Chapter 6

1.2K 28 1
                                    

Pagkatapos namin sa KFC, naglakad-lakad lang kami sa mall. Bumili sya ng long sleeves polo / button down shirts at hiningi nya talaga ang advice ko sa pagpili. 

Pinag-usapan din namin yung interview nya sa Monday. I explained the goals of the company in their search for a Vendor Manager. I explained the job to him and he listened intently. He had interesting questions about the job na I was only too happy to answer. Anyways he’s doing the same naman pero bigger lang ang scope nitong work.

Magaling sya. He's really changed, he’s grown a lot. For sure, he’ll get the job. He will gain an additional 20% salary increase if maofferan sya at tanggapin nya. The company will have revenue and Lisa and I will get our commissions.

Hindi rin naman pera lang. Maganda ang opportunity na ito for him. This is a bigger company with a strong impact in the global market. Marami syang matututunan at baka magtrain pa sya sa US if mas malaking expansion ang gagawin ng client.   

"Let's do a mock interview!" Suggest nya. Nasa coffee shop na kami sa Ortigas sa labas ng mall dahil sarado na ang mall. Wala rin gaanong tao. 

"Really? You want?" 

He nodded like a kid. 

Natawa ako. "Okay... Good morning Mr. Villanueva. How are you feeling today?"

"Eh, may halong feelings? Eh ayoko na!" 

"Hindiii… Oh sige, how are you?" 

"Me? How am I?" 

"Ay hindi Ron. Yung barista, gusto kong kumustahin."

Tawa sya ng tawa. Para syang lasing eh kape ang tinotoma namin.

"Ikaw ang nag-suggest nito, ikaw pala yung hindi aayos."

"Sorry na... I'm very happy."

"Anong very happy? Hindi ganun! Ron naman eh."

"Eh sabi mo how are you. E di sinagot ko lang. Eh sa happy eh, bakit ba?"

"Talaga? Happy ka?" 

Tiningnan nya ako ng ilang segundo. "Scrap that. I'm not. Hindi pala." At uminom sya ng frappe. 

"Ron?" 

"Mmm?"

"Alam kong medyo nagdadrama ka ngayon pero mocha frappe ko yan." Puna ko dahil ininuman nya yung akin. Tumawa ako. 

"Ay sorry. Kaya pala iba yung lasa." Hahaha. “Kaya pala masarap!... Aily, naaalala mo nung highschool?" UY. Aily.

Kumunot ang noo ko. "Alin nung high school?"

"Mountain Dew at RC Cola?" At ngumiti sya. Nagmelt na naman ako.

Lying, Cheating Hearts (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon