Lennie at kunot noong nakatitig sa akin.

"H-huh? Ewan ko di ko alam." Sabi ko sa kanya at iniligpit ang libro at notebook kong gagamitin sana namin para sa pag tutor ko sa kanya.

Hindi pa nga kami nagsisimula tapos bigla naman siyang umalis ng walang paalam tss. Bahala siya sa buhay niya hmpf! Di ko na nga yun tuturuan. Saad ko sa aking isipan at umakyat sa taas ng padabog.

Hindi paman ako nakakahakbang ng tawagin ako ng kapatid ko.

"Ate!" Malakas niyang tawag ngunit hindi ko na siya nilingon. "Ate huy!" Nagsalubong naman ang kilay ko sa tawag niya. Aba't huy? Ano ako aso?Pero kung asong cute pwede pa aww! aww! Pero bakit ba'to tawag ng tawag?

"Ate naman bahala ka nga ikaw rin." Irita ko naman siyang nilingon at salubong ang kilay na hinarap siya.

"Ano ba bakit ka ba tawag ng tawag huh?!" Malakas kong sigaw na ikinagulat niya. Napakamot naman siya sa kanyang ulo at nag pout na tumingin sa akin.

"Kung wala kang sasabihin pumasok ka na sa loob ng kwarto mo Lennie at mag punas ka! Amoy pawis ka pa pati rito tsk." Sermon ko pa at bubuksan na sana ang pinto ng tinawag na naman niya ako sa ikaapat na pagkakataon.

"Eh kasi Ate si ano- ahm Ate Gand-!" Hindi ko naman siya pinatapos sa pagsasalita at agad na sumabat.

"Tapusin mo ang sinabi mo at malilintikan ka sa akin!"Sigaw ko at binalibag ang pinto ng kwarto ko bago pabagsak na inilagay ang libro sa gilid ng mesa.

Tsk nakakairita. Matapos ng ginawa niya kanina tss. Ayaw ko marinig ang pangalan na yun hanggat maaari hmpf nakakainis! Ilang sandali pa ay napalingon naman ako sa kwarto ng marinig ko na may kumatok. Panigurado yung paslit na naman ito tsk.

Sabi ko magbihis eh!

Padabog naman akong tumayo at binuksan ang pinto sabay sigaw! "Ano ba Lennie sabi ng magbih--!" Hindi ko naman naituloy ang sinabi ko ng makita ko ang taong nakatayo ngayon sa harap ng pinto at taas kilay akong tinignan.

Nang maka recover ako mula sa pagkakagulat ay tinanong ko naman siya.

"Anong ginagawa mo dito?!Bakit ka pa bumalik?Umuwi ka na tsk." Saad ko pa at malakas na isinarado ang pinto. Alam kong bastos pero wala akong pakialam.

Bakit pa siya bumalik? Ba't di siya pumunta sa boyfriend nya?!Hmpf!!! Kaasar talaga tsk.

Agad naman akong pumasok sa banyo at kumuha ng damit tsaka naligo. Mga ilang minuto bago ako natapos ay lumabas naman ako agad sa banyo ng nakabihis na.

"Ateee Ateee!"

Nahinto naman ako sa ginagawang pag suklay ng sunod-sunod na kumatok sa pinto ang kapatid ko. Tumayo naman ako at di nag dalawang isip na binuksan ang pinto.

"Ano?!" Masungit ko pang sabi.

Ewan ko ba kung bakit mainit ang ulo ko ngayon tss.

Feeling ko kasi malapit na ang buwang dalaw ko kaya siguro ganito. Bago pa man ako makapag react ay may pumasok na mangkukulam sa kwarto ko at tinulak ako ng malakas sa kama na ikinabigla ko habang ang salarin naman ay nag thumbs up sa kapatid ko bago sinarado ang pinto.

Napansin ko naman ito na dahan-dahang lumapit sa akin dito sa kama habang masama ang tingin na ikinalunok ko.

"A-ano ang g-gagawin mo?!" Sunod-sunod naman akong lumunok sa klase ng tingin niya na ano ewan ko ba kung anong klaseng tingin to.

Parang nang-aakit kasi yun yata yun huhu.

"A-ano sabi gagawin mo madam?Bakit ganyan ka ma-akating ayy!"

Hindi naman ako natapos sa pagsasalita ng nagulat ako nang daganan niya ako at niyakap ako ng mahigpit na ikinalakas ng tibok nang puso ko at suminghap ng marinig ko ang boses niyang basag.

"I'm sorry about what i did earlier nerdy.." Narinig ko naman ang sunod-sunod niyang pag singhot kaya huminga muna ako ng malalim bago siya kinalas sa yakap namin.

Napasinghap naman ako ng makita ko ang mata niyang pulang-pula kaya hindi na ako nagdalawang isip pa at pinahid ang luha niya sa pisngi.

"Shh bakit ka po umiiyak?Sinong umaway sa'yo?" Seryoso kong sabi sa kanya. Nagtaka naman ako na umirap siya bago sumagot na may kasamang singhot.

"Hmp wala..." Irap niyang sabi na ikinasimangot ko. Edi wow! May paiyak-iyak ka pa wala naman pala hmp!

Pero teka bakit parang may iba akong naramdaman sa may dibdib ko?Tumingin naman ako banda dun at nanlaki ang mata ng makita ang posisyon naming dalawa.

Gusto niyong malaman kung ano?! At ito nga po nakadagan lang naman siya sa akin habang ako nakahiga kaya ang resulta ang awkward ng posisyon naming dalawa huhu.

"A-ahm madam ano."Utal kong tawag sa pansin niya na di alintana ang posisyon naming dalawa."Hmm?" Napakamot naman ako sa ulo ko bago nagsalita.

"M-madam ano kasi naipit huhu.." Tumunghay naman siya at nagtataka akong tinignan kaya napatingin naman ako sa posisyon namin especially sa bakat kung ano kaya sinundan niya naman ito ng tingin na ikinalunok ko sa di malamang dahilan.

"Oh It's hard and infairness..." Nanlaki naman ang mata ko sa paglapit ng mukha niya na ikinakaba ko at di maiwasang lumunok na naman.

"Malaki..." At siguro kong may kinain lang ako ngayon ay nabilaukan na ako sa pagsabi niya nun sa akin malapit sa tenga at bahagya niya pang kinagat na ikinatayo ng balahibo ko sa katawan.

"I'll just wait you downstairs nerdy!" Bago paman ako makasagot ay narinig ko nalang na sumara na ang pinto habang ako naman ay nakahiga parin at parang pinagpawisan sa ginawa ng mangkukulam na yun.

Napasabunot naman ako sa buhok ko at agad na bumangon sa kama matapos maka recover sa pangyayari. Tumingin naman ako sa dibdib ko at nakita itong tch!

Ehh bakit ba kasi hindi ako nagsuot ng braaaaaa?!!!!! Nakakainis grrrrrrrr!!! Nanggagalaiti kong sigaw sa sarili bago kinuha ang bra ko at agad itong isinuot tsk.

Mahirap na at baka titignan nanaman ito ng hmpf nevermind...

Lumabas naman ako agad ng kwarto bago maayos ang sarili ko pero bago yun huminga muna ako ng malalim.

Tsk sana umuwi na siya!

Astrid Monteverde (Bitch Series #1) ✔️Unde poveștirile trăiesc. Descoperă acum