Prologue

3 0 0
                                        

Day 15 Bago ako magbente

Hello Ian,

Masakit ang pwet ko kakakain nung sutanghon, akalain mo yun marunong na akong magluto! Kaso ang anghang, akala ko hindi legit yung labuyo, tuyo na kasi! Nga pala, hindi pa tapos yung drawing plates ko, ayoko naaaaa, tulungan mo naman ako, ang sakit na ng likod ko eh huhuh. Pero nakakaproud talaga, lasang noodles yung nailuto ko, syempre ako lang yung kakain kasi baka may malason pa ksbdjdb, pero sige na andami ko pang deadlines. Gg na talaga ako. Ge ge bye, Ian. Labyu ew.

Day 11 Bago ako magbente

Yo Ian boiii,

Wala na naman akong natapos na drawing plates, nakatitig lang ako sa papel ko, pano na.. Gusto kong pumasa huhyhuhuhuh. Nga pala, natatakot akong magparehistro, sino nga yung pinagtawanan si Bata nung inamin niyang wala pa siyang voter's ID? Ay ikaw yun, ako pala yun. Magbebente nako, ang gulo parin ng buhay koooo. Ayyyy gusto ko ng matapos yung plates ko utang na loob. Ge na nga bye!

Day 8 Bago ako magbente

Sup Yo,
Naadik na ata ako sa youtube ey. Lahat nalang ng makita kong "What jf you're the last person on Earth" pinanood ko na wahahahahha. Kapag ako nagkaganon, maninira ako ng buildings mwehehehe pakakawalan ko yung kademonyohan ko lollll. Ang lamig lamig! Tapos ang hina ng net! Napilitan tuloy akong maglagay ng entry meh. Ge na hindi na masama loob ko. BYE!

Day 5 Bago ako magbente

Hello Iannnnn

Nakapagpasa ako ng assignment! Tamo yunnn, mwahahhahahah I'm a powerful man bow down before meeeee. Ay nga pala, may defense sa birthday ko, GG na osnejeber, nakakatuwa magletter smashing lol ge na I'm a busy man. charot.

Day 4 Bago ako magbente

Hi, Ian

Alam mo yung 30 mins before deadline ako natapos sa plates ko kaso hindi naipasa kasi naglag yung laptop ko? Tapos, tapos, wala ng consideration yun kasi yun na yung consideration na binigay samin. Hanggang sorry nalang yung prof ko. Hindi niya naman kasalanan na gago ako at palaging late magpasa ng assignment. Ayoko na sa pandemic na to. Gusto ko ng mawala sa mundo. Sinasayang ko lang yung pera ni Lola, nawala na rin scholarship ko. Pano na... Hay.. Ge Ian, pakatatag ka.

Day 3 Bago ako magbente

Ian, pano kung paggising ko ako nalang mag isa? Nagbrown out dito, hindi na naman ako nakapagpasa ng assignment kasi lowbat na lowbat yung phone ko. Swerte kasi nakacharge yung mosquito swatter ko, nakakahiya na sa partner ko kasi palagi nalang kaming late, Ian mahiya ka naman, tulungan mokong makapasa. Wag kana magbasa muna ng manga please, hindi naman tatakbo yung mga oppai eh. Maging Eren Yeager ka muna saglit, reject mo muna yung mga chikaoppai ha.

Day 2 Bago ako magbente

Anong pinakauna mong gagawin kung paggising mo ikaw nalang yung nag iisang tao sa mundo?
Palagi ko ng tinatanong yan sa mga tao dito sa bahay lollll.

Day 1 Bago ako magbente

Ian, sorry kasi mukhang may bagsak na naman tayo. Plumbing boi. Kakagising ko lang tapos bungad sakin yung sabi ni prof hindi na raw graded... Pano na Ian.. Sorry talaga.. Naaawa nako kay lola, sipain ko na kaya yung silya? Nalanghap ko yung hydrogen peroxide kanina, akala ko matutuluyan nako. Pano kung yun na nga. Alam mo, kalahati sakin gusto yun, kalahati wag muna kasi makalat pa kwarto ko, yung brief ko nakatago pa sa ilalim ng foam, maglinis muna tayo bago lumipad ha. Good night na, araw natin bukas, I need my beauty sleep.

Day 0

What the fuck talaga, Ian.

Anda telah sampai ke penghujung bahagian yang diterbitkan.

⏰ Kemaskini terakhir: May 12, 2021 ⏰

Tambah cerita ini di Pustaka anda bagi pemberitahuan tentang bahagian baharu!

Blue WhaleTempat di mana cerita hidup. Terokai sekarang