STB 27: the warfreaks?

Start from the beginning
                                    

" di ko kilala" masungit na sabi ni Leirah..

" sungit hmp!" pagtatampo nung maliit tapos ay napatingin sa akin..

" omg! Diba ikaw yung kahapon?" gulat na sabi nya pero tinaasan ko lang sya nang kilay OA lang te?

" OA mo ruth" sabi ni nerdy boy na Rommel ata yung pangalan..

" pa share ako nang table" tipid na ngiting sabi ko, hindi naman kasi ako bastos para di magpaalam eh, minsan lang..

" sure sure! Kain na tayo!" masayang sabi ulit nung maliit na rut hang pangalan, actually ang ingay din nila except lang si Emily at ako, pero hinayaan ko nalang kasi at least sila hindi ako kinukulit..

" so anong name mo?" biglang tanong ni Ruth sa akin kaya napatingin silang lahat sa gawi ko, langya! Ht seat lang ang peg?

" Artemis, Artemis Valderama" walang kabuhay buhay na sagot ko, napatingin naman bigla sa akin si Leirah kaya nginisian ko sya...

" so bakit mo dito naisipang mag-aral?" tanong naman nung isa hindi ko alam ang pangalan..

" wait! Bago ka sumagot, magpapakilala muna kami sayo! Sorry ngayon ko lang naalala" sabi ulit ni Ruth at saka unang nagsalita..

" I'm Ruth Angela Perez, 17 years old, taking up BS management" nakangiting sabi nya sabay lahad nang kamay kaya kinamayan ko naman sya at nginitian..

" I'm Niña Monica Reyes, 18 years old, taking up BS engineering" nakatinging sabi nung isa, sya yung nagtanong kung ano ang section ko..

" I'm Michelle Madrigal, 18 years old, fashion design ang kinuha kong course" nakangiting sabi naman nung isa..

" I'm John Rommel Cristobal, 17 years old, Psychology ang course ko" sabi ni nerd, well nerd nga eh what do you expect right?

" I'm Emily Grace Kuroda, 18 years ld, taking up accountancy" sabi ni Emily..

Napatingin kaming lahat kay Leirah dahil sya nalang ang hindi pa nagpapakilala..

" what?" masungit nyang tanong

" hindi ka pa ba magpapakilala?" tanong ni michelle

" para saan pa? alam ko namang kilala na ako nyan" sabi nya kaya napangisi nalang ako, tsk tsk

" totoo ba yun Artemis?" tanong nila at tumango nalang ako, tama naman kasi yang si Leirah I know everything right? Kaya wag nang magtaka kung marami akong nalalaman..

" She's Leirah Cross" sabi ko kaya tumango tango nalang sila...

" back to my question, bakit mo napiling dito mag aral? And napunta ka pa sa class D eh puro delinquents ang nandon?" tanong nya..

" well, utos kasi yun nang pinsan ko at sya din ang nagprocess nang papers ko kaya dun ako napunta" pagsisinungaling ko..

" ahh.. pero infairness swerte ka pa rin!" biglang kinikilig na sabi ni Nina

" bakit?" tanong ko..

" eh syempre! Kahit naman kasi delinquent sila, ang wafu pa rin nila, waah! Lalo na si papa Tyler ang gwapo sheet! Makalaglag panty!" kinikilig na sabi nito, napataas naman ang kilay ko, duh! Sinong gwapo? Eh mas gwapo pa yung pangit kong pinsan jan na si James eh tsk..

" pagpasensyahan mo na sya, ganyan lang talaga yan kalandi" hinging paumanhin naman ni michelle kaya tumango ako....

" talagang malandi!" napalingon kami nang may biglang boses palaka na sumingit sa usapan...

At sa paglingon kong iyon ay sumalubong sa akin ang apat na clown, bakit clown? Well kapal nang make up eh, tapos parang pok pok din ang damit, hmm.. mag donate kaya ako nang mga damit? Baka namumulubi na sila eh..

She's the Boss [COMPLETED]Where stories live. Discover now