Pinatay ko na lahat ng ilaw saka umakyat sa 'taas. Hanggang ngayon ay hindi pa rin fully buo ang tiwala ko kay Hope. And I needed to think clear because my mind was running wild again with all those words that Selene said.

Ayokong pabigla-bigla dahil lang sa nararamdaman ko. I had to muse around and think. Dahil gusto ko naman talaga bigyan ng chance ang marriage namin, pero kinakain ako ng anxiety at mga tanong. I didn't know I was an over thinker until Hope happened...

Maaga ako sa airport kinabukasan. Parang hindi naman kasi ako nakatulog. Alam mo 'yong tulog ang katawan mo, nakapikit ang mga mata, pero 'yong isip ay active? Ganoon ang pakiramdan kaya parang puyat ako sa paggising. Sa Hong Kong ang unang destination first flight in the morning tapos sa Singapore bago uuwi pabalik sa Pilipinas. Buong araw iyon.

We're halfway on our flight going back to the Philippines when the pilot made an warning announcement to us crew.

"Good evening, ladies and gentlemen. Are you all sleepy?Easy victor..." kalmanteng anunsyo ni Captain Johnson sa huling dalawang salita. Kami naman ay kalmanteng sumunod. It was a warning for us crew to evacuate without alarming the pax.

Kanina ko pa napansin na mayroong mali sa plane. But I needed to keep calm.

Nagpakiramdaman kaming mga crew habang hindi pinapahalata sa mga passenger ang nangyari. Nagkaroon ng engine failure ang plane hanggang sa kailangan nang i-announce ang nangyari. As expected ay nagpanic ang iilan. But mostly, they remained calm. Mga negosyante nga sila. Calm under pressure.

By now ay dapat naka-landing na kami. Pero dahil nga may engine failure ay nanatili pa kami sa ere ng ilang minuto. The aircraft needed to be forced landing.

Nag-anunsyo ang piloto sa dapat naming gawin habang naghahanap ng malapit na landing area na pwedeng babaan.

Bahagyang nauga ang plane kaya nag-panic ang ibang pax. Kami naman ay pilit silang pinapakalma. The pilot blinked the 'No Smoking Sign'. Ibig-sabihin ay nakahanap na ng aerodrome at mag-la-land na kami.

We only had 90 seconds to evacuate the plane after landing. Kaya naman nang nag-landing ang eroplano ay agad naming in-assist ang mga passengers na bumaba kahit na nabagok pa ang ulo ko sa bakal pagkalapag.

Nagkatulakan ang iba at kaming mga flight attendants ay naipit. Binuksan ang emergency exit door at inalalayan namin ang mga tao at hindi na inisip ang mga sarili namin.

"Flight attendants, evacuate the area. Now."

The fire alarm was now blinking. And usually, kapag ganito na ay posibleng may pagsabog na magaganap.

"Hillorah, let's go!"

Kabado ako pero kailangan naming kumalma. Mabuti na lang at immune na ako sa takot kay Hope. Basic na lang ito sa akin.

Nang pababa na ako ay biglang mayroon akong narinig na iyak ng bata.

"Mommy!"

Huminto ako at lumingon upang lalong marinig ang boses.

"Hillorah, let's go!" anyaya sa'kin ng mga kasama ko pero wala sa kanila ang aking isip. Nasa iyak ng batang babae.

"Hillorah!" they called me when I went back inside. Lahat sila ay nag-alala na sa'kin. But I couldn't go down knowing that there was someone trapped inside. Especially if that someone was a child!

"Mommy!"

Hinanap ko ang pinanggalingan ng boses at nakita ang batang babae na umiiyak habang yakap ang mommy niyang walang malay at may sugat sa noo.

Agad akong dumalo at pinulsuhan ang ginang. Thank God she still had the pulse. Nahimatay lang siguro dahil sa pagbagok. Umiiyak pa rin ang bata at hindi ako makakakilos nang maayos kapag ganitong hati ang akinv isipan. Sa pagtulong sa ginang at sa pag-alo sa bata.

Hidden ObsessionHikayelerin yaşadığı yer. Şimdi keşfedin