"Jersey..." pagtawag niya sa pangalan ko. "I talked to my mom."

Inabot ko iyong kamay niya at hinawakan nang mahigpit.

"Tell me what to do."

"Sinabi ba niya?"

"Not at first..." mahinang sabi niya. "But I showed her all the documents and evidence I gathered from the CCTV. It was all there. There was nowhere left to hide."

Hinigpitan ko ang hawak sa kamay niya.

"What do I do, Jersey?" mahinang tanong niya. "I have evidence... but I'm pretty certain they won't hold up in court. I tried to look for witness, but no one was willing to speak... And it's not like I could blame them. Look at what happened to Darius. They take life like it's a fucking game."

Nanatili kaming dalawang tahimik. Walang nagsasalita. Hindi alam kung ano ang gagawin. Ang hirap lumaban sa mga may kapangyarihan... Kasi sino ba naman kami? Kahit na mayaman si Nikolai... mas makapangyarihan iyong mga kalaban...

"Sa tingin ko kailangan nating kausapin si Kuya Jerry."

"Kuya Jerry?"

Tumango ako. "Iyong guard ng tatay mo."

"What? Why?"

"Kinausap niya ako dati, 'di ba? Binalaan niya ako tungkol sa pamilya mo. Sinabi niya sa akin na kung mahal ko ang buhay ko, dumikit lang ako palagi sa 'yo."

"How sure are we that he's not in on that? He's always by my dad's side."

Tumango ako. "Precisely—alam niya lahat."

"And who's to say that he won't screw us up?"

Nagkibit-balikat ako. "Kasi si Nikolai Ferreira ka. Kahit magka-baliktad man ang mundo, anak ka pa rin nila. Walang mangyayari sa 'yo," sabi ko habang hinigpitan ang hawak sa kamay niya. Alam ko na natatakot na rin siya sa mga nangyayari. Kasi sino ba naman ang hindi matatakot?

"How about you?" tanong niya.

Pilit akong ngumiti. "Basta sa tabi mo lang ako?"

Umiling siya. "Let's get married. Please. Be my wife. If you're right, they should think twice before screwing with my wife."

Napaawang ang labi ko. "Seryoso ka ba?"

Tumango siya. Nanlaki ang mga mata ko nang bigla siyang may ilabas na singsing mula sa bulsa niya—na para bang ready na siya anumang oras para magpropose!

"This is not the proposal I planned for us, Jersey... I planned to propose on the beach, with the sun setting before us... I'd get on my knee and ask you to be my wife..." sabi niya at bahagyang ngumiti. "But life's unpredictable and I'm afraid of what's about to come. So... if you will... let's get married for now... and I promise you that I'll propose properly soon and give you the wedding you want—"

"Okay."

Napa-kurap siya. "Okay?"

Tumango ako. "Dun din naman tayo babagsak, 'di ba?"

Napaawang ang labi niya. "Are you serious?"

Umirap ako. "Ayaw mo ba?"

Mabilis siyang umiling. "No, of course not!" sabi niya at saka mabilis na inabot ang kamay ko. Kita ko iyong kaba sa mukha niya. "Are you sure?" muling tanong niya.

"Bakit? Ikaw ba 'di sure sa akin?"

"Jersey, I won't get your name tattooed on my skin if I'm not sure," mayabang na sabi niya.

Muli akong umirap. "E pinatakpan mo nga!"

"Fine," naka-irap din na sagot niya. "When it's all over, I'm gonna have your name tattooed again."

"Weh? Seryoso?"

"Yeah. You choose where."

"Kahit sa ano mo?"

Nagpanic iyong mukha niya. "Are you fucking insane?"

Tumawa ako nang malakas. Kanina lang ang serious namin tapos biglang ganito! Hindi ko talaga kami maintindihang dalawa! Tama nga si Nikolai—ako na ang sagot sa dasal niya dahil pareho kami ng trip dalawa!

"Fine, if you're gonna have me have your name tattooed on my dick, you better let me have my full name tattooed on both sides of your boobs."

"Fine. Basta full name ko itatattoo d'yan!"

Nagsmirk siya. "You have a lengthy name, but I trust my dick."

Umirap ako. "Napaka-yabang talaga!"

"I remember you choking—"

"Nagpo-propose ka ba talaga o mag-uusap lang tayo ng kabastusan dito, ha, Nikolai Quentin Ferreira?"

Umirap siya. "Please don't use my full name."

"What? Ang ganda nga, e!"

Ang tagal naming nagdebate tungkol sa pangalan niya. Hanggang sa napagod kaming dalawa. Kinuha niya iyong kamay ko, tumingin sa mga mata ko, at saka ngumiti.

"So... we'll do this?"

Tumango ako. "Sure na sure na 'to, ha? Walang divorce sa Pilipinas."

Tumango siya. "No divorce, Jerusha Leigh. No anullmnet, either," sabi niya. "You and me. Always."

"Nikolai," pagtawag ko.

"Yeah?"

"Mahal kita. Pakasal na tayo," sabi ko bago lumaki ang ngiti sa mukha niya at isuot niya iyong singsing sa daliri ko.

* * *

Kinabukasan ay maaga kaming umalis para mag-ayos ng mga papeles para sa kasal namin. Gusto namin pareho ng church wedding pero medyo magulo pa talaga lahat, so keri na muna sa civil wedding. Saka mas bet ko magpakasal kapag pareho na kaming lawyer para Atty. and Atty. Ferreira. Pero agad kaming natigilan nang makita namin sa labas ng pintuan ng condo si Nick kasama si Kuya Jerry.

"Dad—"

"We have to talk," sabi ni Nick. Napa-tingin siya sa akin. Tumingin ako nang diretso sa kanya. Gusto ko pa rin siyang sapakin dahil sa akin niya sinisi dati lahat nung nangyari! Tanda-tanda na, walang spine! Daig pa siya ng anak niya!

"About what?" tanong ni Nikolai habang hinihigpitan ang hawak sa kamay ko.

"About what you're planning to do," sagot niya. "Whatever it is, don't."

Humigpit lalo ang hawak niya sa akin. "It's none of your business, Dad."

Lumambot ang ekspresyon sa mukha ni Nick. Saglit akong naguluhan. "I know we have our differences, Nikolai, but you have to trust me on this."

"Why even, Dad? You didn't even bother telling me that there was nothing between you and Jersey and you knew that that drove me insane!" sigaw ni Nikolai. Ramdam na ramdam ko iyong galit niya sa higpit ng paghawak niya sa kamay ko. "So, why should I trust you now?"

"Because whatever you're planning on doing... I already did that before. And I failed. You can't beat your mother on her own game, Nikolai. I already tried."

***

This story is chapters ahead on Patreon (patreon.com/beeyotch)

Wreck The Game (COMPLETED)On viuen les histories. Descobreix ara