Chapter One (2/28/15)

43 4 0
                                    

Chapter 1

 

Mabuhay lahat ng walang jowa!

 

Yan ang itinweet ko matapos kong mabasa yung latest tweet ni @itsMniel. Hay naku! Paepal talaga yang baklang yan! Maisumbong nga kay Sachi!

Kinuha ko ang cellphone ko na nasa tabi lang ng laptop na nasa working table ko. Idinial ko ang number ni Sachi Kulachichi.

(Hello?)

“Chiiiiiiiiiiiii!!” sigaw ko matapos marinig ang boses niya. Isinipa ko ang kanang paa ko sa ilalim ng table ko para makabwelo ako sa malayong pag-ikot ng swivel chair ko.

(Oh bakit? Anong problema?) worried na tanong niya.

“Eto kasing si Miniel eeeh! Inaasar ako!” malakas na boses na sumbong ko sa kanya tska ako nagpout. Ang bad talaga ng baklang yon! Lagot ka ngayon!

(Ha? Eh? Bakit ano na namang ginawa?) rinig ko sa boses niya ang pagtataka. Sasagot na sana ako ng biglang nagpantig ang tenga ko sa PAAANGIIIIT na boses na narinig ko mula sa kabilang linya. ( [Chi?] Ha? [Sino ba yang kausap mo?] Ah- ano- Si… [Ay nako. Si Manang lang pala eh] ) rinig kong sabi ng nasa kabilang linya at nilakasan pa talaga yung word na “manang”.

“Ano!?? Hindi ako manang noh! Sachiiiiiiiii!! Si Miniel kanina pa yan!!” react ko with matching crying noises pa. Ang sama talaga ng baklang yan! Ewan ko ba kung bakit pinatulan pa ni Sachi yan eh! Hindi naman sila bagay! Pwe!

( Niel! Akin na- [HA? Ano yun manang? Hindi kita marinig. Choppy ka po. Tooot toooot toot. Hello? Tooot toot toot Hello? Tooooot] ) sabi ng nasa kabilang linya. Panigurado inagaw niya yung phone! Hay kainis! Bad timing naman yung sumbong ko! Bago ko pa maibato yung cellphone ko sa sobrang inis eh ako na mismo ang nagbaba at tumapos ng tawag.

Tsh.

Tumigil na ako sa pagpapaikot-ikot at paslide na bumalik sa tapat ng lamesa ko. Inilapag ko na rin yung phone ko.

Haaaaay. Bumuntong hininga ako tsaka iniikot ang paningin sa loob ng OFFICE KO. Buti pa sila magkasama. Samantalang eto ako, mag-isa! Nganga!

Pero ang taray noh? Biruin niyo ba naman, after 21 years of my existence, ang isang Krizel Angela delos Reyes may sarili ng office ngayon! Ahoho!

Ang haba ng hair~ Nagrejoice ka ba girl? Yan dapat ang ialay niyong kanta para sa akin. Hindi lang para sa mga babaeng madaming BOYS yung Haba Ng Hair noh! Ako rin kaya!

Tinanggal ko ang tali sa buhok ko and then flip my hair to the left to the right ng biglang may pumasok. Nakahinto ako sa ere habang nakatingin sa lokong to.

“Ay! Sorry Ma’am.” Sabi ng nagtatrabaho din ditong beki pagpasok.

“Hindi ka ba marunong kumatok?” sabi ko ng makarecover at inayos ng matuwid ang ulo ko dahil baka magkastiff neck pa ako. Ayoko ngang mangyari sakin yun. Masakit eh.

SINGLE FOREVERTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon