Chapter Two (2/28/15)

21 4 0
                                    

Chapter 2

DAMN!!

BREAK UP LANG INIIYAKAN NIYA NG GANYAN?!!

Niluwagan ko yung pagkakayakap niya sa akin at bahagya ko siyang naitulak. Jusme naman! Akala ko talaga may pumanaw na!

Tumayo ako at naghanap ng kahit na anong wood sa MAGANDANG office ko tsaka ako kumatok ng tatlong beses doon. Bumalik na rin ako sa tabi ni Mitchie. Nakasubsob naman ngayon yung mukha niya sa magkadikit niyang palad.

Susme. Mapapamura ako dito sa babaeng to eh.

Hindi ko na tuloy alam kung anong sasabihin ko. Paano ba magcomfort ng babaeng kakagaling lang sa break up? Eh hindi ko pa nga nararanasan yan.

Ilang minute lang kaming naging tahimik doon (actually ako lang talaga yung tahimik dahil ngawa siya ng ngawa) ng bigla akong nakaisip ng idea.

“Tara! Date na lang tayo.” Sabi ko at walang anu-anuma’y hinila ko na siya papalabas ng MAGANDA KONG office.

“Akala ko ba magdedate tayo, eh bakit dito mo ako dinala?” sabi niya ng makapasok kami sa MAGANDANG KWARTO KO. Punong-puno rin ito ng Mickey and Minie Mouse stuffs kagaya ng MAGANDA kong office.

“Oo nga. Kailangan mo lang naman magrelax at magunwind eh. At tsaka wag na sa mall girl hindi ka dun makakapagrelax.”

“Whee? Eh bakit hindi mo ako dinala sa park o kahit na sa ibang lugar man lang?” pagrereklamo pa niya.

Demanding?

“Ano ka ba naman girl. Ice cream lang naman ang katapat niyan. Eh madami din naman akong ice cream dito sa bahay. At tsaka ano ka ba, nagtitipid ako girl.” Pabulong na sagot ko sa kanya sa huli kong linya.

“Nagtitipid? Ang kuripot mo talaga.” Walang kagana-gana niyang komento. Pero mabuti na yun dahil at least hindi na siya umiiyak.

“Wait ka lang jan girl ah. Mahiga ka muna. Or kung gusto mo eh manuod na lang tayo ng movies. Bababa lang ako, kukuha ako ng makakakin.” Sabi ko tska ko siya iniwan doon.

Pagkasara ko ng pinto, bigla ko ulit itong binuksan. “At girl! May muta ka pa. Maghilamos ka muna.” Sabi ko at tsaka nagmamadaling isinara yung pintuan. Baka hagisan ako ng kung ano eh.

Masaya akong bumaba ng hagdanan at nagdiretso sa kusina. Kumuha ako ng dalawang gallon ng ice cream. Yung isa eh bago pa, at yung isa naman eh yung kagabi ko pa kinakain na hindi ko maubos. Hihintayin ko na rin yung pancakes na kanina ko pa pinaluto bago pa kami dumating.

Nasa kasalukuyan ako ng paghahanap ng iba pang makakain sa ref ng biglang lumapit yung isa naming katulong. “Ma’am may bisita po kayo.” Magalang nitong sabi.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Feb 28, 2015 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

SINGLE FOREVERWhere stories live. Discover now