"Akala ko nga lalabas sa akin 'yan na may muscles at nag pu-push up na."
Napatingin kami ni Lia kay Lucienne na may dala na bowl ng cookies. Kumuha siya ng isa at tinapat iyon sa anak niya na para bang ginagawa niya iyon na pain para lumapit sa kaniya ang bata. Her son giggled in response and jumped on her in a mini tackle way.
Nanggigigil na niyakap ni Lucienne ang anak na hinayaan naman siya. Mukhang walang pakielam ang bata dahil abala na iyon sa pagngasab sa dalawang cookies na hawak niya sa magkabilang kamay.
"He's like a mini version of his dad with an appetite as big as his Tito Axel," Lucienne said.
Napailing si Lia sa sinabi ng babae. "Ang sabihin mo mana sa'yo. Halos parehas lang kayo ni Axel na laging pumupunta rito para kumain. Nagpa-customize ka pa nga sa Shopee ng baunan kasi kada tanghali nandito ka na parang pumapasok ka sa school."
"Food is good for my brain. Ilang libro na ang naisulat ko dahil sa mga luto mo."
"Dapat may porsyento na ako sa royalties mo."
"Wag na. Mayaman ka na."
I laughed at that. Even I know that Lia really came from old money. Bukod pa ro'n ay sigurado akong hindi rin biro ang kinikita niya mula nang makilala siya sa music industry.
"Fine. Cookie looks like his father at namana niya sa akin ang katakawan niya. Magpasalamat na lang tayo na wala siyang minana sa Tito Trace niya na unfortunately ay pinaglihian ko noon." Pinindot ni Lucienne ang pisngi ng anak. "Huwag kang gagaya sa Tito Trace mo ha?"
"At bakit naman?" Nanggaling ang tanong na iyon kay Trace na naniningkit ang mga mata na lumapit sa amin. Sumalampak siya ng upo sa tabi ni Lucienne at basta na lang niya kinuha si Cookie na wala pa ring angal dahil kumakain pa rin. "Suwerte niya nga pag sa akin siya nagmana. I look so angelic."
"Fallen angel?" tanong ni Domino na narinig ang pinag-uusapan namin. Nahihiyang ngumiti siya sa akin bago umupo sa tabi ko.
"Angel condensada," sabi ni Lia.
"Angel food cake," singit naman ni Axel na umupo sa tabi ni Lia. "Marunong kang gumawa no'n, Lia?"
"You know that I love cooking and sometimes baking. Hindi nga lang ako masyadong marunong kapag complicated baking na. But I'll try for you don't worry."
Hindi sila pinansin ni Trace at sa halip ay tigninan niya ng masama si Lucienne na nakakapagtakang hindi sumali sa kung tawagin ng lalaki ay "pangyuyurak sa pagkatao" niya. Mukhang may malalim na iniisip ang babae.
"Don't be shy. Alam kong may gusto kang idadag," sabi ni Trace.
Itinaas ni Lucienne ang kamay. "Wait nakalimutan ko iyong complete name. Sikat 'yon eh." Maya-maya ay napangisi siya. "Ángel Maturino Reséndiz."
Napatawa ako at maging ang mga kasama namin. Lucienne's rumor can really be dark and twisted. No wonder she's the gore queen.
Sambakol na ang mukha ni Trace nang bigyan niya ang babae ng matalim na tingin dahil talagang sikat ang taong binanggit niya. The name she mentioned was known for being The Railroad Killer.
"Hindi kita kilala."
Muling napuno ng tawanan ang paligid. Nagpatuloy sa pag-aasaran si Trace at Lucienne habang ang iba naman ay naging abala na sa kani-kanilang usapan. A few minutes later, Coal came out of the house and he approached us while holding a guitar. Pinaikot ni Lia ang mga mata niya dahil mukhang hindi na bago sa kaniya ang ganitong mga tagpo.
"Kanta ka naman, Lia," sabi ni Coal.
Natatawang napailing na lang ang babae. "Minsan pakiramdam ko karaoke machine ako ng mga 'to." Hindi niya kinuha ang gitara na inaabot ni Coal. "Ikaw na. Ako na lang ang kakanta."
KAMU SEDANG MEMBACA
Dagger Series #3: Unscripted
AksiBelaya Lawrence is the most sought-after actress of her time. She loves her job. She loves living different lives, even if she only has one. It's challenging and wonderful at the same time because she can be anyone through the script that is given t...
Chapter 16: All In
Mulai dari awal
