"Si Nikolai—"

"We're already on it, Jersey."

"Hindi naman—" sabi ko habang napa-hinto. Wala naman na kaming ginagawa. Simula nung gawin nila iyong sa BAR exam, lumayo na kami ni Nikolai. Kahit na para kaming kinakain ng konsensya namin, nanahimik kami... siya. Kitang-kita ko iyong pagka-guilty niya, pero mas pinili niyang 'wag ng sumali para matahimik kaming dalawa.

Bakit ba ayaw nila kaming tigilan?

"We don't know anything yet, Jersey. I'll inform you once we get any news." Hindi ako nagsalita. "Just stay safe, Jersey. Nikolai will kill me if anything happens to you."

Paikut-ikot lang ako sa condo.

Hindi ako mapakali.

Hindi na siya ma-contact.

Hindi ako madasalin na tao... pero ilang beses akong nakiusap na 'wag si Nikolai... Lagi niyang sinasabi sa akin na hindi niya kaya kapag nawala ako... Pero mas hindi ko kaya kapag wala siya.

Agad akong tumakbo papunta sa pinto nang marinig kong may sumusubok bumukas nun. Laging sinasabi ni Nikolai na 'wag akong basta-bastang magbubukas ng pinto hanggang hindi ko tini-tignan kung sino iyong nasa kabilang banda, pero wala na akong pakielam. Kailangan ko lang makita kung—

Gusto ko siyang sampalin.

Buhay pa siya pero hindi niya man lang nagawang magtext sa akin?! Kahit isang salita lang?!

Gusto ko siyang sigawan. Gusto ko siyang sampalin. Gusto ko siyang saktan, pero hindi ako maka-galaw nang bigla na lang tumulo iyong luha sa mga mata niya.

"I'm tired," mahinang sabi niya habang dire-diretso iyong pagbuhos ng luha sa mga mata niya. Hindi pa rin ako maka-galaw. Hindi ko alam ang gagawin.

Para siyang... ubos na.

Parang narating niya na iyong dulo.

"Let's just leave... I don't think I can take any more..."

Gusto kong lumapit para hawakan siya, para yakapin siya, pero hindi ako maka-galaw dahil sa itsura niya... parang wala ng lakas na natira sa kanya...

"Jersey, I give up. I can't keep on trying to do the right thing just to watch them kill people... just like that. I don't have any fight left in me anymore..."

Huminga ako nang malalim... at niyakap siya. Hindi ko alam iyong sasabihin ko sa kanya. Ramdam na ramdam ko iyong pagod niya... kasi napapagod na rin ako.

* * *

Buong gabi ko lang yakap si Nikolai hanggang sa maka-tulog siya. Tahimik lang siya. Ni hindi niya magawang sabihin sa akin iyong nangyari. Ang sabi niya lang, na-late daw si Tali kaya nagpa-huli sila. Kung nandun din daw sila—

Fuck.

Ayokong isipin.

"What time is it?" tanong niya nang magising siya. Nag-email na ako sa trabaho na hindi ako makaka-pasok ngayon. Hindi ko pa alam kung ano ang plano ni Nikolai. Kung gusto niyang umalis, aails kami. Magpapaalam ako sa trabaho. Gagawin namin kahit ano ang kailangan niya.

"8am pa lang," sabi ko pero naupo siya sa kama. Inihilamos niya iyong dalawang kamay niya sa mukha niya. Inilagay ko lang iyong kamay ko sa likod niya at hinagod iyon. "Ano'ng gusto mong kainin? Magluluto ako..."

Pero umiling siya.

"I need to go."

"Saan ka pupunta?" kinakabahan na sabi ko. Parang... ayoko na lang siyang palabasin dito sa condo. Dito na lang kami. O umalis na talaga kami. Iyong kaba ang talagang papatay sa akin.

Wreck The Game (COMPLETED)Where stories live. Discover now