Chapter 4

1.4K 32 5
                                    

Jeff is my cousin. He is a shameless playboy. He gets his women from anywhere, iba-ibang tipo, from all walks of life talaga. He is a Director and Photographer for commercials, MTVs, tv shows and movies at minsan nagkakatrabaho sila ni Maynard. Actually kay Maynard at kay Jeff ko nakukuha ang mga scoops ko regarding celebs, politicians, ek, ek.

Ano kayang kailangan nun sakin? Magpapastalk ng girl? May papacheck out na girl? Pero parang seryoso yung text nya. 

Anyhoo, tomorrow will deal with him. 

Nagkita na kami nila mama at papa at saglit na nagkuwentuhan at nagbilinan ng mga gagawin dito sa bahay, babayaran na bills, etc. Nagpahinga saglit si papa sa kwarto nila. In a few hours, pupunta na kami sa airport para sa flight nila to US. 

Nagkape kami ni mama sa veranda. 

"Ang tagal nyo na rin ni Maynard ano?" Sabi bigla ni mama. 

"Opo. Seven years na," sagot ko. 

Tipid na ngumiti si mama. "Engaged na rin kayo. Malapit na ba ang kasal?"

"Mama naman."

"Oh bakit? Diba dapat nagdedetalye na kayo? Kahit date kung kailan wala pa ba?"

Bumuntung-hininga ako. "Sabi po ni Maynard next, next year."

"Long na long na long engagement ata."

"Para po sa future." Ang ibig kong sabihin ay nagwowork si Maynard for our future pero para kasing ayaw kong pag-usapan ‘to kaya tipid lang akong magsalita.

"Ano bang para sa future eh ikaw lang ang anak namin. Iyo itong bahay. May sasakyan na kayong dalawa. Maganda ang pareho ninyong trabaho. Baka pag mag-asawa na kayo, lagi pa rin syang wala anak." Na-gets naman ni mama yung sagot ko. Medyo di ko lang ma-gets kung bakit ito ang topic ngayon.

Di ako nakapagsalita ng matagal. Ayokong ayunan si mama. Ayoko ring idefend si Maynard. 

Si mama ang bumasag sa katahimikan. "Your papa and I are getting older. Lalo na your papa. We want to see our grandchildren. Ayoko namang ipressure ka. 27 ka na. Pero more than that Aileen, I want to see you happy."

Ngumiti ako. Di naman ako napepressure. Di naman ako nag-aalala sa edad ko o ano. Natamaan lang ako dun sa happy. She wants to see me happy. So, hindi ako mukhang happy.

"Alam mo your papa and I, hindi namin kayang hiwalay kami sa isa't isa. Kahit nung magnobyo pa kami, lagi kaming magkadikit. Lalo ngayon, di yun makatulog nang di ako naka-akap sa kanya. Kanina nga lang namilit na mahiga rin ako." Natawa si mama. Makikita mo sa mga mata nyang mahal na mahal nya si papa. Makikita mo yun sa mga mata nila.

Uminom sya ng kape at tumingin sa lalim ng gabi. 

Nagpatuloy sya, "Oo nahirapan kami. Nung panahong nagsi-applyan ang mga Engineers sa ibang bansa hindi sya sumubok. Ayaw nyang mahiwalay sa akin. Napakaliit ng sahod ng papa mo dati at nung dumating ka, mas lalo kaming nahirapan." Tumingin si mama sa akin. "Pero masaya kami Aileen. Masaya tayo. Kasi sama-sama tayo."

Lying, Cheating Hearts (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon