"Tsk. Ano bang kailangan mo?" tanong ko nalang.

"Good morning to you too!" labag sa loob nyang ani at nanghalukipkip.

Umiling ako at nilagpasan sya.

"Aba't!—"

"May pupuntahan ako 'wag kang magulo."

"What? 'San ka naman pupunta?" Ramdam kong sumunod sya sa'kin papunta ng sala nila.

"Basta."

"Anong basta?"

"Hindi mo na kailangang malaman pa." saad ko. Dumiretso ako sa kusina nila at kumuha ng baso ng tubig. Isang maid ang naabutan ko 'dun na nagkakape pero agad ding umalis ng makita kung sinong nakasunod sa'kin.

"Ayan ka na naman." angil nya kaya nilingon ko sya. Salubong ang mga kilay nya habang inis na nakatingin sa'kin. "Si Heartley na naman ba?"

"Bakit ba puro ka Heartley? Nakakairita ka na."

Nagliwanag bigla ang mukha nya na kinakunot ng noo ko. "So nakakairita si Heartley para sa'yo?"

"Anong pinagsasabi mo?" nilagay ko sa sink ang baso at binuksan ang gripo para banlawan ito.

"You know what? Nevermind. Hindi naman siguro si Heartley ang pupuntahan mo diba?"

Sinulyapan ko sya na nakatayo sa kaliwa ko at nakasimangot. Pinatuyo ko muna ang baso at nilagay sa lagayan bago sya hinarap.

"Hindi." diretso kong sagot na nakasandal sa sink.

Sa isang iglap lang ay nagliwanag muli ang mukha nya at lumapit pa sa'kin. "That's enough for me. Atleast alam ko na hindi sya ang pupuntahan mo. Nakakairita din kasi talaga ang babaeng 'yun."

Umiling ako. Sabi na nga ba't mga walang kabuluhang bagay lang ang sasabihin ng babaeng 'to.

"Wait," pigil nya sa'kin ng tangka na'kong aalis. Napasandal tuloy ulit ako sa lababo.

"Ano na naman?" nabuburyo na'ko.

Dumungo sya pero hindi nakatakas sa paningin ko ang pagkagat nya ng labi. Namumula din ang mga pisnge nya. Nahihiya ba sya? Ano na namang sayad ng babaeng 'to?

"You know. . . last night, I was so happy." simula nya, nag-angat ng tingin. "Alam mo naman kung bakit diba?"

'Huh?'

"Ano?"

"Nasabi ko kay Brad ang totoo kong nararamdaman kahit na medyo mahirap. Guilty talaga ako kasi kahit hindi man nya ipakita ay ramdam kong nasaktan ko sya." mahina nyang saad. "It was hard. But at the end of the day, it was still the right thing to do."

Bigla nalang syang nagsalita ng mga ganito. Anong nangyari sa kanya?

Tumingin sya sa'kin, mata sa mata. Walang pinalampas. Tingin na parang pati kaluluwa ko ay tinitignan nya.

'Kakaiba sya ngayon. Anong nangyari at parang hindi sya ang dating brat na kilala ko?'

"Pero alam mo? Masaya ako. Hindi lang dahil nasabi ko na sa kanya sawakas ang bagay na matagal ko ng gustong sabihin na tungkol din naman sa'yo pero. . . . masaya din ako kasi sa mga oras na 'yun, hindi mo'ko iniwan."

"Anong—"

Nahinto ako sa balak na pagsasalita ng dahil sa mabini nyang pagtawa. Dahan-dahan syang pumwesto sa harap ko. Hindi masyadong malayo, hindi din masyadong malapit. Sakto lang para matitigan ko ng hindi naduduling ang mga mata nya.

"Alam mo 'bang ang saya ko talaga kagabi? Nagkaroon ako ng lakas ng loob na umamin kay Brad kasi ramdam ko ang mga titig mo sa'min sa di kalayuan." ngumiti sya. Ako naman ay napatanga lang sa mga pinagsasabi nya. "I knew August. I felt it. Somewhere away from where we're talking last night, among with the crowd, I felt your gaze towards us. Towards me. And that gaze gave me enough strength I need to go and talk. So thank you."

Loving A Her (Intersex) CompletedWhere stories live. Discover now