I chuckled, "Bakit naman ako lalabas, e, wala nga akong perang pambili ng kailangan ko?"
He hissed and sighed, "Ano bang kailangan mo?" Tanong niya.
I pouted a bit while thinking. "Pads. Kailangan ko ng pads dahil baka magkaroon na ako this week." I said.
Biglang tumahimik ang kabilang linya. Nag alinlangan pa ako dahil baka masyado namang awkward ang sinabi ko pero normal naman kasi 'yon. Saka may kapatid siyang babae. Dapat naiintindihan niya na ang ganitong bagay.
"Sige, bibili ako." Aniya.
Kumunot ang noo ko, "Akala ko ba hindi ka uuwi?" Tanong ko.
"Ipapadala ko d'yan. Tatawag nalang ako kapag nand'yan na." Aniya saka walang pasubaling inend ang tawag.
Kumunot pa lalo ang noo ko dahil doon pero lumabas na rin ako ng kwarto para kumain ng dinner. I also tried lurking on my social medias while eating at kaagad na pumasok doon ang message ni Avril.
Avril:
Kamusta ka na? Ayos ka lang ba dyan?
I sighed heavily. Nasabi ko naman sa kanya na may tutuluyan ako pero hindi ko na sinabi kung saan.
Me:
Oo. Okay lang naman. May naghahanap pa ba sa akin?
Hindi kaagad siya nagreply sa akin at nakatanggap nalang ako ng tawag mula sa kanya noong naghuhugas na ako ng mga ginamit ko sa pagluluto at pagkain.
"Huy, napatawag ka?" Bungad ko.
"Kamusta ka dyan?" Tanong niya.
I pursed my lips to avoid chuckling. Para ko talaga siyang nanay minsan kahit magkasing edad lang naman kami.
"Okay lang. Kakatapos ko lang kumain.." Paliwanag ko habang nagtutuyo ng kamay. Hinayaan ko nang naka loud speaker kasi wala naman akong ibang kasama dito ngyon.
"Nasaan ka ba kasi? Umuwi ka na ba?" Tanong niya.
"Hindi. Saan naman ako uuwi?" Natatawa kong tanong.
She clicked her tongue and I could imagine her being distraught of my answer kaya nagsalita ulit ako.
"Okay lang ako dito. May trabaho rin ako-"
"Anong trabaho? Huwag mo sabihing-"
"Te, desenteng trabaho 'to. Mukha ba akong papatol sa mga kumukuha sakin?" Halakhak ko.
Alam ko naman na nag-aalala siya dahil ilang beses na rin akong nalapitan sa pizzahouse para offeran ng ganoon. Wala naman akong problema sa ganoong klase ng trabaho pero para sa akin, hindi 'yon ang desenteng trabaho na naiisip kong kaya kong gawin. Hindi ko kayang makisama sa mga ibang tao kahit pa walang wala na ako. Nagkataon lang talaga na sinuwerte ako sa isang 'to.
"Nagtatanong lang naman.. baka kasi mamaya magdesisyon ka na naman nang hindi nag-iisip, e. Iniiwas lang kita sa ganoon." Aniya.
Napatango ako dahil naiintindihan ko siya. Baka nga isa 'yon sa ugali ko na ikinababahala niya. Basta basta na akong nagdedesisyon minsan kaya ako lang ang nahihirapan sa dulo.
"Hindi. Ayos na ako, Avril. 'Wag kang mag-alala, kapag nakaipon ako ng pambayad sa mga humahabol sa akin, ikaw ang una kong kikitain." Natatawa kong sabi kahit pa alam kong mahihirapan akong makaipon ng kalahating milyon.
Iniisip ko na lang magdoble ng trabaho kung kaya para mabilis mapunan at makalipat na rin ako ng bahay. Kaya nga kailangan rin namin pagusapan ni Lauren ang contract ng trabaho ko, e. Sayang lang dahil hindi siya makakauwi ngayon.
YOU ARE READING
Why She Stayed | Why Series #1
Teen FictionRenee Montecillo was in a very difficult situation when she met Lauren Celeste. She had no choice and he was left with no clues either. He wanted to ask but she won't answer. That's just because. Nothing more and nothing less. And if there's a cause...
