"Bakit staff pa natin?!" halos patili pang sigaw ng asawa ko kay Callen. Jusmiyong batang ito!

Samantala itong Kuya nya ay parang proud pa na marunong ng manghudas ng ibang babae itong kapatid nya.

I bat my eyes to Yuan kaya natigilan sya sa pagtawa.

"Ay... wala po akong tinuturo dyan.. magkakasama po tayo sa Manila..." dipensa nya. Sobrang spoiled nya din kase kay Callen.

"Staff talaga natin! Callen Roi! Lintik! Nakakagigil! Anong pangalan? Umayos ka nga!" galit na galit si Roian sa mga oras na ito kase ayaw nya na may nadedehado sa mga empleyado nya.

"Mommy! Anak nyo ko!" naiiyak na sagot pa nya sa nanay nya. Jusmiyo! Sa inis ng asawa ko ay piningot nya ito sa tenga.

Mahal na mahal ko ang anak ko kaya sagad sa langit ang pagtitimpi ko na magarote sya dahil siguradong baldado sya kapag sinagad nya ko sa mga kalokohan nya. Kaya panay meditation ko sa tuwing gumagawa sya ng kalokohan. May swerte pa nga sya kung tutuusin kung si Hunter ang magulang nya baka matagal na syang nakatikim ng paglapat ng likod nya sa lupa.

"P-promise to me first Mommy.... hindi ka magwawala?" kabadong pag aalo nya sa Mommy nya at natatawa si Yuan habang pinapanuod nya yung dalawa. Si Riyon naman ay napainom ng tubig ng wala sa oras.

May maling ginagawa ang hinayupak na batang 'to!

"Hindi ko mapigilan Callen Roi Kaye Altemirano! Ewan kung saan ako kukuha ng pagkalma sa mga kalokohan na pinaggagawa mo!" at doon kami napangiwi dahil ang taas na ng boses ni Roian.

Napag usapan na namin ito eh... never ever try to break someone's heart. Jusko po bakit pati iyon ay sinasagasaan na nya.

"M-Mommy s-si Daphne... Daphne Gregorio po Mommy....sya po yung kumuha ng pilit sa rosas na dala ko..." anunsyo ng anak namin na kinatigil naming mag asawa.

"Wag na pong magreto Mommy... nasa kanya na po yung tradisyon natin..." lintaya ng anak namin.

Daphne's POV

May sakit talagang pagkamaramot yung hinayupak na Roi na yun! Para red rose lang eh! Hataw ko sa kanya 'to with tinik pa kung ibig nya eh.

Haist!

Napasimangot ako ng bigla syang dumungaw dito sa cubicle ko at kapag daka nyang pinatong yung paper bag sa ibabaw ng working table ko. Pagkain base sa amoy na sumalubong sa akin.

Tinaasan nya ko ng isang kilay ng napatingin sa akin.

"Aba! ikaw pa ang galit." nagawa pa nyang kumuha ng isang swivel chair at tumabi sa akin.

"Pakadamot mo!" singhal ko. Pagkatabi nya sa akin ay nagmimic lang sya ng sinabi ko. Kaya pinalo ko sya ng ballpen na hawak ko.

Mayamaya ay tumingin sya sa akin ng seryoso at parang nagrambulan sa isang emosyon ang buong sistema ko at parang nagpapanic ako maging puso ko ay parang lumulukso sa mga oras na 'to.

Yung kulay ng mga mata nya na ang lalim ng pagkakulay ng itim ay naging pinakamagandang kulay para sa akin gayong iyong kulay na iyon ang nagpahirap sa akin at kumuha ng panahon ko noong bata ako. Ikinulong ng kulay na iyon ang paningin ko.

Her eyes are majestic.

Nakakalunod.

"Ngayong nililigawan na kita... wag kang asumera na napakaganda mo huh.... maganda ka lang pero hindi sobra." lalag ang panga ko ng sambitin nya yan.

Napaka!

Saan ka nakakita ng nililigawan ka eh nagagawang laitin yung nililigawan.

"Talaga! wag ka ding umasa na sasagutin kita." balik ko. Akala nya huh!

Vanilla Sky (Lesbian Love Story)Where stories live. Discover now