CHAPTER 22 ~ Crazy ~

Magsimula sa umpisa
                                    

Kumilos ako at inabot ko ang kamay ni Triton. Kinapa ko ang kinaroroonan ng bracelet niya. BHOCAMP bracelet. It will send a signal to the headquarters. Sigurado ako na kikilos sila kaagad kapag nakita nila iyon.

Now all we can do is wait...no matter how pathetic that may be. Bakit ba sa amin nangyayari ito? Hindi na natapos ang mga problema namin. Basta may pagkakataon kami ni Triton maging masaya bigla na lang namin natatagpuan ang mga sarili namin na may kinahaharap na problema.

"Makakaalis din tayo rito, Dawn."

"I want to believe that."

"Sisiguraduhin ko na magiging ayos ka lang."

I want to believe that too. Gusto kong maniwala na makakaalis kami ni Triton dito. That we can get out and go back to our little happy bubble.

Nanigas ko sa kinauupuan ko at gano'n din si Triton ng bigla na lang namatay ang nag-iisang ilaw. Narinig namin ang pagbukas ng pinto kasunod ng tahimik na mga kaluskos. Pilit na inaninag ko ang pinaggagalingan ng mga galaw pero wala akong makita.

But I can hear their footsteps. It's hard to distinguish them because of the way they move. Like a graceful cat. But because of the training I had, I can still hear them. Barely.

They are all over...surrounding us.

Bago ko pa magawang makapagsalita ay napaigik ako sa sakit ng maramdaman ko ang pagbagsak ng kinauupuan ko at kasabay niyon ay ang pagdagan sa akin ng kinauupuan ni Triton. The pain instantly fly off my mind when I realized what he's doing.

He's shielding me.

"Tri, move." I frantically whispered.

"No."

"Move!"

"There's no way in hell I'll let them get to you."

Pumasag ako upang maialis ko siya sa ibabaw ko pero hindi siya matinag. His weight is crushing me but most importantly, we cannot stay like this. This is a vulnerable position for us. Much more vulnerable and pathetic than being tied to a chair.

"Dito na magtatapos ang maliligaya niyong sandali."

Hindi ko alam kung anong gagawin nila. Hindi ko alam kung paano kami makakatakas. All I know is we cannot stay like this. Hindi pwedeng wala kaming gawin. "Tri, move!"

"No!"

"Dito na matatapos ang maliligaya niyong sandali dahil sasali na kami! Woo yeah!"

Mariin akong napapikit ng bumadha ang nakakasilaw na liwanag kasabay ng ingay na pumainlang sa paligid namin. I didn't have the time to digest everything when Triton's weight suddenly been lifted off me.

Minulat ko ang mga mata ko at saglit na sinanay ko muna ang mga iyon bago ko nilingon si Triton na mukhang naparalyze na sa kinauupuan niya. Tinignan ko ang tinitignan niya at nalaglag ang panga ko sa gulat.

What the...what the... "What the fucking hell is this?!"

"Don't curse, baby. Hindi bagay iyan sa kadyosahan mo."

Pakiramdam ko ay mahuhulog na ang mga mata ko sa pagkakatingin sa nagsalita. Pakiramdam ko ay may bumara sa daluyan ng utak ko at hindi ko magawang maproseso ang mga naririnig at nakikita ko.

Walang Claw na gusto kaming saktan, wala. Ang tanging nasa harapan ko ay mga taong hindi ko alam kung paano at kung bakit naririto.

"Hello? Anybody home? Are you there, baby?"

Animo nagsilbi iyong pompyang sa natutulog kong utak. Humugot ako ng hininga at sa buong makakaya ko ay tumili ako ng pagkalakas-lakas. Hindi ko iyon tinigilan at sumasagap lang ako ng hangin kapag kinakapos na ako.

BHO CAMP #3: Clash Of The Private A1Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon