UNA

1 0 0
                                    

“ Zayden Aksel Dy, ano na namang ginawa mo sa kambal mo? Why is she crying?” Tanong ko sa apat na taong gulang kong anak na lalaki.

“ Mama, i didn’t do anything ang kulit kasi nya. Why don’t you ask her instead?” aba, etong batang to talaga. Hindi ko naman ugaling magsungit pero ganun nalang ang sungit ng isang to.

“ What did you do to your kuya zay, Aisla Minerva Dy? “ tanong ko naman sa kakambal ni zay na si aisla. Mas nauna kong ipanganak si zay kaya sya ang kuya. At kapag binanggit kona ng buo ang kanilang pangalan, alam na nilang i’m serious.

“I just want kuya to focus his attention on me mama. Lagi kang wala kasi sabi mo work work ka muna, wowa naman laging busy sa paglalaba at pagbebenta ng kankanin, si wowo naman gabi na kung umuwi para may makain tayo. Gusto ko lang ng may kabonding mama”
maluha luhang sagot ng junakis ko. Oh my poor baby, magsasalita na sana ako pero laking gulat ko ng tumayo ang kuya zay nya at hinila si aisla sa kwarto naming magiina. I know what are they going to do. Maglalaro. Kung hindi ko lang sana kailangan magtrabaho, pipiliin kong nasa bahay para sa kanila kaso hindi pwede. Hindi kami makakakain kung hindi ako kakayod.

Pinunasan ko ang luhang tumulo sa mata ko at akmang papasok na sa kwarto namin ng marinig kong magsalita ang nanay.

“Nak, ayos kalang?” si mamang ang laging nandyan kada maiiyak ako. Mula kasi ng umuwi ako dito sa cebu, hindi ako kinakausap ni papang. Umuwi ka ba namang buntis at walang kinikilalang ama matutuwa kaya ang magulang mo non? Pumunta ako ng maynila para magaral pero anong sinukli ko? Pero kahit na ganon, sapat na sakin na mahal ng papang ang kambal.  Kaswal naman kami ni papang sa isat isa at Lagi niyang nilalaro ang kambal kapag may oras sya pagbalik sa pagsisibak ng kahoy kila mayor. Kailangan naming kumayod para may makain kami sa araw araw, besides, dipa kami tapos magbayad ng utang sa ospital nung nanganak ako at pambayad din dito sa maliit na apartment na naupahan namin.

“ Oo naman ma. Kaya ko pa po wag po kayong magalala”

“ Mahirap magpalaki ng anak astrea. Lalo na kambal pa. Wala tayong pera para mabigay ang gusto nila pero gusto ko lang sabihin sayo na kaya natin to maliwanag ba anak?” that’s my mother indeed.

“Yes ma, salamat” nagpaalam nako kay mamang dahil kailangan ko pang magtrabaho sa convenience store sa kabilang baryo. Sila na muna ni papang ang bahala sa kambal.

“Uy, astrea, nabalitaan mo ba? May dayo daw dito sa cebu, pamilyang malakas  ang impluwensya daw eh ewan ko kung anong apilido, pero bilyonaryo” huh? Minsan lang may pumuntang mayayamang angkan dito sa cebu, sa loob ng limang taong pamamalagi ko dito, wala pa anamn akong naencounter na ganon.

“Talaga? Eh hayaan mo sila tayo na’t magtrabaho.”

Lumabas na ako pagkatapos kong magpalit ng damit at pumwesto na sa cashier, night shift ako ngayon kaya kailangan kong maghanda para hindi ako antukin. Nagaayos ako ng kape sa likod ko ng may magsalita kung magkano daw ang bill nya

“Miss, this one, take out ha? Pakibilis nadin salamat.” Humarap ako at para akong naestatwa sa nakita. No ther than Zayleigh Adria Montenegro. His twin sister.

“Miss? Are you okay?” napa snap sya sa harapan ko at doon ako natauhan.
“ yes mam, 2,500 pesos po” sabi ko habang nilalagay na sa plastik ang binili niya.

“I received  exactly 2, 500 pesos thankyou po mam “ sabay abot sa kaniya ng plastik na pinamili niya. Tumalikod na siya at tatalikod nadin sana ako ng magsalita siya

“Hello, zyrick? Ah yes papauwi na ako. Yes, nandyan nadin ba si kuya zaedyn? Yah coming gotta go bye” at tuluyan na siyang umalis. Hindi ko alam kung anong ginagawa nila dito pero hindi ko gusto na malapit sila sa amin.

“ Uy astrea, sila yon. Sila yung pamilyang sinasabi ko sayo na dayo dito sa bayan, balita ko mananatili sila dito hanggang isang buwan. “ w-what?

“S-saan mo naman napulot yan?” tanong ko sa kaniya pero knowing her, dakilang chismosa yan. Alam ko namang lahat ng nasasagap niya eh totoo.

“ Kila dylan mismo eh diba apo ni mayor yon. Kumpleto daw ang maganak na yan na galing maynila. Ang sabi sabi, si Mr. Montenegro daw ang may gusto na manatili muna  dito. Pero yung mga anak walang balak pero no choice” umalis na si sally matapos niya masabi yan. Kailangan naming magtrabaho para makauwi na ako sa mga anak ko bukas ng umaga.

MONTENEGRO’S MANSION

“ Mabuti naman kumpadre at naisipan ninyong magbakasyon muna dito sa amin sa cebu? Hindi kayo magdadalawang isip sa ganda ng lugar na ito” pagbibida ng nagiisang mayor del valle ng cebu. Habang naguusap ang mga matatanda nasa isang sulok at kumakain ng nakahandang dessert ang magkakapatid na montenegro

“Hoy, ate tulala ka na naman dyan?" Tanong ng nakakabatang si zyrick sa ate nyang si zayleigh habang may malalim na iniisip

“I forgot my wallet. My credit card, id, and etc are all their! I think naiwan ko siya sa convenience store sa kabilang bayan.”

“Balikan mo nalang bukas sasamahan ka namin ni kuya. Right kuya? Kesa sa magmukmok ka dyan “ tawa ng bunsong montenegro.

“Yeah, you know what the cashier girl actually she looked familiar to me. And i saw her name tag. Miranna” napatigil sa pagnguya ang panganay na montenegro. Tila nagbara ang lalamunan sa pangalang narinig

“Are you okay kuya zae?” tanong ni zayleigh habang hinihimas ang likurang abhagi nito

“I'm okay” sagot ng binata at hindi na nagsalita pa.

Maya maya may komosyong naganap sa garden ng mga montenegro. Hindi sinasadyang natapunan ng mamahaling wine ng isang hardinero ni mayor ang asawa ni mr montenegro na si cassandra

“ P-pasensya na h-ho mam, h-hindi ko ho sinasadya” nakaluhod na pagmamakaawa ng hardinero sa magasawang montemayor. Wala ng nagawa ang magkakapatid na montenegro at lumapit sa lugar na pinangyarihan. Nakita nila ang kasing edaran ng kanilang daddy ang isang hardinero na stupidong nagtapon ang alak sa mamahaling soot ng kanilang ina.

“It’s okay. I’ll just change” sabi ng asawang montemayor at umikot papunta sa kabahayan para magpalit.

Natahimik ang lahat ng basta na lamang sinabuyan ni zayleigh ng alak ang hardinerong nagngangalang Lucas altamirano dy. Hindi naman kaagad nakagap ang matanda sa ginawa ng babae at basta na lamang nagyuko ng ulo. Bukod sa makapangyarihan ang pamilyang ito, nandito din ang kanilang mayor at mukhang maganda ang pagsasama nila ng pamilya kaya’t pinili na lamang niyang huwag ng umimik.

“How dare you, ang lampa lampa mo kasi, dapat sayo tinatanggalan ng trabaho” sabay tingin sa mayor ng cebu nagulat nalang si lucas ng biglang magsalita ang nakatatandang anak ng montenegro.

“Fire him, mayor” at laking gulat niya sa sinaad ng binata. Ngunit wala na siyang nagawa ng bigla na lamang syang tignan ng mayor na sinasabing wala na itong magagawa pa.

“Such an idiot. Ma how are u?" Tanong ni zayleigh ng makitang papalapit na sa kanila ang ina pagkatapos magpalit ng damit.

“I’m fine. Let’s go inside?” at pumasok na silang lahat sa mansion ng mga montenegro.

Papalapit na sa bahay si astrea ng makita niyang malungkot ang kaniyang mamang at papang. Maguumaga na at pasado ala singko na ng umaga siya nakauwi sa kanilang tirahan.

“Mang, pang, ano hong problema?” saad ni astrea pagkatapos magmano sa mga magulang.

“Wala na akong trabaho. Nasisante ako ni mayor ng di sinasadyang natapunan ko ng alak si mrs. Montenegro” w-what?

“Pang, ano hong sabi nyo? Mrs montenegro ba kamo?" baka namamali lang ako ng dinig

“Oo anak, sa mansyon nila kami naka assign kanina.”
Biglang nabuhayan ng galit si astrea ng marinig ang sinabi ng papang. Hindi lang pala kampon ni satanas ang pagkaugali ng pamilyang yon. Lalo syang nagalit ng banggitin ng ina na sinabuyan pa ng alak ang muka ng kaniyang ama. Ang mga walangyang pamilyang yon. Galit na galit ang nararamdaman ni astrea sa pangayayaring naganap.

Hindi niya lubos maisip na kung ang kuya nga eh mala satanas ang ugali ano pa kaya ang sumunod. Angkan ba nang mga walang puso ang ama ng mga anak nya?

THE WILL OF THE WIND (Montenegro series 1)Where stories live. Discover now