CHAPTER 42

15.6K 442 213
                                    

"Selene and I have no relationship. I never loved her and never said the words that were solely for my wife. Hindi ko siya papatulan kahit maghubad pa siya sa aking harapan. I only have one woman that I desired and crazily and obsessively loved the most. And that was my freakin' wife. She's Hillorah Ylza Syquia–Suldico. No one could replace her in my heart, because without her, I'd die. So, don't fucking question my love for my wife because none of you knew how to love a man or a woman as much as I loved her. You cannot fucking do that except me. Except a fucking Suldico."

Iyon ang mga sinabi ni Hope sa press. Pagkatapos niyon ay naglabas pa siya ng clear statement. After that, nawala na lahat ng article na pinagkakalat ni Selene. Even her social media accounts with millions of followers were deleted. Hindi na rin siya mahagilap. Sira na ang reputasyon niya sa showbiz. And no one ever dared to mention her name. She was literally forgotten as if she didn't exist inthe first place.

"Anong nangyari d'yan?!" gulat kong tanong pagkabukas ng pinto ng condo ko. Kaagapay ni David si Hope na sobrang lasing.

"Uminom. Ayan medyo nalasing."

Anong medyo?! Eh, halos hindi na nga makatayo! "Eh, bakit dito mo dinala? May bahay naman siya."

"Nakakarindi. Puro 'Lorah', 'Love'. Mahiya naman kayo sa single. Wala pa nga akong girlfriend kayo maghihiwalay na. Respeto naman."

"Huy. David, hindi ako nakikipagbiruan. Iuwi mo 'yan sa bahay niya."

"Boss, narinig mo 'yon? Nandito na tayo. Welcome ka raw."

Biglang tumayo nang tuwid si Hope pagkarinig. His eyes were drunk; soft and gentle.

"Love, I'm sorry. Forgive me. I love you..." aniya sa'kin bago yumakap. "Patawarin mo na ako, Lorah." Hindi naman siya nagmamakaawa. More on nag-de-demand si Hope.

"Hope, ang bigat mo!"

"Sige. Una na ako," paaam ni David. Tinapik niya pa sa balikat ang amo niya bago taas noo na naglakad paalis.

"David!"

"May date pa ako. Give me a break!" naglalakad niyang sigaw bago pumasok sa elevator. He grinned before he waved his hand and the elevator closed.

Left with no choice, inakay ko si Hope papasok. Nakakainis! Pinahiga ko siya sa sofa. Hinihingal ako nang tuluyan siyang nakahiga.

"Love..." sambit niya habang nakapikit ang mga mata. "I love you so much... Lorah..."

"Akala ko ba busy ka sa negosyo mo? Pero bakit ka nagpakalasing?"

"Because I love you..." Ngumisi siya kahit nakapikit. Inayos ko ang suot kong roba na lumuwag dahil sa pag-akay sa kaniya. I then walked to the kitchen and got him a glass of cold water.

Bumalik ako sa sala at binaba ang baso. Nagbuntong hininga muna ako bago tinanggal ang sapatos niya. He's still wearing his executive attire. Kahit mahirap ay tinanggal ko ang coat at slacks niya.

"Hope, if you wanted to drink water, nandito lang sa mesa." Pinalakasan ko ang aircon bago umakyat sa kuwarto.

Bahala siya sa buhay niya!

Tinanggal ko ang suot na roba at pinatong iyon sa furry chair. I then continued putting moisturizer on my body dahil naudlot iyon kanina sa sunud-sunod na doorbell ni David.

Nang natapos ay pinatay ko ang ilaw at humiga na upang matulog. It didn't take half an hour before I heard the door opened. I turned to the side to see who came in, through the lampshade, I saw Hope entered.

Walang hiya siyang naghubad sa aking harap saka pumasok sa banyo. Seconds passed, I heard the purling sounds of the water.

Galing, ah? Parang hindi lasing.

Hidden ObsessionWhere stories live. Discover now