I want to commend myself for being calm even with the rage I am feeling inside. Gusto ko na siyang bugahan ng apoy dahil kanina pa nagliliyab ang kalooban ko.

"Ikaw nga ang pinakasalan, ako naman ang mahal." nang-uuyam na sabi niya. Agad na tumalim ang titig ko sakanya. That made her smile pero panandalian lamang iyon dahil agad kong sinaboy sakanya ang kakalapag palang na inorder ko. Umuusok pa iyon kaya talagang napahiyaw siya sa init.

"Serves you right." sabi ko at tumayo na. "Para mahimasmasan ka." I poured the cold water on her. Maarteng nagtititili siya. Umirap ako at tinalikuran na siya.

Nasa pintuan na ako ng restaurant nang makasalubong ko ang asawa ko. Nakitaan ko ng gulat ang mga mata niya nang makita ako. Instinct na rin ata ang agad niyang pagtingin sa likuran ko. Why do we always have a restaurant encounter?

Tumiim ang bagang niya at agad akong hinawakan sa braso ko at halos kaladkarin na palabas ng restaurant.

"Ynessa!!" he angrily let go of me. Nakapameywang na tumingala siya na para bang pinipigilan ang sariling sumabog.

"What the hell was that?!" nawawalan ng pasensiyang tanong niya. I calmed myself kahit ang totoo ay naiiyak na ako. Ako na naman ang may kasalanan! Dammit! In a battle between me and Ardelle, I always lost it kapag kay Tage na. He's always on his mistress' side.

"Tinuturuan ko lang ng leksiyon ang kabit mo."

"For once, Ynessa, stop acting like a child! You're getting cheaper and cheaper!" he said with disgust.

"Pasensiya kana, ah." sigaw ko sakanya.
"Mahal lang kita, e." I added. Tumitig lang siya sakin habang ako naman ay tuluyan ng naiyak. "Ang hirap naman maging asawa mo." pagod na sabi ko.

"Kaya nga maghiwalay na tayo." umiling ako at pursigido siyang tinitigan.

"Hindi ang isang Arjente ang magkakapagpahiwalay satin. You love her, right? Watch me as I turn your love for her as a love for me." determinadong sabi ko. He heave a sigh and hold me on my shoulders. Ramdam ko sa mga hawak niya ang determinasyong kumawala na sakin.

"Stop being selfish and let me go. You're just hurting yourself, Ynessa."

"Who are you to say that? Kung ikaw ang dahilan ng bawat sakit, saktan mo lang ako. As long as, at the end of the day, asawa pa rin kita. Sa akin ka pa rin. Ako pa rin ang may karapatan sayo. Hindi kita isusuko nalang, Tage. We've been into this marriage for five years. Hindi ko itatapon nalang ang limang taon na 'yon dahil sa isang Arjente!"

"Mahal na mahal kita para isuko ka nalang." punong-puno ng pagmamahal na sabi ko. Hindi ko na napigilan pang yakapin siya. Fuck, I missed his comfort.

"Please, Tage. Let's work on this. I'll be good this time. Just give us another chance." pakiusap ko. Sumiksik ako sa dibdib niya habang humahagulhol at nakikiusap sakanya, na sana sa pagkakataong ito ay ako naman.

"A-Ako nalang." I begged. You know what pains me the most? It's when he slowly removed me from the hug and looked at me straight in the eyes and said the most heartbreaking words he can ever say.

"It's Ardelle." sa tono ng pananalita niya, alam kong totoo, he meant it. He's choosing her. For the nth time, I lost again.

"Why h-her?"

"Because I love her." para akong kandilang nauupos sa mga oras na 'to. Hindi ko maramdaman ang mga tuhod ko kaya unti-unti akong napaluhod sa buhangin.

Tiningala ko siya habang bumubuhos ang walang humpay na luha galing sa mga mata ko.

"Bakit hindi maging a-ako?" I almost couldn't say the words right.

"Because you are not her." Fuck! I never envy someone, but right at this moment, I want to be that fucking bitch! Gusto kong maging si Ardelle para mahalin ako ng lalaking mahal ko.

Ibang klaseng sakit 'tong nararamdaman ko ngayon. Hindi ganito 'yung sakit noong iniwan ako ng mga magulang ko. Hindi iyon ganito kasakit. Muli ko siyang tiningala pero hindi na siya nakatingin sa akin.

"Anong kailangan kong gawin para mahalin mo ako?" I'm so damn desperate! Call me cheap for begging him to love me but I love this man. I fucking do! And I'm willing to go lower than low for him.

Tumingin siya sa akin kaya mas lalo akong naluha. Nandidiri ang ekspresiyong pinapakita niya habang nakayuko sa akin.

"Tumayo ka dahil hinding-hindi kita mamahalin, Ynessa." he easily said those words. But his words break me into pieces.

I smiled bitterly.

"Even for a second?" nagbabakasakaling tanong ko. Dahil alam ko at naramdaman kong may oras sa pagsasama naming dalawa na mahal niya ako.

"Not even a millisecond." and there you have it, Ynessa! Wasn't all his words enough to get into your senses? Umiling ako. Hindi ako naniniwala. He's lying. Mouth can lie but actions can't. Those times that he cares, I know he felt something. May laman ang mga pag-aarugang iyon.

"How about those times when you were blow drying my h-hair? Pamimili ng mga gagamitin ko?" aasa at aasa pa rin akong meron.

"Don't hope too much. I can do it to anyone." malalim akong bumuntong-hininga sa naging sagot niya.

Sobra ang paninikip ng dibdib ko. Hindi na naman ako makahinga. Tumango ako ng ilang ulit na para bang naproseso ko na ang mga sinabi niya.

I look up to him and give him a weak smile.

"Okay. You can l-leave me." I said. And just like it was the only cue he's waiting, he turned his back on me while I punch my chest repeatedly because of the extreme pain I am feeling, kasabay ng panlalabo ng mga mata ko.

Pilit kong hinahabol ang paghinga ko pero unti-unti na akong nilalamon ng dilim.

Love Me TomorrowUnde poveștirile trăiesc. Descoperă acum