Mga kalukuhan talaga nila.

"Where have you been?!"

Nagulat naman ako ng pagkapasok na pagkapasok ko sa loob ay may nagsalita sa harapan ko. Inangat ko naman ang tingin ko dito matapos mahubad ang sapatos ko at sinagot siya sa tanong niya.

"Sa labas lang ho." Magalang kong sabi sa kanya. Nakita ko naman ito na napaikot ng mata na ikinataka ko. Weird. Saad ko pa sa aking isip.

"Tss, can you please stop that term PO nerdy? Aware ka naman siguro diba na magka edad lang tayo tsk." Eh?Ba't parang galit siya? At teka sa pagkakaalam ko kasi 18 na siya since yan ang sinabi sa akin ni Jamie nung time na ipinaliwanag niya sila sa akin nung panahon na yun.

"Po?Ay Miss Astrid pala." Kamot ulo kong sabi. Ewan ko ba. Pagdating talaga sa kanya palagi akong tiklop. Eh pano ba naman kasi ang sama niya lagi kung makatingin hmpf!

"Tss anyways, puntahan mo muna ang kapatid mo sa loob dahil kanina ka pa nun hinahanap. Lalabas lang ako." Bago paman ako makapagsalita ay nakalabas na siya habang ako naman ay umiling-iling nalang.

Attitude talaga.

Pumasok naman ako sa loob agad ng kwarto at doon ko nakita ang kapatid ko na nakahiga habang may hawak na iPad! Teka huwag niyang sabihin na dinikwat niya to?! Aba't.

"Huy Ate ano na naman ba ang iniisip mo diyan?! Kanina pa kaya kita tinatawag." Nagising naman ako mula sa pagkatulala ng sinigawan na ako ng paslit. P-pero ano daw?

"Anong sabi mo? At teka nga sa'n mo na naman yan dinikwat huh?!" Saad ko sa kanya ng nakapamewang habang nakaturo dun sa ipad na hawak-hawak niya. Taka naman niya akong tinignan bago ang ipad at nagpalipat-lipat na ang tingin niya sa amin na akala mo ay magkamukha kaming dalawa nung ipad niya.

Siraulo talaga tong batang to.

"Kay Ate Ganda to Ate at teka nga-anong sabi mong dinikwat?Anong ibig sabihin nun?!" Kay Miss Astrid? Ba't niya naman pinahiram sa kapatid ko yan? Pero sabagay close na nga pala sila.

Napakamot naman ako sa ulo ko bago naglakad papalapit sa kanya kung saan siya nakahiga hanggang ngayon at don umupo.

"Wala yun bunsoy. Kumain ka na ba?Gusto mo magluto si Ate ng hotdog?" Tanong ko sa kanya. May laman kasi ang ref nila dito na iba't-ibang klaseng pagkain. Sosyal nga eh. Samantalang sa amin wala kaming ref.

"Tapos na ako Ate at nakapagluto na si Ate Ganda kanina pagkarating niya tignan mo nalang dun sa kusina. May ibinilin kasi siya para sa'yo eh." Nanlaki naman ang mata ko sa sinabi niya at ito nanaman ang puso ko. Bumibilis na naman ang pagtibok.

Jusko ka Raine may sakit ka na yata.

"Huy Ate anyari sa'yo?!" Nagulat naman ako ng tapikin ako sa pisngi ng kapatid ko na nagpa balik sa akin sa malalim na pag-iisip sa ikalawang pagkakataon.

Bahagya ko naman hinawakan ang dibdib ko bago siya sinagot at tarantang tumayo.

"W-wala ahh ano kakain lang muna ako bunsoy. Diyan ka lang ahh!" Saad ko sa kanya at mabilis na pumunta sa kusina at agad na uminom ng malamig ng tubig. Inisang lagok ko naman ito dahilan para mabilaukan ako.

Bwesit malamig pala!

Huminga naman ako ng malalim bago sumandal sa sink ng lababo at naghalumbaba habang nakahawak sa dibdib ko.

Suddenly, bigla ko na naman naalala yung araw na nagpunta siya sa bahay namin nung time na nasira ang sasakyan niya at sunod nun ay ang kauna-unahang pagngiti niya sa akin na ikinatulala ko ng bahagya. At ang huli nung time na hinalikan niya ako sa may pisngi nung nasa gate kami ng school at doon bigla kung naramdaman ang pagbilis ng tibok sa puso ko.

Naisip ko. Nagsimula lang naman kasi to nung palagi niya nalang akong nilalapitan eh at doon ko na nafefeel itong weirdo kong pakiramdam sa tuwing lalapit siya, magsasalita at tumatawa. Ang weird lang, pero sa mga simple gestures, kasi niya ay natutulala ako na parang tanga hays. Sana naman mali ang iniisip ko diba?! Shit! Sana naman hindi yun at sana mali ang nasa isip ko. Kaya napag isip-isip ko na hanggat maaari ay siguro iiwasan ko muna siya kahit na mahirap.

Para sa feelings ko na'to at kung sakali man na makayanan ko ay dito ko malalaman na.

"GUSTO KO NA NGA BA SIYA?"

"Gusto?Who?!"

Nagulat naman ako sa biglang sumigaw sa likod ko at dahan-dahang napalingon sa taong masama ang tingin na may kasamang pagsalubong ng kilay na ikinalunok ko. At nung naproseso sa utak ko, yung sinabi ko ay napahawak nalang ako sa bunganga ko at napatampal nalang sa bibig ko.

Tanga ka Raine ayan lagot ka ngayon huhu.

Astrid Monteverde (Bitch Series #1) ✔️Where stories live. Discover now