“W-Wait... they're sent outside of the boundaries?” gulat na tanong niya.

I slowly nodded. “Iyong matandang nakausap ko kanina, he said he was a volunteer who survived amongst 100 other volunteers. Hindi ko naitanong kung ano ang ginawa nila at kung ano ang nangyari sa iba pa, kung bakit siya lang ang naiwan.”

We fell silent for a few seconds when he spoke again.

“Oh! I remembered something.”

Napaangat ako ng tingin sa kaniya. “What?”

He looked at me and leaned a little bit closer to whisper, “remember that time na pumasok tayo sa office ni Papa para magnakaw ng permission slips?”

Napakunot ang noo ko pero tumango pa rin ako. “Yeah. Bakit?”

“I remembered Papa and the Mayor talking about sending people as volunteers.”

Naalala ko na kaya namilog ang mga mata ko. “Oh! May naalala rin ako. Noong sumama ako kina Zeig dati, may matandang babae rin doon na dinadakip. And I heard she will be sent as a volunteer, too.”

“Kilala ko ang isa sa mga dumakip sa matanda kanina,” aniya sabay ayos sa pagtayo. He looked in front of the road again. “He's one of the bodyguards of Mr. Siarez. That old man might be sent again as a volunteer again.”

I was about to talk again when someone bumped me my shoulder. Napaatras ako at muntikan nang mawalan ng balanse, mabuti na lang at may humawak kaagad sa kamay ko nang iangat ko.

“Woah!” I said with a sigh of relief. I chuckled before looking at Zeigmund who was holding my wrist. “Thanks!”

He sighed. “Ayan kasi. 'Wag kasi puro daldal habang naglalakad.” He gently pulled me up so I could stand properly.

I was about to thank him again when he quickly turned his back on me and continued walking. Napakurap ako dahil sa bigla.

I looked at Reivohr and gave him a look as if I was asking. He shrugged his shoulders kaya napakibit-balikat na lang din ako.

--

IT WAS ALMOST evening when I arrived at our house. Pagkauwi ko ay may handaan na kaagad sa dining. Kasama ani Maria si Mama na naghanda ng pagkain. Sakto namang wala na ang kinain ko kanina kaya kumain na ako kasama sila.

Pagkatapos kumain at diretso na kaagad ako sa kwarto ko. I took a bath at saka umupo ako sa kama ko para buksan ang notes ko. May exam pa ulit kami next week at kailangan kong mag-review.

Pero habang nagrereview ako, hindi ko mapasok sa utak ang mga binabasa ko. My thoughts kept on wandering back at GS 99 and everything that happened there earlier.

Caesonia is the type of person who will bother me until I tell her the truth. Hindi niya gustong may tinatago ako. And it was a bit surprising noong hindi niya ako pinilit nang pinilit para sabihin sa kaniya ang totoo.

And Zeigmund... he knows. I'm sure he knows why we were there. It was obvious from the way he looked at us earlier when they caught us.

Naibalik ako sa reyalidad nang marinig ko ang marahang beep ng aking phone. Nang balingan ko ang tingin ang phone kong nakapatong sa study table, umilaw 'yon at lumitaw ang holographic image ng profile at citizen number ni Caesonia.

106759, Caesonia Lemmy Reid
Incoming Call...

Bahagyang napakunot ang noo ko. Bakit naman siya tumatawag ngayon? Bumaba ako ng kama at lumapit sa study table para sagutin ang tawag.

“Oh? Bakit?” I asked the moment her face appeared after answering the call.

“Can I come over?” nakangiting tanong niya. “Na-miss kong magkasama tayong mag-review before exams.”

Mahina akong natawa dahil naalala kong palagi pala kaming magkasama tuwing magre-review kapag malapit na ang exams. “Yeah, sure. 'Wag ka na magdala ng damit pantulog. Naiwan mo pa rito ang isang pares ng pajamas mo.”

She chuckled. “Okay. See you!”

Siya na mismo ang tumapos sa tawag. Binalik ko na sa table ang phone bago ako bumalik sa kama.

Madalas magpunta rito si Caes at dito na rin natutulog kaya may sarili na siyang kwarto rito pero mas gusto niya pa ring tabi kami matulog. Kaya may extra akong unan na hinahanda para sa kaniya lagi.

Ilang minuto ang dumaan, narinig ko ang marahang katok sa pinto ng kwarto ko. Judging from how slow and soft the knocking was, naisip kong si Maria 'yon.

“Anzie?” I heard Maria's calm voice. “Nandito na si Caes. She's downstairs.”

“Oh. Tell her to come up here, please!”

Gumilid na kaagad ako at pumwesto sa side ng kama kung saan ako lagi kapag nagtatabi kami ni Caesonia.

I was fixing the pillow and blanket when I heard the door opened kaya napabaling ako roon ng tingin.

Napangiti kaagad ako nang makita si Caes. “Hey! Halika na rito. Dito ka!” I tapped the side of the bed where she usually sleeps.

Hindi siya nagsalita at nanatiling nakatitig sa akin. Nagsalubong naman ang mga kilay ko dahil sa pagtataka.

“Caes?” I called her. “What's wrong? Why are you looking at me like that?”

“Alam kong hindi mo sasabihin sa akin kaya ako na mismo ang naghanap ng paraan para malaman,” seryosong sabi niya habang nakatitig sa akin.

Hindi ko naiintindihan ang sinasabi niya pero naramdaman ko ang biglang pagbilis ng tibok ng puso ko.

“What... do you mean?” I asked, brows furrowed in one line. “Anong pinagsasabi mong hindi ko sasabihin kaya... ikaw na mismo ang naghanap ng paraan?”

I saw her gulo slowly. “About... about volunteers.”

Natigilan ako.

Napatitig na lang ako sa kaniya at bahagyang napaawang ang mga labi ko.

“I-I found out that volunteers—” her voice shook so she had to stop for a while to gulp “—are experiments subjects of the researchers in Grendan, or from any ships. They are sent outside of the boundaries and none of them, none of them, ever came back.”

Napakurap ako. I gulped down the lump in my throat. “C-Caes... anong klaseng—”

“Iyong gusto mong ipakita sa amin na libro, connected ba 'yon dito, Anza?” aniya na bahagyang tumaas ang boses.

Bumaba na ako ng kama. “Caes...”

She blinked twice and I saw years forming from the side of her eyes. “Anza, what are you planning? Sabihin mo sa akin kung ano ba ang binabalak mo! Why do you badly want us to know what's inside your deceased father's book? Bakit nililihin mo sa amin ang tungkol dito? Bakit mo ginagawa 'to in the first place?”

I took a step closer to her. “Caes—”

She took a step back, as if I was a harmful acide that will burn her the moment I go near her.

“Anza, tell me,” mariing aniya. Galit na tinitigan niya ako sa mga mata ko. “Are you planning on going outside the boundaries?”

Beyond the Boundary | ✓ Where stories live. Discover now