Napasunod na lang ako ng tingin kay Mama nang lumakad na siya paalis. Ako naman ay sinubo na ang huling parte ng sandwich ko at saka lumagok ng juice.

“Alis na rin ako, Maria,” paalam ko. Huminto na sa paggawa ng sandwich si Maria at napaangat ng tingin sa akin.

“Okay. Keep safe, Anza,” aniya sabay ngiti.

I just nodded at her before I stormed out of our house. Saktong pagkalabas ko, dumating din ang kotse nina Caes. Lumapit na kaagad ako at diretsong pumasok sa backseat.

“Let's go!” sabi ko pagkaupo ko. Napansin kong may katabi ako kaya napatingin ako sa gilid ko.

I was a bit surprised when I saw Zeigmund with a straight face, looking ahead, while his arms were crossed over his chest. Bakit naman nakasimangot ang isang ito kahit ang aga-aga pa?

Napakurap ako nang dalawang beses nang balingan niya ako ng tingin. “What?”

Mahina akong natawa. “May dalaw ka, 'no?”

He clicked his tongue and didn't respond to my joke. He shifted in his seat instead at iniwas ang tingin. Napanguso na lang ako.

--

“A PLEASANT DAY to each and everyone!”

Napaangat kaagad ako ng tingin sa taas nang marinig ang pamilyar na boses na nag-echo sa buong lugar. The familiar large hologram appeared in the skies and holograpic image of Mr. Siarez appeared at the same time.

“Ugh, I so hate this!” maktol ni Caesonia habang sinasaksak ang plastic na kutsara sa strawberry-flavored ice cream niyang nag-melt na. “Paulit-ulit lang naman ang sinasabi niya tuwing anniversary ng Grand Ships. Sa halos labing-walong taon ko sa mundong ito, memorized ko na ang sinasabi niya!”

Mahina akong natawa. “Ang init ng dugo mo ngayon. Mabuti pa kainin mo na 'yang ice cream mo para malamigan ang utak mo.”

She glared at me. “Hmmp!” Padabog na nag-scoop siya ng ice cream at saka isinubo. Mas lalo lang siyang napasimangot dahil na-realize niyang nag-melt na ang ice cream niya.

We stayed there for a while to listen to what Mr. Siarez was saying over the large hologram. Hindi rin naman kasi mabubuksan ang gates unless matapos na ang speech niya.

Noong natapos na nga, pinagmasdan ko ang dahan-dahang pagbaba ng mga bridges na kokonekta sa bawat ships. Hanggang ngayon namamangha pa rin ako rito.

When everyone started lining up to walk, sumabay na kami. Since ang nasa malapit ko ay si Zeig, sa kaniya kaagad ako napahawak noong may aksidenteng nakabangga sa balikat ko at muntikan na akong mabuwal. Good thing he has fast reflexes dahil nahawakan niya kaagad ako.

Ang mga Grang Ship na hindi pa namin nagpuntahan ay pinuntahan na namin for the first time. Doon naman sa mga binalikan namin, hindi kami na-bore dahil may ibang pakulo na naman sila na iba sa mga dumaang taon.

“Oh! It's lunch time na pala,” biglang sabi ni Caesonia habang naglalakad kami papunta sa kasunod na Grand Ship. Napahinto kami at napalingon sa kaniya. “Should we eat first?”

Tumango si Zeigmund. “Yeah. Hindi ako nakapag-breakfast ngayon dahil ang aga ninyong nagpunta sa bahay.”

Oh. Maybe that's why he was grumpy earlier inside the car.

“Ako rin, gutom na ako,” segunda naman ni Reivohr sabay hawak sa tiyan niya.

“Okay!” Caesonia clasped her hands together. “Dito muna kayo, Zeig and Anza. Maghahanap lang kami ni Reivohr ng restaurant—”

Beyond the Boundary | ✓ Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon