Chapter 9

1.1K 25 1
                                    

Year 2004

"Owkamon Aileen samahan mo na naman akong uminom," pagmamakaawa ni Jeff sa phone.

"Mga barkada mo Jeff ‘asaan? Bat di sila ang yayain mo?" Tanong ko sa kanya. Nasa school ako, nag-aantay ng next subject na last subject ko na for the day. 

"Sige na. Di naman kita iaask kung di ko talaga kailangan ng kasama," pagmamakaawa pa nya. Dinig mo sa boses nya ang desperasyon.

"Bakit ba Jeff? Ano bang nangyari? Nag-away na naman ba kayo ni Suzette?" Tanong ko. 

"Niloloko ako ni Suzette Aileen," iyak nya sa phone. “May boyfriend pala sya.” At humikbi ng humikbi.

Nahabag ako. Pareho kaming walang kapatid kaya parang kapatid ko na rin ang pinsang kong si Jeff. Sabay kaming lumaki. 

"Okay. Saan kita pupuntahan?" 

Di dumating ang prof ko sa last subject kaya nakaalis ako agad. 

Nagwowork si Jeff bilang isang Production Assistant sa isang kilalang Production outfit. Gusto nyang maging Director. Writer at Photographer din sya. 

Nahumaling sya sa isang model at aspiring na artista, si Suzette Lyn Damiano.

Dinatnan ko sya sa inuupahan niyang kwarto sa Makati.

Tiningnan ko ang napakaliit nyang kwarto. Bukod sa masikip, magulo, nagkalat ang mga damit nya at mga kinainan. May problema nga sya… Neat freak kasi siya.

Napaluhod upo ako sa harap nya. Bakas mo sa mukha nyang lumung-lumo sya. Nakaupo sya sa sahig at nakasandal sya sa dingding. Malayo ang tingin habang hawak hawak ang bote ng gin.

Ang daming mali sa scene na iyon. Simple lang ang pamilya namin pero mayaman sila Jeff. Nung pinili niyang maging independent pagtapos nyang grumaduate hindi ko inakalang ganito pala ang kahahantungan nya.

Kasing laki ng first floor ng bahay namin ang kwarto ni Jeff sa family home nila sa Marikina. Ngayon, itong inuupahan nya, mas malaki pa ata ang CR ko sa bahay.

Gin ang nakita kong iniinom nya. Nung nag-aaral pa sya nung college, at naisasama nya akong uminom, pinapalabas nya yung the best liquors sa bars.

“Lagi na lang akong iniiwan Aileen. Si mama, si papa, si Suzette,” nguso nya at sabi. Tumulo ang luha nyang hinayaan nya lang pumatak.

“Anong nangyari?” tanong ko.

“May boyfriend pala sya,” sagot nya. “Akala ko sinasabi nya lang, sino ba naman ang manlalake sa loob ng isang taon diba? Akala ko ako yung legal. Ako pala yung kabit. She’s cheating with me.”

“Kumain ka na ba?” Tanong ko.

“Ang galing nyang magtago. Ang liit liit lang ng Maynila. Labas pa kami ng labas. Ang kapal kapal ng mukha nya. Pero put*ngina Aileen, mahal na mahal ko sya.”

Lying, Cheating Hearts (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon