"Mahal?Kelan ka pa natutong magmahal ha Johny?!"galit na lumapit si Ysabel dito at saka dinuro.si Johny."Eto ang tandaan mo Johny, siniaiguro ko sayo na kahit kailan hindi kayo magiging masaya ng babaeng yun.Darating ang araw na magkakahiwalay kayo!Sinisiguri ko yun!"sabay talikod ni Ysabel at nagmartsa na palabas ng opisina ni Johny. Pabagsak na naupo naman si Johny at sak sumandal sa upuan. Biglang tumunog ang cellphone ni Johny.
"Kuya?!"si Kathleen ang nasa kabilang linya."Pinapapunt ka dito ni Mama, aalis na kami bukas hindi ka man lang daw napunta dito.!"
"Okey,.pupunta ko diyan mamaya!" sagot ni Johny habang hinihilot ang noo.
"Isama mo daw si Ate Maxene, sabi ko at ni Mama.!"pahabol pa ni Kathleen.
"Susunduin ko siya mamaya paglabas ko dito sa opisina.!" matagal ng nawala ang kausap niya sa telepono hindi pa rin makapagtrabaho si Johny.Nababahala siya sa sinabi ni Ysabel.Si Ysabel ang klase ng babae na ayaw nalalamangan! Nasa ganoon.siyang pag-iisip ng pumasok si Brent
"Problema pare?!"tanong nito.
Tumingin siya dito at saka tumango!"About what pare?!"tanong ulit nito.
Tumitig muna si Johny sa kaibigan bago nagsita. "Pumunta dito si Ysabel!Galit na galit, sinabi niyang magkakahiwalay kami ni Maxene at yun ang sisiguraduhin niya.Kilala ko si Ysabel Brent, kapag sinabi niya ginagawa niya!Nag-aalala ko na baka kung ano ang gawin niyang panggugulo sa relasyon namin ni Maxene!Mahal na mahal ko si Maxene at ayow kong mangyari yun!" seryoaong sabi ni Johny.
"Hindi naman siguro pare,.kahit anong gawing paninira ni Ysabel kung mahal niyo naman talaga isa'-isa kayo talaga pare!"
Napaisip si Johny.Tinapik siya ni Brent sa balikat at saka nagsalita si Johny."Siyanga pala pare, aalis bukas sina mama at Kathleen papuntang australia, magluluto si mama mamaya padespededa, pero tayo-tayo lang naman!".
Napakunot noo naman si Brent."Ano pare?Hindi pa nga ako nakakapanligaw ilalayo mo na sakin kapatid mo?!"
"Ulol!dalawang buwan lang sila doon, at pag gusto ni Kathleen magtrabaho muna doon, para mahasa siya!Babalik din naman sila!"
"Naman pare!Anong oras ba alis nila bukas?"
"Alas 10 ng umaga pare!"
Napatango naman si Brent.Ilang minuto pa silang nag-usap at saka lumabas si Brent sa opisina ni Johny.
Ala 5 ng hapon ng magpasya si Johny na umalis ng opisina para sunduin si Maxene.Tinawagan niya ito. Kalahating minuto ang binaybay niya bago nakarating kanila Maxene. Nakita niyang nagwawalis si Maxene sa harap ng bahay nila.Narinig naman ni Maxene ang kotse ni Johny na paparating, huminto siya sa ginagawa at saka tumingin dito.
"Hi sweety!" bati ni Johny sabay halik kay maxene.
"Anong ginagawa mo dito?" tanong naman ni Maxene
"Naandito ko para sa sunduin ka!?Pinapasundo ka sakin nila mama.Aalis na sila bukas patungong Australia!" sabay haplos ni Johny sa balikat ni Maxene.
"Ha?Ang bilis naman!"
Nagkibit balikat naman si Johny. "Bihis ka na, nasaan ba si Nanay at ipagpapaalam na kita?!" sabay lingon ni Johny sa paligid.
"Naandiyan sa loob, nagtatahi!"pumasok na silang dalawa.Nagmano si Johny kay Aling Tina.
"Kaawaan ka ng Diyos iho!Maupo ka muna!"sabay turo ni Aling Tina sa upuan.
"Ahm,.Nay sasama ko ho muna si Maxene samin, aalis ho kasi sila mama at kathleen bukas.Ihahatid ko na lang ho siya bago mag-alas Diyes."paalam ni Johny habang si Maxene naman ay nakatayo sa tabi ng kaniyang ina.
"Ganoon ba?Oh mag-bihis ka na anak para hindi maghintay ng matagal itong si Johny!"sabay tingin kay Maxene.
"Oho 'Nay!" humalik si Maxene sa kaniyang ina at saka nagbihis.
"Hindi na ho ba sumakit ang ulo niyo Nay?!"tanong ni Johny habang naghihintay kay Maxene.
"Hindi na iho!"inilapag ni Aling Tina ang ginagawa at saka kinausap.si.Johny."Ipinagkakatiwala ko sa iyo iho ang anak ko, anu't -anuman ang mangyari ay huwag mo siyang pababayaan at sana nandon ka sa tabi niya lagi kung sakaling may dumating na matinding pagsubok sa kaniya!" seryosong pagsasalita ni Aling Tina.
"Makakaasa ho kayo Nay!Ba't ho ganiyan ang pagsasalita niyo Nay?Parang ----parang....!"hindi matuloy-tuloy ni Johny ang sasabihin
"Parang naghahabilin ba iho?!Hindi natin alam ang panahon iho, mabuti na ang maging handa tayo!"Hinawakan ni Johny ang kamay ni Aling Tina.
"Malakas ho kayo Nay kaya matagal pa ho bago mangyari ang sinasabi niyo, mas gugustuhin ko ho na naandun kayo sa araw na pinakaespesyal sa buhay ni Maxene, balak ko hong magpropose na sa kaniya Nay, kung pupuwede ho sana!" tinitigan ito ni Aling Tina at saka ipinatong ang kamay sa kamay ni.Johny.Tumango si Aling Tina.
"Ikaliligaya ko iyon Johny, nasa tamang edad na rin naman kayo!Salamat iho!Ngayon pa lang alam kung nasa mabuting lalaki si.Maxene!" hinaplos ni Johny ang likod ni Aling Tina dahil nakita niyang maluha-luha ito.Ilang saglit pa at lumabas na si Maxene.
"Oh?May drama bang nagaganap dito!"biro ni Maxene. Pasimpleng punas ni Aling Tina sa mata nito.Tinanaw ni Aling Tina ang dalawang paalis.Masaya siya para sa anak niya dahil natagpuan na nito ang lalaking para dito.
Pagdating nila Johny sa bahay nila sinalubong agad sila ni Kathleen.
"Hello Ate Max!"bati ni maxene saka humalik at yumakap sa kaibigan.
"Hi Kath, kaw ha aalis ka na pala bukas!"sagot naman ni Maxene."Nasan si mama?"
"Nasa taas pa ata, inaayos ibang gamit na dadalhin niya, tawagin.mo na kuya para kumain na tayo!" utos ni Kathleen
"Ha?Inuutusan mo ba ko Kathleen Faye?"kunwaring galit na sabi ni Johny.
"Hehehe.!"sabay taas ng kamay ni Kathleen na naka-peace sign."Nakikisuyo lang kuya, paminsan - minsan kasi humiwalay ka din kay ate max, lagi ka na lang nakapulupot, mamaya magsawa yan sayo,hahaha..!' anyong kukurutin ito ni Johny ngunit nagtatakbo ito paakyat sa hagdan para ang tawagin ang ina at saka sumigaw.
"Maaaa..kain na tayo andito na magjowa, linalanggam na!" sabay tingin kay Johny na bumelat pa.
Samantala, "Hmp, tell me sweety magsasawa ka ba sa mga yakap ko!" tanong ni Johny.
Humarap si Maxene at hinawakan ang pisngi ni Johny, "Nope, kahit kelan hinding hindi ako magsasawa sa Bebelove Q!"sabay mabilis na dinampian ng halik sa labi si Johny
"uh--uh, huwag mo ko susubukan sa mga halik-halik na yan Maxene!Baka hindi lang halik gawin ko sayo, tagal ko ng nagtitiis sayo, uhmp!" pinagdikit ni Johny ang ilong nila."nandoon lang sa taas ang kwarto ko, baka dukutin kita at ikulong doon!" at saka hinalikan ni Johny si Maxene s mga labi! Napayakap naman si Maxene dito at naipikjt niya ang kaniyang mga mata!
"Ba't kaya habang tumatagal lalong sumasarap at hinahanap-hanap ko ang halik ng lalaking 'toh!"sa loob -loob ni Maxene habang patuloy na dinadama ang halik ni Johny, ng biglang ...
"Ooopppsss...Time out muna , kakain muna tyo!Reserve niyo muna yan,ang tamis kasi,gawin niyo na lang panghimagas.!"tukso ni Kathleen.Hindi nila napansin ang pagdating nito, hiniwalayan ni Johny ang labi ni Maxene at saka kinuha ang unan s sofa sabay bato nito sa kapatid.Napahagalpak naman si Kathleen at namula si Maxene dahil nakita sila nitong naghahalikan.Inakbayan ni Johny si Maxene, naglakad sila papunta sa kusina at saka bumulong."Nanggigigil ako sayo sweetheart, buti na lang dumating ang brat na babaeng yun,uhmmp!'sabay higpit ng pag-akbay niya dito!.
Pagbaba ng mama nila saka nila pinagsaluhan ang inihanda nitong dinner.Masaya silang kumakain habang nagkukwentuhan.
ESTÁS LEYENDO
Started with a Text
RomanceIsang teknolohiya ang magsisilbing kupido ng dalawang pusong mag-iibigan. Magkaiba man ang mundong kanilang ginagalawan hindi pa rin mapipigilang paglapitin sila ng tadhana at pagtag-puin sila sa larangan ng usaping pagmamahalan. Hayaan niyong maiba...
