IKALAWA

2 0 0
                                    

Pagkatapos magusap nila astrea kasama ang kaniyang magulang nagising ang kambal. Bumaba sila at binati ng magandang umaga ang bawat isa.

"Mommy!  Goodmorning ma" sabat ng kaniyang prinsesa habang kinikiss siya sa kaniyang pisngi.

"Goodmorning mom" bati din sa kaniya ng nakatatandang anak at ng kaniyang prinsipe.

"Goodmorning sa inyo mga anghel ko tayo na't kumain ng almusal para naman makaligo na kayo" sabi niya at sabay sabay na silang magiinang kumain kasabay ng kaniyang mamang at papang.

Habang nagkakasiyahan sa hapag. Narinig nila ang komosyon sa labas. Nagprisinta na si astrea na siya na lamang titingin kung ano bang nangyayare sa labas.

"Ate miling, ano pong nangyayari? " tanong niya sa ate miling na siyang may ari sa bahay na kanilang inuupahan.

"Kinakailangan daw idemolish ang ating lugar dito sa baryo. Babayaran nalamang daw nils tayo. At ano sila sinuswerte na papayag tayo basta basta?  Aba hindi naman tama iyon para ano?  Para patayuan ng matataas na building para sa kanilang gusto hindi papayag ang mga tao dito kaya nagkakagulo" ano? hindi maaari. Andito ang aming buhay. Hindi nila kami maaaring paalisin ng basta basta nalang.

"Sino ho bang mga walang hiya ang may pasimuno ng ganitong gulo?"

"Sino paba?  Edi yung pamilyang galing sa maynila. Yung may kapit kay mayor." What?  Sila na naman?  Hindi talaga sila titigil ano? 

"Kailangan namin ng tulong ni Lucas aba't siya ang maaasahan pagdating sa ganito hala sige't sabihan mona ang iyong ama. May pagpupulong mamaya kasama ang mga montenegro para dito sa lupa" Pagkatapos Kong magpaalam kay aling miling ay agad na akong umuwi sa amin.

"Mang?  Pang?  Ang mga bata? " tanong ko sakanila dahil wala na ang mga bata sa baba

"Tapos na silang mag-agahan anak, pinaakyat muna namin sila sa kanilang kwarto para maglaro muna" saad ni mamang.

"Pang, hanap kayo ni aling miling. Ang pamilyang Montenegro daw ninanais na kunin ang lugar natin para tayuan ng project nila. Babayaran nalamang daw tayo para makahanap ng bagong titirahan"

"Alam kona yan. At lahat ng tao dito hindi papayag. Paliguin mo muna ang mga anak mo at patulugin para tayo'y makapagusap sa labas kasama ang ibang kababayan" tama si papang. Paliliguan ko muna ang mga anak ko. Ngunit bago Pa ako makatalikod tinawag akong muli ni papang.

"May gusto lamang akong malaman. Kahit hindi tayo nagkakaunawaan noon alam mo namang mahal kita anak ko hindi ba? " tanong niya na labis nakahaplos ng puso ko. Ngayon na lamang ulit kami nakapagusap ng papang sa ganitong paraan.

"Pinatatawad na ho ba ninyo ako papang? " maluha luhang tanong ko sa ama.

"Kailan ba kita natiis?  Kahit ganon ang kinalabasan mo sa maynila, prinsesa padin kita. Kaya hindi kita kayang tiisin." Niyakap ako ng papang pagkatapos ng ating napagusapan. Masaya ako na napatawad na niya ako at okay na kami. Although okay naman kami talaga pero may awkward pag nagkakausap ngayon wala na.

"Hala etong magama na ito kayo nga ay tumigil na at magpapaligo Pa ng kambal etong si miranna. Ano bang balak mong itanong Lucas? " saad ni mamang kay papang. Nagpahid nadin ako ng luha at humarap kay papang.

"Pang?"

"Ang mga montenegro." Anong meron?

"Ano Hong meron sa kanila? "

"Nasa kanila ang ama ng kambal tama ba ako?" Tila parang napipi si astrea dahil sa tanong ng ama. Hindi niya alam kung papaano magsisimula magkwento ng hindi siya nasasaktan.

THE WILL OF THE WIND (Montenegro series 1)حيث تعيش القصص. اكتشف الآن