Chapter 16: All In

Start from the beginning
                                        

Strings of emotions crossed his eyes. Alam niyang pilit lang ang biro ko. I can't even give him a smile. Umangat ang kamay niya at marahang pinalis niya ang ilang hibla ng buhok na tumatabing sa mukha ko. Pierce is a man with a sharp edge but right now he's being so gentle with me.

"You're not the reason why it's not a good idea, Kitty," he whispered as his eyes roamed around my face.

I opened my lips to speak but I stopped when he moved away. Rejection hit me pero hindi nagtagal iyon dahil sinama niya ako sa pagkilos niya. He moved us up the bed until his back is on the headboard. He pulled me close again and wrapped his arms around me, my head lying on his hard chest.

"Sleep now, baby."

Baby. I earned the title again for the second time. I didn't dare utter a word about it. I don't want to give him a reason to let me go.

Ipinikit ko ang mga mata ko at hindi nagtagal ay unti-unti akong hinila ng antok habang patuloy sa paghaplos ang lalaki sa buhok ko. I bury myself closer to him as I drifted off to sleep, enjoying the warmth that his body is giving me.

"Fuck."

It was a quiet whisper and I don't even know if I really heard it or if I'm imagining it. My mind is beginning to get hazy as I fall under deeper second by second.

"I never stood a chance, did I?"

PATAGONG binigyan ko ng cookies ang anak ni Lucienne at Thorn na masaya namang kinuha iyon sa akin. Sumalampak siya sa binti ko na para bang bigla na lang kaming naging close. Dawson men and Dawson babies are the same. Nadadaan sa pagkain.

"Don't worry pinapakain din ni Lucienne ng cookies 'yan. Doon iyan pinaglihi eh."

Nakangiting umupo si Lia sa isa sa mga throw pillow na nakakalat sa bakuran ng bahay nila. Nag-aya kasi sila Trace na sa bahay na nila Lia mag dinner. It was fine with me. I wanted to get out of the house anyway since I've been cooped up there for the entire week. Okay lang din naman kasi 24/7 kong kasama si Pierce. But I don't mind the change of scenery since the "view" here still include Pierce.

"Hindi kami pinapakain ng mga kapatid ko ng chocolate noong bata pa kami. Not the entirety of our childhood of course. Noong mga ganitong age lang kami," sabi ko sa babae.

"Hindi ko siya masisisi. Triplets ba naman. Kapag pare-parehas kayong nag-hyper siguradong iiyak ang nanay niyo."

More on si Daddy ang umiiyak. "True. Malapit lang din ang edad namin sa ate Vodka namin kaya apat na chikiting na iyon na problema nila. When Reika, our youngest, came into our lives may mga isip na kami kaya okay lang na maging sakit siya ng ulo dahil iisa lang naman siya."

"Five children." She smiled and looked at her husband. Kausap ni Gun ang mga kapatid niya sa kabilang panig ng kinaroroonan namin. "I can do three I guess... or four. Hindi ko kayang maging superwoman katulad ng nanay nila. Seven is a no for me."

"Seven is a lot."

"Ikaw ba? Ilang anak ang gusto mo?" Nang ma-realize niya ang tanong niya ay naging alanganin ang ngiti niya. "Not that it's my business."

"It's okay." Itinukod ko ang siko ko sa tuhod ko at nangalumbaba. "I want two or three children. Two preferably. Lalo na sa case ko. Ang taas ng chance na magkakaroon din ako ng multiple babies."

Pinunasan ko ang kamay ng anak ni Lucienne na ang ganda ng pangalan pero Cookie ang tawag ng lahat. Naubos na niya ang binigay ko sa kaniya at ngayon ay pinagkakaabalahan niya namang paglabitinan ang mahaba kong buhok.

"Cookie, no baby," saway ni Lia at binuksan niya ang mga kamay ni Cookie para magawang pakawalan ng bata ang buhok ko.

"Okay lang 'yan. Matibay naman ang anit ko," natatawa kong sabi. "But he has some grip."

Dagger Series #3: UnscriptedWhere stories live. Discover now