"Paano kayo naging friends?"

"Same school."

"Iyon lang?"

"We were required to join a club back in high school and the cool thing back then was to join the basketball team, so we tried out."

Napaawang ang labi ko. "Nagbabasketball si Nikolai?!"

Tumango si Vito. "Yeah... He didn't tell you?"

Umiling ako. "Hindi! Grabe. Kinakahiya ba niya? 'Di ba siya magaling? Bano ba siya?"

Tumawa si Vito. "No, he's actually pretty good. Sancho and I got in, but we weren't that good, so we were always in Team B. Yago got in Team A, but lost interest half-way. Only Niko really stayed, but he stopped playing when he tore his ACL."

Grabe... ang dami ko pa ring hindi alam kay Nikolai! Akala ko marami na akong alam, pero marami pa rin palang hindi.

Nagkwento pa si Vito tungkol sa mga kalokohan nila nung high school. Tawang-tawa ako kasi mga siraulo pala talaga sila. Siguro maraming suhulan na naganap dahil sa totoo lang, bakit hindi sila na-kickout sa mga kagaguhan nilang apat?

Hindi namin namalayan iyong oras kung hindi pa tumawag sa akin si Nikolai.

"Where are you?" agad na tanong niya nang sumagot ako.

"Vito," sagot ko.

Rinig na rinig ko iyong buntung-hininga niya. "Thank god," mahinang sabi niya. "I'm going there."

Pinatay ko iyong tawag. Nakita ko na naka-tingin sa akin si Vito.

"If he gets mad at me, you better defend me," sabi niya.

"Di naman magagalit 'yun!"

"Wanna bet?" tanong ni Vito pero bago pa man ako maka-sagot ay naka-rinig na kami ng sunud-sunod na katok sa pintuan. Umirap pa si Vito bago parang masama pa ang loob na bubuksan ang pintuan niya.

"Why yes, you're welcome inside," sarcastic na sabi ni Vito pero si Nikolai ay dumiretso lang sa akin. Bigla agad akong niyakap. 'Di na nahiya! Nandito pa naman si Vito!

"Okay ka lang ba?" bulong ko habang yakap ko siya.

"Not really," sagot niya.

"Nagdinner ka na ba?"

"Not yet."

"Walang pagkain sa condo... kuha na lang tayo dito," sabi ko kasi may pagkain si Vito. Naka-simangot lang si Vito habang kinuha namin iyong pagkain sa ref niya. Dami-daming pagkain, e! Damot!

Pagbalik namin sa condo ay ininit ko iyong pagkain. Ramdam ko iyong tingin ni Nikolai sa likod ko. Hinintay ko na makakain siya. Alam ko naman na magku-kwento 'yan dahil sinasabi niya naman sa akin mga pwede niyang sabihin.

"Vito really has the worst taste in food," sabi niya habang parang labag sa loob na kinakain. Tinikman ko. Okay naman! Feeling food critique talaga 'to!

"Order ba ko ng Jollibee?"

"No, it's okay, Ga."

"Reklamo ka, e."

"Sorry."

"Okay ka lang ba?"

"No."

"Yakap, gusto mo?"

"Yes, please."

Tumayo ako at pumunta sa likod niya tapos niyakap siya. Hinalikan ko rin iyong pisngi niya tapos ay bumalik ako sa pwesto ko.

Wreck The Game (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon