"Ha?Hindi ka ba kakain ng pansit?Saluhan mo muna kami ng kuya mo"aya ni Maxene.
"Hindi na ate, doon na lang sa kaibigan ko. Bukas yan na lang ang agahan ko!"
"Oh sige, mag-iingat ka, umuwi ka agad ha?Huwag kang iinom ng alak doon, isusumbong kita kay Nanay." bilin pa ni Maxene.
Napakamot na lang sa ulo si Dandan."Opo ate, sige alis na ho ako, Kuya?!"tumingin ito kay Johny bilang pagpaalam.
Wala na si Dandan ng magsalita si Johny."Buti na lang hindi kita naging ate!"
"Bakit naman?"
"Eh mas mahigpit ka pa kesa sa Nanay eh, baka matanda na si Dandan di pa yan nakakahanap ng gf.!"
"Talagang di pa siya pwede magka-gf.!"
"hahaha.eh bat ikaw sweety, di ka ba nagka-bf agad?uhmp!"
"Pag-aaral unang inatupag ko noh, halika na nga kumain na tayo!!"aya ni Maxene. Naglagay ng 2 plato si Maxene ngunit pinigilan ito ni Johny. "Isang plato na lang gamitin natin sweety, subuan mo na lang ako!" lambing ni Johny. Sinunod naman ito ni Maxene. Nagsalo sila sa pagkain.at mamaya eh nagsusubuan.
"uhmmp..napapasarap talaga pagkain ko pag ikaw kasabay ko sweety, ano kaya kung i-hired kita habang buhay bilang tagapagluto ko?" nakangiting turan ni Johny.
"Sira!"tugon naman ni Maxene at saka sinubuan si Johny. Ilang sandali pa at tapos na sila kumain.Pumunta sila sa sala.
"Sandali lang ha, sisilipin ko lang si Nanay!"paalam ni Maxene.Tumango naman si Johny at saka naupo.Ilang saglit pa at bumalik na si Maxene."Mahimbing ng natutulog si Nanay, sana bukas magaling na siya!" lumapit si Maxene kay Johny at sinenyasan naman ito ni Johny na umupo sa tabi niya. Tumabi si Maxene, yinakap ito ni Johny at sumandal naman si Maxene sa dibdib ng kasintahan.
"Anong balak mo sweety ngayong graduate ka na?Magtatrabaho ka ba agad?!"tanong ni Johny na mahigpit ang pagkakayakap kay Maxene.
"May offer sakim na trabaho sa munisipyo at yung pinsan naman ni Nanay sa maynila, tinext ako na kung magtatrabaho daw ako doon pwede.niya kung matulungan, sa bangko daw!" sagot ni Maxene.
"Masyadong malayo ang manila sweety, sa Munisipyo payag ako, pero kung sa maynila, hindi!" hinalikan ni Johny ang buhok ni Maxene."Magkanu ba ang papasweldo sayo ng bangko na yun, sa opisina ko ikaw magtrabaho at dodoblehon ko, uhmp sweety?!"
Hinampas ito ni Maxene ng mahina."hmp.yabang!"hinuli ni Johny angvkamay niya at saka dinampian ng halik.
"Seryoso ko Maxene, dun kami sa opisina mag-aaply.Ayaw mo nun, lagi mo kung makikita at lagi rin kitang makikita!"
"Hindi ko pa alam, saka na siguro ! Si Kathleen, anung balak niya?"Tanong ni Maxene.
"Pupunta muna sila ni Mama sa pinsan ni Papa sa Australia.Two months siya doon, magtatrabaho ng kunti para mahasa.Then nasa kaniya kung dito ba siya o doon magwowork!"
Nalungkot bigla si Maxene," matagal pala bago kami magkita uli!"
"sshh..andito naman ako sweety, bukod sa bf mo na ko, bestfriend mo pa, diba?!"
"hahaha.syempre, pero nasanay din kasi ko na lagi kaming magkasama!"Nag-angat ng ulo si Maxene at tiningnan si Johny. "Sandali, di ka pa ba uuwi?Maghahatinggabi na ah!"
Yinuko ito ni Johny at nagsalita."Pag kasama kita sweetheart, hindi ko napapansin ang oras.Kung pwede nga eh tumigil ito sa pag-ikot tuwing kasama kita ng sa ganoon hindi tayo magkakalayo pa!" madamdaming turan ni Johny.
"Nakuw, ang BebeLove q masyadong corny.Ayow mo lang umikot ang oras kasi tumatanda ka na eh!hahahaha"
"Tumatanda pala ah!" kiniliti ito ni Johny ng kiniliti hanggang sa mapansin niyang hinihingal na sa kakatawa si Maxene.Tumigil siya sa pagkiliti dito at saka hinila.Nakakandong na bumagsak si Maxene kay Johny.Sabay ang kanilang paghinga, dahil sa pagod.Magkalapat ang kanilang mukha at ilang saglit pa mga labi na nila ang magkalapat.Sandaling naghihiwalay ang mga labi nila para makahinga ngunit agad din itong hinahalikan ni Johny.Matagal ang halik na pinagsaluhan nila ng magpasya si Johny na ihinto ito!
"I love you so much sweety!" sabi ni Johny habang humihingal.
"I love you too Johny!" sagot naman ni Maxene dito. Yumakap siya ng mahigpit dito at saka tumayo! Nagtititigan silang pareho, hindi makapagsalita si Maxene ngunit si Johny ang nagsalita.
"Upo ka dito sweety sa tabi ko, hintayin natin si Dandan na dumating bago ko umuwi!" sabi ni Johny, mas makakabuting dun ito maupo dahil kung hindi niya napigilan ang kaniyang sarili baka may ngyari na sa kanila! "Next time sweety huwag mo kung titigan ng ganoon ha?Baka malunod ako ng titig mo weh kung ano pa magawa ko!" kinurot naman ito ni Maxene, at tumawa naman si Johny. Tahimik lamang silang dalawa na nakaupo, sumandal si Maxene kay Johny.Hindi namalayan ni Maxene na nakatulog na pala siya.
Tiningnan ito ni Johny at nakitang tulog na si Maxene, nagpasya siyang buhatin ito papunta sa kuwarto nito. Nagmulat saglit si Maxene at naramdaman niyang umangat siya, ngunit dahil sa antok na antok pa ay hindi niya na namalayan.
Pagdating sa kuwarto ni Maxene, dahan-dahang binaba ito ni Johny.Maingat niyang inihiga ito, kinumutan at saka yumuko!
"Mahal na mahal kita Maxene, hindi ko kakayaning mawala ka sakin!"bulong ni Johny dito, hinaplos niya ang mukha nito, pababa sa labi at saka dinampian ito ng halik."Sweetdreams sweetheart!" at saka maingat siyang lumabas ng kuwarto.Nagpasya siyang sa sala na lamang hintayin ang kapatid nito. Inantok siya at humiga sa mahabang kahoy na upuan nila maxene.Pinikit niya ang kaniyang mga mata at di niya namalayang nakatulog siya.
Ilang sandali pa at dumating si Dandan.Nakita niyang tulog na tulog si Johny sa upuan at nakapamaluktot ito dahil sa maiksi lamang ang kinahihigaan nito at matangkad si Johny.Nagpunta siya sa kuwarto ng kaniyang ate at ginsing ito.
"Ate...ate..!" sabay mahinang yugyog ni Dandan s kapatid.
"Uhhmmp...bakit?"..inaantok pang tugon ni Maxene!
"Ba't dun mo linatulog si Kuya Johny, nakapamaluktot dun sa upuan, hindi magkasya, mangangalay yun dun magdamag, sana dun mo na lang sa kuwarto ko pinahiga!"
"Ha?Andito pa ang kuya mo?" biglang bangon ni Maxene at saka naalala na nakatulog pala siya.Di niya maalala kung bakit sa kuwarto na niya siya nakahiga, pagkakatanda niya nakauoo sila ni Johny bago naidlip.Tumayo siya at pinuntahan ito.
Naawa siya sa itsura nito.Ginising niya ito."Johny?..."
"uhnmmmp.."nagmulat naman ng mata si Johny at nakita si Maxene.Bumango ito."Nakauwi na ba si Dandan sweety!?'
"Oo, ba't diyan ka natulog?!"tanong ni Maxene."Mangangalay ka diyan, di ka ba uuwi,.o kung gusto mo dito ka nalang matulog?!"
Napangiti naman si Johny, "Sige, pero tabi tayo ha?!"
"hahaha.Sira, dun ka na matulog sa kuwarto ni Dandan at kami na lang ni Dandan magkatabing matulog!"
Anyong hibiga ulit si Johny sa upuan ng hilain ito ni Maxene."ayyy...ang arte mo Mr. Agustin!Leka na,.!" tinulak ito ni Maxene papasok sa kuwarto ni Dandan. "Higa na, bukas ka nalang umuwi!"
Nakatitig naman si Johny dito."Okey but let me kiss you sweetheart!" hinalikan ito ni Johny sa labi at saka yinakap. "Okey, now labas na sweetheart..Baka magbago ang isip ko eh di kita palabasin ng kwarto.!"Natawa naman si Maxene, nahiga na si Johny at naglakad na palabas ng kuwarto si Maxene.
YOU ARE READING
Started with a Text
RomanceIsang teknolohiya ang magsisilbing kupido ng dalawang pusong mag-iibigan. Magkaiba man ang mundong kanilang ginagalawan hindi pa rin mapipigilang paglapitin sila ng tadhana at pagtag-puin sila sa larangan ng usaping pagmamahalan. Hayaan niyong maiba...
