Chapter 16

9.3K 222 13
                                    

"Tara na, Hector!" excited kong sambit habang hila-hila ang kamay niya. Ilang araw kaming nalagi sa loob ng hotel kaya we need to enjoy while we are here. Ilang araw na lang at aalis na kami dito.

I am wearing a white bathrobe, syempre nasa loob ang swimsuit ko dahil hindi na naman niya ako papayagang magsuot ng ganitong damit.

Huminto kami harap ng hotel. Madaming tao ang nasa paligid, tawanan ang naririnig ko maliban sa agos ng malinaw na tubig. Binitawan ko ang kamay niya.

"Maliligo na tayo? Gusto ko sanang mag scuba diving," sambit ko sa kaniya.

Nakatingin lang siya sa'kin, hinihintay niya na namang bumaba ang bathrobe na suot ko para usisain ang damit ko panloob.

"Hector, umayos ka!" naiinis kong sabi sa kaniya. Hindi siya nagsasalita.

Tumaas ang isang kilay niya, "Don't take that off, Eli. I am warning you," sabi niya na may diin. Pumuot ako hinubad ang shades na suot ko. He is wearing his open button polo.

"No way! Alangan namang magsuot ako ng pajama dito!" kumunot ang noo ko habang nagmamaktol. Nakakainis. Gusto ko lang naman mag-enjoy. Ano ang sense nitong binili kong bikini?

"Sa shower na lang tayo maligo, Eli," aya niya sa'kin. Sinamaan ko siya ng tingin at tinulak ang katawan niya.

"Ilang araw na kaya tayong naliligo do'n!" matigas kong tugon. Hindi mawala ang inis ko. Hindi ko man lang maayos ng tuwid ang kilay kong bumabaluktot.

He hold my hand. Dinala niya ito sa bibig niya at hinalikan. Hindi ako makatingin sa kaniya.

"Hey, don't be mad. I don't want anyone to look at your damn sexy body, Eli!" sagot niya sa'kin sabay hila papalapit sa matigas niyang katawan. Niyakap niya ako ng mahigpit at ilang ulit pinatakan ng halik ang ulo ko.

"Nagpunta tayo dito para mag-beach, Hector! Hindi para maligo sa loob mg banyo." Umikot ang mga mata ko sa kaniya. Hinaplos niya ang mahaba kong buhok. Ilang ulit kong narinig ang buntong-hininga niya bago niya niya kinalas ang pagkakayakap sa'kin.

He cupped my face and look at me straight in my eyes, "Sige na nga," sambit niya. Lumiwanag ang mukha ko dahil sa sinabi niya. Dahan-dahan na umangat ang gilid ng bibig ko para sa isang ngisi, "But!" biglang nawala ang ngiti ko. Bakit may pero pa? "You need to wear my polo," pangunguntrata niya.

I sighed loudly and nods on him, "Not bad. Bigay mo n---" nanlaki ang mga mata ko ng lumapat ang mga labi niya sa labi ko. My heart pumped loudly.

His lips moved, I kissed him back. Napapikit ako para namnamin ang paghahalikan namin ng biglang may nagsalita.

"Mom, he is eating the woman's mouth!" a boy shouted.

Agad na bumitaw si Hector sa'kin. Namumula ang mukha kong lumingon kung nasaan ang bata hinila na pala siya ng mommy niya papalayo habang tinatakpan ang mga mata.

Napatingin ako kay Hector at hindi napigilang tumawa, "Kasalanan mo 'yon! Don't kiss me in public dahil madami ang nakakakita sa'tin," sabi ko sa kaniya.

Tinaas niya lang ang dalawang kilay niya at humirit pa ng isang halik. Kinagat niya ang ibabang labi niya na namumula.

"Ewan ko sa'yo, Hector!" asik ko.

He laughed loudly, kumibot ang adams apple niya, "I love licking your lips, Eli," sabi niya. Lalong namula ang pisngi ko. Dahan-dahan niyang hinubad ang suot na kulay luntiang polo. His hot body is slowly showing. Ang sexy niya talaga, "You're drooling," bulong niya.

I Fell In Love With The Hot Maid(COMPLETED✔) Where stories live. Discover now