Chapter 05
Drunk
Katulad ng sinabi niya, talagang sunod sunod nga ang tawag niya sa akin pagkaalis na pagkaalis niya palang. Ang dami dami niya kaagad inutos kaya halos hindi na ako nakapaghilamos habang ginagawa ang mga 'yon.
Hindi ko pa nga rin naaayos ang mga gamit ko sa guestroom, e! Akala ko pa naman medyo marami akong time ngayong araw pero mukhang aabutin ako ng maghapon sa dami niyang pinapagawa.
"Paki check sa laptop ko 'yung last project na inapprove ko. Paki email sa secretary ng kapatid ko." Aniya.
I sighed and nodded. Halos hindi ko na bitawan 'tong wireless telephone kahit hanggang sa pag ihi ko dahil maya't maya ang tawag niya.
"Paki ayos rin nung reports ng foundation. Nasa laptop ko rin." Utos niya pa bago niya ibaba ang tawag.
I jot down all the things I needed to do within the day. Syempre, inuna ko lahat ng trabaho niya bago ako nagsimula ng sa akin. Halos magtatanghali na nang natapos ako sa lahat ng pinapa e-mail niya kaya late na rin akong nakapaglunch.
Since wala naman akong pera pa dahil hindi niya pa ako sinuswelduhan, kumuha nalang muna ako ng pagkain sa stocks niya dito. Nagluto nalang ako ng hotdog para mabilis at madali lang lutuin. Nagsaing na rin ako ng kanin na tama na hanggang dinner ko. Bahala na siya sa pagkain niya mamaya. Kaya niya na 'yon.
"Pahingi akong pagkain, ha. Hindi mo pa ako binibigyan ng food allowance, e,"
I left a voice message for him before I continued eating. Saktong tapos ko, tumawag na naman siya kaya sinagot ko.
"Napakinggan mo voice mail ko?" Tanong ko. High-tech kasi 'yung telephone nila dito, e.
"Oo. Kumuha ka nalang ng pagkain d'yan. Hindi ka rin naman makakalabas para
bumili kaya bakit pa kita bibigyan ng allowance?" Tanong niya.
"Sabagay. May point ka. Pagusapan natin ang contract ko pag uwi mo dito." Sabi ko sa kanya.
"Okay. Na email mo na ba lahat ng sinabi ko?" Tanong niya.
"Yes, boss. Okay na. Ginawan ko na rin ng report 'yung sinabi mong urgent."
Medyo maingay sa kabilang linya kaya narealize ko na baka nga nag site visit siya. Feeling ko naman kasi, kung nasa opisina lang siya, hindi niya na ipapasa sa akin ang mga 'to unless tamad siya.
"Sige. Salamat." He said and ended the call.
I continued eating quickly so I could finally fix my things and myself. Naiisip ko pa nga na bumawi ng tulog dahil napuyat ako kagabi pero duda talaga ako dahil sa dami ng utos niya.
Mabilis kong inayos ang mga damit ko sa cabinet sa guestroom. Kasya naman lahat dahil spacious. Itinago ko rin ang mga unan at kumot na hindi ko naman magagamit dahil hindi hamak na mas malambot ang comfortable 'tong mga gamit dito sa kama 'no.
Wala na akong natanggap na tawag kay Lauren habang nag aayos ako ng gamit kaya nagpasya muna akong magpahinga. Nagising nalang ako nang pagabi na dahil nagring ulit ang telepono.
"Oh, bakit? Ano ipapagawa mo?" I asked immediately and stood up even when I feel a bit sleepy.
"Hindi ako uuwi d'yan mamaya." Aniya.
Kumunot ang noo ko. "Tapos?"
"Sinasabi ko lang." He said and dropped the call.
Parang tanga. Ano kaya 'yun?
"Okay.." I said and waited until he end the call but he didn't.
"Huwag kang lalabas d'yan. Hindi kita sagutin kapag nakulong ka." Aniya na parang tinatakot pa ako.
YOU ARE READING
Why She Stayed | Why Series #1
Teen FictionRenee Montecillo was in a very difficult situation when she met Lauren Celeste. She had no choice and he was left with no clues either. He wanted to ask but she won't answer. That's just because. Nothing more and nothing less. And if there's a cause...
