"Tawagan mo lang ako kung kailangan mo ng tulong.." Paalala ni Avril sa akin.
"Oo.. salamat.. sige na, magpahinga ka na! Pakiramdam ko doble ang pagod mo dahil nabawasan ka ng kasama sa pizzahouse," Ani ko na ikinatawa naman niya.
Ibinaba na rin niya ang tawag katulas ng inutos ko sa kanya. Nagpasya na rin ako na bumalik na sa kwarto kaso tumunog ulit ang telephone kasabay ng tunog ng doorbell. I answered it immediately while walking towards the door. Ang ingay ng bungad ni Lauren sa akin kaya napakunot ang noo ko.
"Nandyan na si Walter sa labas. Silipin mo muna sa peephole. Basta naka cap na black at jacket na black." Aniya.
Sinunod ko siya at sinilip ang peephole. Nakita ko kaagad ang lalaki na halos kasingtangkaran niya. Malayo palang, alam ko nang gwapo kaya napangisi ako.
"Okay! Salamat!" I said and ended the call to open the door.
Ngumiti kaagad ako nang makaharap ang lalaki na tinawag ni Lauren na Walter. He looked at me with his cold-dark eyes before smiling a bit. Iniabot niya sa akin ang paper bag na katulad ulit ng paper bag na bigay ni Lauren sa akin noong isang araw.
"Ito yata 'yung pinapabili mo sa kanya.." Aniya nang tanggapin ko ang paper bag. "Pinapasabi niya rin na huwag mo raw susunugin 'yung unit niya dahil ikaw ang susunugin niya kapag nangyari 'yon." Humalakhak siya ng bahagya nang maisip ang sinabi niya.
Ang gwapo talaga niya pati na rin ng tawa niya. May pagka chinito siya kaya pakiramdam ko ay hindi siya pure filipino. He smiles genuine even with his cold eyes. That's something, huh. Pasok 'to sa crushes ko noong college.
"Pakisabi rin mauuna ko siyang sunugin bago niya pa ako sunugin. Saka salamat kamo dito," I told him.
He just simply nodded before stepping back. Ngumiti muli ako at nagdadalawang isip pa kung isasarado na ba ang pinto pero nagsalita ulit siya.
"Pasok ka na. Hindi ako aalis hangga't hindi mo nasasara 'yung pinto." He uttered.
My lips parted a bit but I just did what he asked. Isinarado ko ang pinto at kaagad na sinilip siya sa peephole. Totoo nga ang sinabi niya na aalis siya kapag naisara ko na ang pinto. Napangiti tuloy ulit ako.
Ano ba 'yan, Renee! Ang tanda mo na para sa crush crush na 'yan.
Maligaya akong nagtungo sa kwarto para makapagpahinga na. Since wala ng tawag si Lauren at natapos ko na ang lahat ng pinapagawa niya, nakapagsiesta na ako. Kinuha ko kaagad ang phone at earphones ko saka naki Wi-Fi para makanood ng K-drama sa free websites. 'Yun kasi ang madalas kong pagkaabalahan tuwing pagkatapos ng trabaho.
I watched some rom-com series at nag enjoy ako kakatawa doon. Nakailang episodes na ako nang makarinig muli ako ng doorbell. Kumunot ang noo ko dahil wala namang tawag si Lauren sa akin saka hindi naman siya uuwi ngayon. Idagdag pa na magmamadaling araw na kaya kinabahan ako.
I sighed heavily before I decided to go down and check it. Patay na ang lahat ng ilaw kaya inopen ko nalang ang flashlight ng phone ko para makakita sa dilim. Nagdoor bell pa ng dalawang beses hanggang sa makarating ako sa tapat ng pinto.
I didn't create any noise since I'm getting scared. Sinilip ko ang peephole at halos manlaki ang mata ko sa nakita.
Hindi na ako nagdalawang isip na buksan pa ang pinto para tulungan ang babaeng kasama ni Lauren para alalayan siya papasok. The woman in a black fitted dress searched for the switch to turn on the lights. Natigilan pa nga ako dahil parang alam na alam niya 'tong lugar pero nagpatuloy nalang rin para mailagay si Lauren sa sofa.
He smelled like alcohol and mint. He's probably drunk because he looked really wasted. Ang pula pula ng mukha niya at ang gulo gulo ng buhok niya. Idagdag pa 'yung tie niya na halos mahubad na.
"Helper ka niya dito?" Tanong ng babae sa akin nang sulyapan ako.
Nanliit ng bahagya ang mga mata ko habang kinikilala siya. She's a morena but her features are very foreign. Her hair is wavy and her body is in a very good proportion. Kung hindi ako nagkakamali, model ito ah? Pamilyar siya sa akin.
Hindi ko alam kung anong isasagot ko pero tumango nalang ako sa kanya. She nodded a bit before sitting beside Lauren who's already sleeping soundly.
"Nakita ko lang siya sa bar na lasing. Ihahatid ko sana sa bahay nila pero baka ayaw niya kaya dito ko nalang dinala." She explained briefly.
"Ah, akala ko nga hindi siya uuwi dito ngayon.." I trade off and gazed at her. "Girlfriend ka niya?" I asked curiously.
Kumunot ang noo niya at bahagyang natawa bago sya dahan dahang umiling.
"Kaibigan lang." She said and looked back at him.
There's something in her eyes that tells me otherwise. Hindi ako ganoon kagaling kumilatis ng tao pero alam kong may ibang ibig sabihin ang tingin niya na 'yon. Not in a sensual way but in something I think is deep.
Lauren moved a bit and forcingly opened his eyes. His brows furrowed like he's being blinded by the light but he managed to look at the woman beside him.
"Maureen.." He whispered.
Maureen?
"Lasing ka, tanga. Inuwi na kita." She simply said.
Kumunot lalo ang noo ni Lauren saka siya nagpumilit na bumangon. Tumayo siya at muntik nang ma-out of balance kung hindi lang siya nahigit nitong babae na 'to. Ang lakas niya kahit nakaheels siya, ah.
"Iaakyat na kita," Aniya kay Lauren.
I sighed and walked towards them to help her pero umiling siya dahil nakakapaglakad na naman si Lauren.
"Kaya niya na 'yan," Humalakhak siya saka sinundan si Lauren na pagewang gewang kung umakyat sa hagdan.
Ilang beses pa nga siyang natapilok habang inaalis ang neck tie niya at natatawa lang ang babaeng kasama niya habang sinusundan siya. They barely reached the second floor but the woman helped him. Siya na rin ang nagbukas ng pinto ng kwarto at hinayaang bukas 'yon.
Hindi na naman ako nagpasya pang sundan sila dahil privacy na nila 'yon. Nanatili lang ako sa may living room at hinintay na isara nila ang pinto para sana hindi ako makaabala kung sakali mang lalampas ako doon pero laking gulat ko nang bumaba rin ang babae.
She walked in a very elegant way down to stairs. She glanced at me and smiled a bit.
"Tulog na siya. Paki bigyan nalang ng vitamins bukas pagkagising. Tapos kapag narinig mong umiyak, hayaan mo, okay lang siya." Natatawa niyang bilin.
Kumunot ang noo ko.
"Bakit naman iiyak?"
She shrugged and took her purse that's on the sofa. "Ikaw ba, if you found out that.. in your case, boyfriend, is about to marry someone else, hindi ka ba iiyak at masasaktan?" She asked.
Her words processed in my mind slowly that I couldn't almost understand. Ngumiti siya ulit kaya mas lalong hindi na ako nakapag isip ka.
"Hayaan mo lang siyang umiyak," She added.
Huh? Mas lalo ko siyang hindi maintindihan. Mukhang napansin niya naman 'yon sa reaksyon ko kaya nagsalita ulit siya.
"Lilipas rin 'yan. Iiyak lang ngayon tapos bukas, okay na ulit 'yan." She said and made her way out of the room.
I pursed my lips at her words. It's as if she knew him too much and she understands whatever is going on him.. I wasn't able to keep her words on my mind because I was immediately distracted when I saw a ghost of pain in her eyes behind her smile.
YOU ARE READING
Why She Stayed | Why Series #1
Teen FictionRenee Montecillo was in a very difficult situation when she met Lauren Celeste. She had no choice and he was left with no clues either. He wanted to ask but she won't answer. That's just because. Nothing more and nothing less. And if there's a cause...
